Ziggy's POV:
Pag uwi namin sa bahay ay wala akong ginawa maghapon kundi magkulong sa kwarto. I can't stand the pain, mas masakit pa pala sa lahat ang mawalan ng anak kaysa sa simpleng pagkawasak ng puso. One time kinausap ko si Erald, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para gawin to.
"Erald?.."
Nakita ko sya sa private office nya sa bahay, napakaraming paperworks ang pinipilit nyang tapusin kahit antok na sya
"Ziggy?... buti naman lumabas ka na ng kwarto, nag aalala ako sayo eh.."
Tumulo bigla yung luha ko nang tumayo sya at niyakap ako, kumalas ako sa pagkakayakap nya sakin at pilit na tinanggal ang wedding ring ko.
"Kaya lang naman tayo nagpakasal dahil buntis ako diba? Pero ngayong wala nang nag uugnay sating dalawa, it's okay, you're free now, maghiwalay na tayo Erald.."
"Ano?! Teka hindi ako papayag! Anong tingin mo sakin ha?! Na ganon lang yon kaya nagpakasal ako sayo?! Ziggy mahal kita! Naiintindihan mo?! Mahal kita! Kaya hindi! Hindi tayo maghihiwalay!"
Nag walk out sya ng private office nya at iniwan nya ko dun.
Kaya bumalik nalang ako ng kwarto at doon umiyak ng umiyak.
Hinihintay ko syang pumunta dito sa kwarto naming pero ang tagal nya hindi ko namalayang nakatulog na pala ko hanggang sa namalayan ko nalang na ginigising nya ko.
"Ziggy... lumabas ako saglit, eto oh, binilhan kita ng mga paborito mong pagkain, kain ka na ohh.."
Napatingin ako sa dala nya, Oo nga favorite ko nga lahat yun.
"Sige na para bumalik yung lakas mo kaagad.."
Naiyak nalang ako dahil naaalala ko yung mga ginawa nya sakin, ni hindi ko nga alam kung bakit nandito pa ko eh, I want to leave.
"Ayoko *sob* nyan.."
"Ziggy naman.. ano bang kaylangan kong gawin para mapatawad mo ko?.."
"Hayaan mo nalang muna ko.. *sob* I need space *sob* I need *sob* more time to think.. *sob* at saka.. *sob* hanggang ngayon *sob* natatakot pa rin ako sayo *sob* hindi ko akalaing magagawa mo yun saken *sob*"
"Naiintindihan ko pero.. can you please just eat, wag mong patayin Ijp sarili mo dahil lang sa mga pagsubok na nangyayare satin.. masakit din yun para sakin and believe me sobrang nadedepress ako hindi ko lang sinasabi sayo kase kaylangan kong maging matatag, hindi lang para sa sarili ko kundi para sayo Ziggy.. at kung pareho tayong manlulumo walang mangyayare sating dalawa.. kaya please parang awa mo na.. wag mong pabayaan yung sarili mo, nawalan na tayo ng anak, hindi ko kakayanin pag nawala ka pa sakin.."
Yun lang at kinuha nya na yung unan nya para matulog sa kabilang kwarto.
Erald's POV:
Walang dapat sisihin sa nangyare kundi si Tyronne. Kundi dahil sa kanya edi sana maayos kami ni Ziggy ngayon, balak ko naman talagang ligawa si ziggy dati pa, gustong gusto ko sya pero dahil sa nangyare samin, nasira na lahat.kung hindi lang nangyare yun sigurado ako masayang masaya kami ni Ziggy ngayon, hindi yung katulad nito, kahit gusto ko syang hawakan at lambingin, hindi ko my hhaa LL olagawa dahil pakiramdam nya gagawan ko sya ng masama.
"Umiinom ka nanaman bro?"
"Knoxx, ikaw pala"
"Nabalitaan ko yung nangyare ah, kamusta na si Ziggy?"
"Okay na sya, nasa bahay nagpapahinga"
"Ano ba talagang nangyare?"
"Knoxx, kung may sasabihin ako sayong importante at napaka kumplikado, ipinapangako mo ba sakin na ititikom mo yang bibig mo?"
"Oh sige, ano yun?.."
"May masamang nangyare kay Ziggy nung gabi ng party mo"
"Ano?.. eh sinong gumawa sa kanya ng masama at anong ginawa sa kanya?"
"Si Tyronne"
"Anong ginawa sa kanya ni Tyronne?"
"Ginamit nya ko Knoxx, ginamit nya ko para pagsamantalahan si Ziggy, dahil pag hindi ko ginawa, papatayin nya kaming dalawa"
"Anong rason nya para gawin yun?"
