dedicated to @Fritzmyking thank you sa first comment.
~*~
LANA
Noon, sabi ko. Ano kaya feeling ng may manliligaw? Nakakakilig ba? Nakakatuwa ba?Ano kayang pakiramdam? Gusto ko na maranasan magkaroon ng manliligaw. Medyo atat lang, 17 na kasi ako tapos hindi ko pa rin nararanasan. Samantalang, yung mga kaibigan ko papalit-palit ng boyfriend.
And then it happened. I was 17 years old nung first time ko magkaroon ng manliligaw. Yikes! Ang ganda ko lang, May manliligaw na ko. Finally! haha.
Nakilala ko sya nung minsan dumalaw sa bahay yung pinsan ko with his friends. Kasama ko naman yung friend ko that time.
Medyo epic nga lang...
Kasi hindi naman talaga ako yung gusto nya. Niligawan nya lang ako kasi binasted sya nang friend ko, na totoong nililigawan nya.
Dahil basted sya. Sakin nya ngayon binaling yung atensyon nya.
In short, Rebound.
Wow. First time may gustong manligaw sakin, Rebound pa. Ang galing di ba?
Mabait naman sya. Sya yung lalaking, Good Looking, Maputi, Mahinahon, Mahilig sa gitara.
Siya yung, Good Boy.
Actually, Mabulaklak sya mag salita. Ako naman si gaga nag padala sa mga pambobola nya.
Style ng ibang lalaki. dadaanin ka sa pambobola. kaya kung hindi malakas pakiramdam mo, maloloko ka talaga. pwera na lang kung alam mo naman na, pero hinayaan mo lang.
Kesyo maganda naman daw ako. 'yun nga lang hindi kasing ganda nung friend ko. Beauty with sexy body kasi 'yun eh. At tanggap ko naman, kasi alam kong totoo.
Itong baliw kong kaibigan naman, ipinasa sakin yung manliligaw nya. Palibhasa hindi nya type. Ganda eh noh?
Dahil na excite ako magkaroon ng manliligaw, pinayagan ko sya.
1 month na sya nanliligaw nung sinagot ko sya. Nakita at naramdaman ko naman na gusto din talaga nya ako. At tingin ko, wala na syang feelings para sa kaibigan ko.
2 months tumagal ang relationship namin through text, LDR. Dahil umuwi sya ng probinsya nila bago pa maging kami.
BORING.
'Yan ang relasyon namin.
Bihira mag usap, hindi nag aaway o walang pinag tatalunan, walang pinag babawal at walang selosan. Text at tawagan lang. 'Ni hindi namin naranasan mag date. Sabi nga di ba? Hindi matibay ang relasyon nyo kung walang away oh pag subok na pag dadaanan.
(kung minsan over naman. kahit walang dapat pag awayan inaaway mo yung boyfriend or girlfriend mo. tipong o.a na masyado. obvious naman kasi nag papalambing ka lang eh, pero kung may totoong away. pag usapan ng maayos, wag mo sabayan ng init ng ulo.)
Kaya ang ending hiwalayan.
Ang ganda ko lang. Ako pa talaga yung nakipag hiwalay.
Eh, kasi naman. damang-dama ko na hindi talaga namin mahal yung isa't-isa.
Aba, ang lolo mo nagalit. Hinding-hindi ko na daw sya makakausap kahit kelan.
Ang daming satsat akala mo naman mahal nya talaga ako. Ayoko sa lalaking Moody, Madamot, medyo selfish pa, Tapos ang taas pa ng ihi, este ng ego pala. hahaha.
BINABASA MO ANG
Nag Mahal, Nasaktan, Nag Move On.
ChickLitIsa ka rin ba sa mga... Nag mahal-Nasaktan-at kung ano-ano pa? I'm Lana, And this is my version.