Ziggy's Pov:
I'm Ziggy Isabelle Faugier, 20 years old, nag aaral ako sa pinakamalapit na kolehiyo sa Village, nasa States ang mga magulang ko , wala akong kapatid kaya mag isa lang ako sa bahay namin.
Papasok na ko sa school at naglalakad sa may side walk, malapit na ko sa gate nang biglang may dumating na motor na napakabilis ng takbo at muntik nya pang mabangga ng motor nya yung guard
teka estudyante ba to?
sira ulo yata yung nagda drive neto eh! hindi nya ba alam na kinakasuhan ang mga wreckless driver? tss..
bahala na nga, basta ako papasok na.
Naglalakad ako sa may hallway nang makasalubong ko si Isabelle, ang kaisa isang best friend ko simula highschool.
"Bestie, may gagawin ka ba tomorrow night?"
"Ahm, wala naman.. bakit?"
"Eh kasi birthday ni Knoxx, alam mo na yun party party to the max diba?"
"Eh.. diba may mga readings na binigay yung prof natin?.. eh ano kasi eh.. ang hirap pag walang maisagot sa recitation kaya baka mag aaral nalang ako tomorrow night, ibati mo nalang ako kay Knoxx ng happy birthday"
"Ano ka ba, hindi ka pwedeng mawala dun birthday yun ng bf ko bestie, sige na.. and after all tropa tropa naman tayo nila Knoxx before diba?"
"Eh kase best, alam mo namang wala akong panahon sa ganyang bagay.."
"Sama ka na best please, pagbigyan mo na ko please please, pretty please.."
"Hmm, okay pero, saglit lang tayo ha?"
"Oo promise uuwi din tayo agad.."
"Okay.."
"Yehey! Ako mag ma-make up sayo ha, aayusan kita!"
"Sige, bahala ka haha"
Pa uwi na ko, naglalakad na ko sa village nang may naramdaman akong parang may sumusunod nanaman saken, kaya lumingon ako sa likod pero wala namang kahit sinong tao eh Oo, medyo madilim yung dinadaanan ko pero may mga street lights naman eh.
Nagpatuloy na ko sa paglalakad at nagbilang nalang ako para hindi ako kabahan.
1..
2..
3..
4..
5..
6..
Grabe ang bigat na talaga ng pakiramdam ko, may sumusunod talaga saken.
Tatakbo na ba ko? lumingon ako ulit at may nakita nga akong lalake sa di kalayuan, naka school uniform sya, pero hindi ko makita yung mukha nya kase madilim, pagkakita ko sa kanya ay binilisan ko ang paglakad.
Lumingon ako at tama nga yung hinala ko, sinusundan nya nga ako kaya tumakbo na ko.
Takbo, takbo, takbo, malapit na ko sa bahay ng biglang,
Boooggggsssshhhh!!
nadapa ako bwiset kung kelan nagmamadali eh!
aray naman ang sakit ng tuhod ko may sugat dumudugo..
tumakbo ulit ako at ininda muna yung sakit hanggang sa nakarating na ko sa bahay ko at nilock ko yung pinto as in lock na lock hingal na hingal ako na sumandal sa pintuan, napa upo ako dahil sa sobrang sakit ng tuhod ko, grabe sino kaya yun? nakakatakot.
Erald's Pov:
I'm Erald Andrei Tamano, kakauwi ko lang galing States, at pumunta ako dito para sa isang misyon. Ang mapa ibig ang isang babaeng hindi ko naman kilala at lalong hindi ko naman gusto. Ginagawa ko 'to para sa mga magulang ko, they set me up with a girl, and they are planning to have an arrange marriage pero, pano nga ba mapa ibig ang isang babae? I tried so many times before pero, it was just some sort of a game. Lalo na sa nangyayare sakin ngayon, I came back here to forget everything. To see new places, to mend my broken heart and to forget Rina, the girl that I loved. Kamamatay lang ni Rina last month, and she died in my hands, not knowing what happened, they said that she was a mistress of a billionaire and the wife killed her, and I don't even know about this mess that she got into, and I don't even know if the child that she was carrying that night is mine. She left me with nothing to hold on. Sobrang nasasaktan ako sa nangyayare, nakakagalit. Kaya ngayon, wala akong pake kung magawa ko man o hindi yung ipinapagawa ng mga magulang ko dahil puro kalokohan lang naman ang alam nilang pinag gagagawa ko.
BINABASA MO ANG
My Husband's Dark Secret
Подростковая литератураWhat will you do if your husband has a dark secret? WARNING: MATURE CONTENT, SPG,