Chapter 2: Fake Emergency

48 0 0
                                    

"Si Deniell po? Nauna na po siya, may emergency daw po."

Nagulat at nag-alala sila lolo at lola.

"Ano? May emergency?! Anong nangyari? Di nanaman maka-hinga yung papa niya?"

(May sakit kasi sa puso ang papa ni Deniell. Halos binibigyan ko lahat ng pera ko makatulong lang. Ako naman, nawarak ang puso ko sa maraming-maraming beses halos alikabok nalang... Hindi pera kilangan dun para mabuo ulit. Kung di.... POWER OF LOVE. 😂😍)

"Kanina po. Pero magaling na daw po siya ngayon"
(Biglang nag-rong ang phone ko)
____________________________________

Calling:
Jessy

------------------------------
MY BFF FOREVER

Answer           Dismiss
____________________________________

"Sino ang tumatawag sayo? Si Deniell ba yan? Dali, alamin natin ang balita"

"Yung kaibigan ko lang po, si Jessy"

(I answer the phone)

"Hello Jessy? Bakit ka tumatawag?"
(Linakasan ko ang speaker)

"Vynell! My ghad bes!.... Nakita ko yung kotse ni Deniell! May kasama siyang iba! DI MO ALAM?! Bes kilangan pumunta ka at malaman nung babae na yun na may girlfriend si Deniell at di siya karapat-rapat na landiin yun."

(Lumabas agad ako ng bahay)

"Jessy naman nasa harap ako nila lolo at lola! Ano ka ba? Okay, aminin ko! Hiwalay na kami at nakita ko din na may iba siya! Bes... Tinatago ko ito kasi baka pagalitan nila lolo at lola si Deniell. "

"Besh, ba't mo tinatago? Kilangan paggalitan ng lolo at lola mo si Deniell ng mabigyang eleksyon yang lalaking yan! Ba't ayaw mo sabihin? "

"Mahal ko pa siya Jessy. I don't care how he hurts me. Alam kong mas masaya siya sa iba kesa sakin. That's why I let him go. Bye! 😡"

(I end the call)

Pumasok ako sa bahay namin. Nakita ko si lolo galit na galit.

"TOTOO BA YUN VYNELL? MAY IBA SI DENIELL? "

"Ha?! Hindi po si Deniell... Yung boyfriend daw po ni Jessy may iba. "

"Ba't ko narinig ang pangalan ni Deniell? "

"Sabi po kasi ni Jessy na swerte daw ako kasi di ako pinagpalit ni Deniell. "

Tumahimik si lolo. Hinanda ko ang mga plato, mga baso, mga kutsara at tinidor. Pinatay naman ni lola ang rice cooker at hinanda ni lolo ang ulam.

" 'Sensya na apo, ito lang ulam natin ngayong gabi. Wala kasing kinita yung ate mo sa Singapore. Kaya wala siyang na-ipadala satin"

Nakita ko yung ulam namim ngayong gabi. Tatlong piraso ng dilis, dalawang piraso ng hotdog, at orange juice.

Torpe Boy And MeWhere stories live. Discover now