"Okay lang po lola. Musta na daw po pala si Ate Merlin sa Songapore?"
"Okay naman siya apo... Masyadong nahihirapan lang siya."
Ngumiti nalang ako at kumuha ng kanin. Pagkatapos kumain, hinugasan ko ang mga pinggan. Napansin ng lola ko wala akong gana. Pero, tinuloy nalang niya ang kanyang pagtatahi ng mga sirang damit ni lolo. Pagkatapos kong maghugas ng mga pinggan ay naghugas ako ng katawan at sinuot ko ang aking manipis na
t-shirt at pajama at umakyat papunta sa aking kwarto. Inayos ko ang higaan at mga gamit ko sa school. Inenroll ako nila lolo at lola sa bagong eskwelahan kaya excited na ako. Sabi ni Jessy dun din daw siya mag-aaral ngayong grade 12. Pagbukas ko ng wi-fi sa cellphone ko, nag-silabasan ang mga chat heads galing sa messenger. Nakita ko na nag-message sakin ang mga katropa ko. Sila Diane, Jessy, Kevin, at si Katryn. Ang mga message nila sakin ay...Diane: Totoo Vynell? May iba si Deniell? Sabi sakin ni Jessy may kasama daw siyang ibang babae. Sabi ko nga baka kaibigan niya lang o kaya... Relatives.
Jessy: Diba Vynell? May iba siya? Ayaw maniwala nila Diane...
Kevin: Hahaha... Wawa naman si Vynell... Iniwan ni Deniell. Joke lang, totoo? Chinismis sakin ni Jessy. Ay, si Madaldal pala hehehe... TOTOO?!
Katryn: Sayang naman Vynell. Magkapareho nga yung tunog ng pangalang niyo sa huli eh; Deniell at Vynell. May iba daw siya sabi ni Jessy samin.
Kakaasar naman si Jessy... CHISMOSA! Bakit niya pinag kalat? Kinakalimutan ko na nga siya ehh... T_T...
"OO HIWALAY KAMI"
Nag reply ako sa kanilang lahat.Humiga ako sa kama ko habang nakikinig sa music. Maya-maya ay tumunog ang messenger ng apat na beses.
Diane: Di nga? Baka may trip nanaman kayo ni Jessy.
Kevin: Totoo pala... Sorry hehehe...
Katryn: Alam ng lolo at lola mo?
O hindi? Sinabi mo na ba na wala na kayo?Jessy: Sabi ko sa inyo eh! Ayaw niyo pa kasing maniwala...
Me: Jessy naman eh... Bakit mo pa pinagkalat?
Kevin: Big mouth... Madaldal, secret is secret. Keep it, don't spread it. 😁
Jessy: Ay... Secret lang ba?
Me: Hay nako... Alam na nilang lahat. Geh, bye na muna, bukas nalang. Wag niyo sabihon kanila lolo at lola ha, BYE guys.
Pinatay ko ang wi-fi ng cellphone ko.
YOU ARE READING
Torpe Boy And Me
Teen FictionOne day, the 5 friends were transferred at the new school. The "Torpe Boy" in their school have a crush. His crush is one of the 5 friends. "Hello po!