Lana's POV
Mag isa ka na naman Lana. Palagi ka na lang loner.
Haay, nakakapagod na. Hanggang kailan ba ako magiging ganito? Gigising sa umaga, papasok, uuwi, matutulog. ganito na lang araw-araw ang ginagawa ko sa loob ng limang taon.
Para akong patay na nabubuhay. 5 years ago I fell inlove with this guy then suddenly he left me hanging. Hindi na ako yung Lana na palaging takbuhan ng mga kaibigan ko. Yung taong laging nagbibigay ng payo sa mga sawi kong kaibigan. kasi ngayon ako mismo walang payo na maibigay sa sarili ko. Parang nawala ung kaalaman ko sa mga uri ng lalaki na lagi kong sinasabi sa mga kaibigan ko noon.
Sa loob ng limang taon hindi manlang ako nakausad, naka stock pa rin ako sa nakaraan. naaawa na sakin ang mga kaibigan ko pero parang nagsasawa na sila sa paulit-ulit na kakasabi sakin na mag move on na ako.
Kung ganun lang sana kadali eh, bakit hindi ko gagawin di ba? kung madali lang yun di sana wala nang bitter sa panahon natin ngayon, di sana wala nang takot mag mahal ulit, di sana marami paring masaya kahit na paulit-ulit na nasasaktan.
Ang mag move on na siguro ang isa sa pinaka mahirap gawin sa mundo bukod sa Math problem na binigay ng prof. mo nung college.
Kung madali lang, hindi na sana nag mumukmok ang puso ko sa isang sulok. Feeling Alone.
"Miss Lana, do you have a boyfriend?" napabalik ako wisyo ng marinig ko ang tanong sakin ni doktora.
"Wala po dok, bakit po?"
"Nagkaroon ka na ba ng boyfriend?"
"Yes dok, 5 years ago." ayoko mang alalahanin kailangan ko magsabi ng totoo.
"Did you had sex with him?"
Nagulat ako sa prangkang tanong ni doktora pero hindi ko pinahalata. May mga naging boyfriend na ako noon pero sa isang tao ko lang pinagkatiwala ang sarili ko.
"Opo dok."
"Is it safe? or do you used condoms?" napayuko ako. para akong nanghihina habang sinasagot ang tanong ni dra.
"Wala po. Hindi po kami gumamit nun. bakit po anong bang diagnosis nyo dok?" kinakabahan kong tanong sa doktor ko. tinitigan ko siya sa mata.
"Your sick miss lana. Nakukuha ang sakit na 'to through sexual intercourse or blood transfussion. Maaring may isang bagay na contaminated nang dugong may sakit nito ang ginamit mo. Unless meron ka na nito nung pinagbubuntis ka pa lang. Meron namang medications nito, 10k per session. 6 session ang kailangan bago ka i-test ulit para malaman kung hindi ka na Infected." malungkot na paliwanag ni doktora sakin. Maluha-luha akong nakatitig kay dra.
Nanlulumo akong lumabas ng room at umuwi sa apartment ko. Saan ako kukuha ng 10 thousand? eh pang bayad sa renta at pang gastos ko kinakapos pa ko minsan, 'yun pa kayang 10 thousand para sa isang session lang? at 6 na session pa ang kailangan ko. Sabi pa ni doktora walang ibang gamot para dito. Maliban sa nirerekomenda niyang medication sakin.
Frustrated akong napahiga sa kama ko. naiiyak ako sa mga kamalasang nararanasan ko ngayon. Bakit sakin pa? Pakiramdam ko unti-unti akong pinapatay physically ang emotionally.
Ang bigat sa pakiramdam na magisa kong dinadala ang problema ko ngayon. Wala akong magawa para sa sarili ko. Ni hindi ko mapagamot ang sarili ko. Hindi ko namalayang tumutulo na ang mga luha ko sa sakit at halo halong emosyon na nararamdaman ko. Parang gusto ko na lang bumigay, lalo na't wala akong karamay sa sitwasyon kong ito. Hindi ko maisip kung pano ako nagkaroon nito.
BINABASA MO ANG
Nag Mahal, Nasaktan, Nag Move On.
ChickLitIsa ka rin ba sa mga... Nag mahal-Nasaktan-at kung ano-ano pa? I'm Lana, And this is my version.