LANA
Gaya nang inaasahan. Tulad ng malas na kaakibat ng numerong Trese, ang kamalasang nangyari sa relasyon namin ni Max.
Lumipas ang 1 taon ng pag sasama sa relasyong puno nang pag mamahal ang babali sa aking kasiyahan.
Masyado akong nabulag sa pag mamahal ko sa kanya.
Hindi ko na nagawang mahalin at pahalagahan ang sarili ko. 'Ni hindi ko napag handaan ang dapat gawin kapag dumating ako sa ganitong senaryo.
(Ganun naman tlaga di ba? Hindi mo na mako-kontrol ang dapat mangyari. Hindi mo mapipigilan kung kelan ka masasaktan. Dahil kusa mo itong mararamdaman lalo na sa mga panahong hindi inaasahan.)
Sa loob ng isang taon. Naging masaya ako pero labis-labis na lungkot ang kapalit nito.
Dalawang buwan matapos ng aming unang anibersaryo, ay nalaman kong may ibang babae sa buhay nang taong pinaka mamahal ko.
8 buwan pa lang ang relasyon namin ng mag karoon sila ng pag kakaunawaan.
At makalipas ng anim na buwan.
Nakipag hiwalay sya sakin.
Kung pano nag simula ang relasyon namin ay ganun din nya tinapos ang lahat.
Bakit?
Dahil nag iba na daw ako.
Mali ka Max. Hindi ako ang nagbago kundi ikaw.
Kung paano mo ako nakilala ay ganun pa rin ako hanggang ngayon.
Ikaw ang nagbago.
Dati, okay lang sayo na uminom ako.
Dati, okay lang sayo na lumabas ako kasama ng mga kaibigan ko.
Dati, okay lang sayo na tumambay ako para makipag bonding sa mga kaibigan ko.
Pero ngayon?
Hindi na okay sayo.
Sasabihin mong 'yan ang mga dahilan kung bakit unti-unting nawala ang dating tapat na pag mamahal mo.
Umiinom ako kasi, hindi na kita nakakasama sa mga monthsary na dapat sini-celebrate natin ng magkasama.
Lumalabas ako kasi, hindi na kita nakakasama mamasyal.
Tumatambay ako kasi, wala ka nang panahon kausapin ako kahit sa cellphone manlang.
Lahat nang ginagawa ko pinapaalam ko sayo. kinukunsulta ko sayo kung okay lang ba? kasi kung hindi, Hindi ko 'yun gagawin.
Pero hindi mo sinabing ayaw mo.
Kaya akala ko okay lang sayo. 'Yun pala hindi tlaga ayos.
Sabi mo nga di ba?
Napaka swerte mo kasi sobrang understanding ng Girlfriend mo.
Syempre. 'Yun lang naman tingin ko kailangan ko gawin eh. Suportahan ka sa gusto mo, at wag tumutol sa ginagawa mo.
Kaya Max. Hindi ako 'yung nag bago.
Ikaw, Max. Ikaw.
Ikaw 'yung bigla na lang nagbago at nawala sa buhay ko.
Pinagpalit mo 'ko sa taong hindi mo naman sigurado kung mamahalin ka nga ba ng buong-buo gaya ng ginawa ko.
Bilib ako sayo.
BINABASA MO ANG
Nag Mahal, Nasaktan, Nag Move On.
ChickLitIsa ka rin ba sa mga... Nag mahal-Nasaktan-at kung ano-ano pa? I'm Lana, And this is my version.