Chapter 1: Our Last Date

110 2 0
                                    

"Ayaw ko na, di ko na kaya... "

"Ha?! May nagawa ba akong mali?"

"Basta, ayawa ko na... "

Bigla siyang umalis at umiiyak ako habang naglalakad pauwi. Grabe naman, nagbibiro ba siya or totoo? Maya't maya ay nakita ko ang kotse niya. Nakita ko siya. Aba... Ang saya niya... 😟 may kasama na pala siyang iba kaya ayaw na niya saakin... 😭
___________________________________
In my mind...

"I'll let him to be with the other person who makes him happier. I will let him because I love him and I want him to be happy. "
____________________________________

Hindi ko nalang sila pinansin. Pinunasan ko ang mga luha ko at sabi ko sa sarili ko: "Tanggap ko na hindi siya masaya saakin. Dapat ko siyang pakawalan... Akala ko... Siya na ang deserving saakin. Sising-sisi ako dahil binigay ko naman lahat. Hindi pa siya nakuntento, iniwanan niya pa ako."

Habang nakasakay sa trycicle, dinedelete ko ang mga pictures namin...
____________________________________
REMEMBER :

Don't think about the past, think about today. Don't think the person who hurts you at the first.

Because if you did, memories will hit you that makes your pain to become worst.
____________________________________

Dinelete ko mga picture ng dates namin, mga bonding namin... Basta lahat ng mga mukha niya, tinanggal ko sa phone ko! Nang tumingin ako sa salamin sa tabi ng upuan, nakita ko na mapula at maluha pa rin ang aking mga mata, halata pa rin na umiyak ako. Kaya nang pagbaba ko sa tricycle ay pumunta ako sa gilid ng aming bahay at inayos ang aking sarili. Binura ko ang mga eyeliners ko dahil kumalat ito sa mukha ko nung imiyak ako. Nag make-up ulit ako para di mahalata na umiyak ako.

Ayaw kong mapagalitan si Deniell, mahal ko pa rin siya kahit iniwan niya ako. Nang pagpasok ko sa bahay, nakita ko sila lola at lolo. Patay na kasi mga magulang ko noong 4 years old palang ako, at 12 years old naman si Ate Merlin... Kaya sila lolo ang nag-alaga saamin hanggang sa pag laki namin.

"Mano po lolo, mano po lola"

"Ba't ngayon ka lang Vynell?"

"Naabutan po ako ng traffic"

"Akala ko ba ay magkasabay kayo ni Deniell? Bakit ikaw lang mag-isa?"

Tumahimik muna ako. Nag-iisip ako para ma-iba ang topic ng aming usapan.

"Ano po ulam natin ngayon? Nagluto na po ba kayo lola?"
Ang tanong ko sa kanila.

"Apo, sagutin mo muna ako. Nasan si Deniell? Bakit ikaw lang mag-isang umuwi?"

WAAAAAAH! Sa tingin ko di ko maiiba ang usapan.. 😭

Torpe Boy And MeWhere stories live. Discover now