"Si Andrea, matindi ang galit nya sakin dahil ang buong akala nya ay inagaw ko sa kanya si Andrea, pero ang totoo sinadya ni Andrea yun para makalaya kay Tyronne, sinasaktan sya ni Tyronne, ginawa ko lang kung ano ang tama pero hindi ko akalain na sa akin mababaling lahat ng galit nya at ngayon dinamay nya pa si Ziggy, nagpadala sya ng package kay Ziggy at ang lahat ng laman nun ay ebidensya na pinagsamantalahan ko sya"
"Ibig sabihin after all this time, yung batang dinala ni Ziggy ay sayo?.."
"Oo.. pero maniwala ka, mahal ko si Ziggy, at malaking Malaki ang respeto ko sa kanya, kaya ko lang naman sya nilalayuan dati kasi nga nagu-guilty ako sa ginawa ko, hindi ko alam kung pano ko sasabihin sa kanya, hindi ko alam kung pano ko magso sorry"
"Napaka sama ni Tyronne, wala namang kinalaman dito si Ziggy pero bakit pati si Ziggy dinamay nya, nagpapasok ako ng hayop sa pamamahay ko!"
"Ngayong alam mo na ang totoo, ipangako mo sakin Knoxx, na wala kang pagsasabihan dahil sigurado akong nagsisimula palang si Tyronne, hindi sya titigil hanggat hindi nya ko nasisira. Sayo ko rin ihahabilin si Ziggy, please Knoxx parang awa mo na, pag wala ako sa tabi nya, gusto kong bantayan mo sya, kayo ni Isabelle"
"Ipinapangako ko insan, akong bahala kay Ziggy"
Pagkatapos nung pag uusap namin na yun ay mas lalo pang lumala ang lahat. Napapainom ako ng marami, madalas akong umuwi ng lasing pero walang pakeelam si Ziggy sakin basta sya magkukulong lang sa kwarto.
Isang araw naabutan ko syang umiiyak sa sala.
"Erald.. *sob* "
"Ziggy, bakit ka umiiyak ha?.. anung nangyare?.. may masakit ba sayo? Napano ka?!"
Nagulat ako nang bigla nya kong yakapin.
"Erald.. *sob* lika na, dun tayo sa kwarto.. *sob* gutom ka ba?.. *sob* gusto mong kumain?.. *sob*"
"Ah, ayoko naparami ako ng inom eh *hiks* baka masuka ko *hiks*"
Kahit naman lasing ako alam ko ginagawa ko, kaya nakakausap ko pa rin si Ziggy ng matino.
Dinala nya ko sa kwarto, hinubad nya yung sapatos at medyas ko, pati coat ko tinanggal nya rin, totoo ba 'to?.. inaasikaso ako ng asawa ko? Baka naman nananaginip lang ako.
Pinunasan nya ko ng basang bimpo kaya medyo nahimasmasan ako.
"Ziggy okay na ko, baka naman gusto mo nang sagutin yung tanong ko, bakit ka ba umiiyak?"
Niyakap nya ko ulit so I hugged her back.
"I'm sorry *sob* I'm sorry for everything *sob* I know it's been hard for the both of us *sob* and I know that youre always drunk when you got home because of me *sob* I'm so sorry.. *sob*"
"Ziggy... I love you so much.."
"I know *sob* I know.."
Nagulat ako nang bigla nya kong hinalikan pero tinugon ko din iyon at dahan dahan ko syang inihiga sa kama namin.
"Wag ka na umiyak, kalimutan na natin yun.. magsimula tayo ulit.. be mine once more Ziggy.."
"Nasaktan ako sa nangyare.. *sob* sobra.. hanggang ngayon naghahalo yung galit at sakit.. *sob* pero wala akong magawa Erald.. my love for you is much stronger than anything.. *sob*"
Hinalikan ko sya ulit at tuluyan ko nang hinubad ang suot nyang roba.
Ziggy's POV:
I gave everything to him tonight at ayoko nang magalit, I just wanted to be free from fears and pain so I give in because after all this time, he's still the one that I wanted, my one and only Erald.
"Mahal na mahal kita.. Erald.."
Bulong ko sa kanya habang parehas kaming naghahabol ng hininga.
"Mas mahal na mahal kita Ziggy, sige na tulog ka na.."
Hinalikan nya ko sa noo at unti unti na kaming dinalaw ng antok.
BINABASA MO ANG
My Husband's Dark Secret
Roman pour AdolescentsWhat will you do if your husband has a dark secret? WARNING: MATURE CONTENT, SPG,