Chapter 4: First Day of School

34 0 0
                                    

Tinanggal ko ang mga chat head. Humiga ulit ako sa kama at pinatay ko ang ilaw. Habang nakahiga ako, nararamdaman ko parin ang sakit na naranasan ko. Kaya pinikit ko nalang ang mga mata ko at nag-iisip nalang ako ng ibang bagay na pwedeng magpasaya saakin. Nag alarm ako ng 5:45AM at natulog na ako.
5:45AM...

Cring!  Cring!  Cring!

Nagising ako. Nakita ko si lola nagluluto ng almusal. Kumain ako at kinuha ko ang towel ko sa sampayan. Naligo ako at nagbihis sa aking uniporme.

Hmm.. .. ..
Maluwag sakin ang bago kong uniporme. Kaya sinikipan ko nalang gamit ang sinturon. Kinuha ko ang aking sapatos at medyas, nagpaalam kanila lola at umalis ng bahay.

Naghanap ako ng tricycle sa kanto. Nakakita ako ng isa at tinawag ko ito. Teka? Parang... Ito yung tricycle na sinakyan ko kagabi. Tinignan ko ang driver. Ito nga yung tricycle na sinakyn ko kagabi...

"Miss, saan po kayo? "

"Sa St. Carissa High School po"

Habang nagbya-byahe ako papuntang eskwelahan, ay napansin kong tingin ng tingin sakin yung driver.

"Miss, ikaw po ba yung pasahero ko kagabi? "

"Opo"

"Bakit ka nga pala umiiyak? "

"Umm.... Hiwalay na po kasi ng boyfriend ko... "

Hindi na nagsalita ang driver.

"Manong sa tabi lang po.
(Huminto sa tabi ang tricycle na sinasakyan ko) Magkano po kuya? "

"P25 po"
(Nagbayad ako)

Nung bumaba ako, may nakita akong babaeng nakatalikod. Parang kilala ko siya... Teka, si Jessy ba yun? Kaya dahan-dahan akong lumapit sa kanya at tumingin sa mukha niya.

"JESSY?! "

"VYNELL?!"

"WAAAAAAAAH! 😍 MISS YOU BESHTIE!"

Ang lakas ng mga sigaw namin. Halos lahat ng mga estudaynte sa school namin ay tumingin sa amin. Tawa kami ng tawa habang umaakyat papuntang "Room 18th Grade 12" sa 4th floor. Pagbukas namin ng pinto ay nakita namin sila Kevin, nag iintroduce sa klase. Hindi mapigilan ay nagsigawan kami.

"KEVIN? DIANE? KATRYN? MY GHAD NANDITO KAYO! "

"WOOOW!!! LONG TIME NO SEE"

Kinamusta namin ang isa't isa at napaka... Napaka ingay namin kahit may teacher sa gilid ng desk 😂

"LATE KAYO"

"Ay.....  Ang ingay natin😶"

Torpe Boy And MeWhere stories live. Discover now