Lana's POV"Kapit ka ng maigi." paalala sakin ni Max.
Naka angkas ako ngayon sa motor niya at di ko alam kung saan kami ngayon pupunta.
Nagkasundo kami mag kita after namin mag usap sa phone 2 weeks ago. And today is February 13. 6 hours before valentine's day.
Funny right? dapat hindi kami yung magkasama pero heto kami papunta sa kung saan man niya ako dadalhin.
13 ngayon. Sana naman walang pangit na mangyari. Is it weird? 13 is our monthsary before when we are still together, at ngayon pa tlga kami nagkita. Haay, konti na lang ipapabura ko na tlaga ang 13 sa kalendaryo.
Pero nakakainis mang isipin, ayoko man maramdaman o aminin, masaya ako ngayon. Alam ko hindi ko dapat nararamdaman ito dahil may girlfriend na siya. pero hindi ko maiwasan maging masaya. kusa kong nararamdaman ang saya sa puso ko. Kahit na nga ang isip ko, parang ang saya na rin ngayon eh. Buong sistema ko na ata ang nag sasaya ngayon. Pero sa loob loob ko dapat hindi ako masaya ngayon dahil ako lang ang magiging kawawa sa huli kapag minahal ko ulit siya.
Habang kumakain naitanong niya sakin kung bakit ko daw naisipan kontakin siya. Sabi ko may kailangan lang ako malaman. Nasagot naman ung kailangan ko nung magkausap pa lang kami sa phone. Pero naiba ang nangyari nang ayain niya ko lumabas. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, pero ang alam ko lang nangibabaw ang kagustuhan kong makita ulit siya. Sabi ko na lang sa isip ko 'mag kikita lang naman eh, wala namang gagawin iba.'
Pero eto na naman kami, magkayap na nagtitigan sa mata ng isa't-isa. Ang isip ko nag sasabing mali itong ginagawa namin, pero tinatraydor ako mismo ng sarili kong katawan o baka pati ng puso ko.
Nangyari ang hindi ko inaasahan. Nangyari ang isang kataksilan.
Oo, may nangyari samin. Alam kong mali at hindi dapat pero kahit ako mismo walang matinong sagot sa sarili kong tanong. Gusto kong pag sisihan dahil meron akong taong natapakan at masasaktan kung sakaling malaman ng gf niya ang ginawa namin. Pero anong karapatan ko? ginusto ko yung nangyari. Ayoko sabihin aksedente o pinagsisihan ko dahil sarili ko lang ang lolokohin ko kung sasabihin ko yun. Wala akong karapatang mag malinis. Ginusto namin yun. Mali man pero nangyari na. Ayoko magpaka impokrita para lang linisin ang pangalan ko. A part of me nararamdamang madumi na ako. pero pilit kong iniisip na 'hindi ako ang nag first move. ginusto niya ang nangyari kahit pa masaktan ang gf niya. At atleast sa isang lalaki mo lang ginawa ang bagay na yun' para lang mapatawad ko ang sarili ko at wag masyadong sisihin ang sarili ko sa nangyari. Bakit ko pa ba iniisip yun? hindi naman ako ung nagkasala sa partner. Sa kanya nga wala lang eh tapos ako pa ung sobrang apektado.
Kaya nagpaka busy ako para mawala sa isip ko ang kasalanang nagawa ko.
Lumipas ang isang linggo, okay naman ako hindi na ko masyadong nag iisip.
Pero bumalik ang lahat ng muling magtxt sakin si Max. Kinakain na naman ng guilt ang feelings ko at isip ko dahil sa ginawa ko. unti-unti gusto ko na naman sisihin ang sarili ko. pero kahit anong pang pagsisi pa ang gawin ko, tapos na. nangyari na. Hindi na mabubura ang isang pag kamamali. Isa na akong makasalanang babae. I'm a sinner now. Wala na akong pinagkaiba sa mga Mistress. But always remember, everybody has a reason behind those act or sin. Masama man, hindi natin alam ang kwento sa likod ng mga kasalanang nagagawa iba.
Bakit ba may mga ganung tao?
mga taong sinasamantala ang kahinaan ng iba. kung hindi niyo kaya panindigan, wag niyong pakialaman.
After a month ng huli kaming nagkita ni Max nag kkatxt pa rin kami. Pero suddenly, pa unti-unti na naman siyang nawawala sa buhay ko. Nalaman niya ang sakit ko, pero sa kabila nun hindi siya nandiri sakin. Instead hinayaan niyang may mangyari kahit na maaari siyang mahawa sakin. Okay lang sana eh, kung siya lang. kaso ayokong madamay ang gf niya. kaya kinakain ako ng konsensya. Ilang araw ko iniyak yung bagay na yun hanggang sa malaman ng mga bestfriend ko. Sinabi nila sakin na hindi ko kasalanan yun kung may mangyari sa babae. Labas na daw ako dun dahil kung may mahawa. kasalanan na ni Max yun. Dahil makati daw siya. Gusto ko matawa sa mga pinagsasabi nila pero naiiyak pa rin ako.
Naiiyak ako dahil isa lang ang napatunayan ko. Mahal ko pa rin pala si Max. Dahil kung hindi? Malamang hindi ko magagawa ang bagay na yun.
Tatlong buwan ang lumipas. Hindi na tlaga nag paramdam ulit sakin di Max. Eto na naman ako. Parang bumalik na naman ako sa umpisa. Masakit na iniwan niya ako noon pero mas masakit pa lang maramdaman na ginamit niya lang ako ngayon. Katawan lang ang gusto niya sakin. Siguro kung may ipapasalamat ako sa ginawa niyang pag layo ulit sakin yun ay ang, hindi na muling maulit ang ginawa naming kasalanan. Tunuturing ko na lang na magandang bagay ang pagkawala niya muli. Atleast hindi ko na magagawa ulit ang bagay na yun. Positive dapat. Yun na lang siguro ang isa sa mga weapon para makapag move on.
I'll think this as a way to be happy. Eto na siguro ung binigay ni god na daan para mag simula akong muli. patawarin ang sarili ko para maging masaya.
From this day on, hindi ko na iisipin ang ibang taong magiging dahilan ng pag baba ko. Mabubuhay na lang ako para sa sarili ko at sa mga taong totoong nag mamahal sakin, yung mga hindi ako iiwan kahit anong mangyari.
I open my fb account. Hinanap ko ang account ni Max saka ko pinindot ang Block. Although hindi kami friends, atleast wala kaming chance na makapag usap kung sakaling gustuhin ng isa samin.
Then kinuha ko ang phone ko saka ko blinock ang number niya.
This is it.
First Step of moving on. Delete all the connections.
To be continued....
BINABASA MO ANG
Nag Mahal, Nasaktan, Nag Move On.
ChickLitIsa ka rin ba sa mga... Nag mahal-Nasaktan-at kung ano-ano pa? I'm Lana, And this is my version.