Nag Mahal part.3

32 3 0
                                    

Dedicated to: josephcatungal  thankyou sa unang nag add sa reading list nitong story ^_^


LANA



   'Naniniwala ka ba sa Love at first sight?'

Hindi ko makakalimutang tanong sakin ng kaibigan ko nung mga panahong kaka-break lang namin ng ex-boyfriend ko. Yung babaerong lalaki na 'yun.

Napa isip ako.

Naniniwala nga ba ako sa Love at first sight?

Sa lagay ko na kakahiwalay lang sa boyfriend? hindi ko alam kung naniniwala nga ba ako.

Una. Bitter-bitteran ang peg ko.

Pangalawa. Hindi ko pa nararasan mag mahal.

Kaya, Love at first sight?

Siguro Oo, naniniwala ako. Pero hindi para sa sarili ko, mukhang hindi, o baka hindi pa.

Masakit maloko.

Kahit pa hindi ko minahal yung mahilig na 'yun? masakit pa din.

Nadali ego ko eh, kumbaga. Naisahan ako.

'Dun ako nasaktan, hindi dahil sa mahal ko siya.

Pero sabi nga nila....

...Kung may isang nawala, May mga kapalit na darating.



Naimbitahan ako sa isang birthday party (na naman).

I was inside the wash room nung marinig ko may mga bagong dating. I think kaibigan ng celebrant.


Natulala ako pag labas ko ng pinto.

Napatitig ako sa dereksyon na 'yun.

Ang ganda ng mga mata nya.

Yung pilik mata nya, ang haba na itim na itim.

Syete!


Ang wafu ni kuya!

Pero teka lang...

Shit!

Bakit bigla akong kinabahan?

Ang bilis ng tibok ng puso ko. parang may drums na mag isang tumutugtog.

Nataranta ang lola mo, Naramdaman ko na lang kasi bigla na nanginginig na yung mga tuhod ko.

Ano ba 'tong nararamdaman ko?

Bakit ganito?

Shit!

First time ko maramdaman 'to sa harap ng isang lalaki!

Takte! hindi pala nakakatuwa. Pakiramdam ko mukha akong tanga!

'Yung relax na relax na feslak ko, parang biglang na-tense.

Nag Mahal, Nasaktan, Nag Move On.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon