Chapter 2: Mysterious Nun

54 12 0
                                    









2 araw na nakalilipas pero wala nang nag bago pa. Hindi na naulit yung nagyari sa Annex Palace ng Oprhanage. Medyo nagiging okay na rin yung mga bata. Si Vics, kakaiba yung kinikilos niya kahapon pero okay na siya ngayon. Ako? Hindi pa. I really feel the urge to find a fucking way to figure out what's with this letter and that freakin' foot prints.




I just feel na may kung ano dito sa lugar na to. Ewan ko ba. Babalik na rin ako sa Main Palace mamaya. Ano ba, 3 gabi ma ko nakikitulog sa kwarto ni Vics.




Hiwalay talaga kami. May 3 building dito sa Orphanage. Yung pinakamain, dun ako nagsstay, yung Main Palace. Yung isa naman, Amaranth Palace, yung Amaranth Palace dun yung mga sanggol pa lang. Yung kay Vics naman, sa Annex Palace, ang pinagkaiba nga lang, sa main, puro kaage ko lang. Mga 15 and above, pero yung kay Vics, may halong mga bata.



Hapon na ngayon and the weather says it all. Malamig ang simoy ng hangin dahil buwan ng Disyembre na rin ngayon.



"Lyzia?" natigil ako sa paglalakad nang may tumawag sa akin. Nilibot ko ang mata ko para tingnan kung sino yon, pero wala akong makita kundi mga halaman at puno lamang. Kasalukuyan akong nandito sa may likod ng Annex Palace.



Kung nagtataka kayo kung bakit ako nandito, hindi ko rin alam. Para bang may tumulak sa akin na pumunta dito sa lugar na to. Mismong mga paa ko na ang nag dala sa akon dito. Paalis na sana ako nang maulit ulit ang nangyari. Kung hindi ako nagkakamali, boses babae yon. Muli, inilibot ko ang paningin sa paligid pero ni anino, wala akong nakikita. Hindi ko nalang pinansin yon at baka kung sino lang na nantitrip.




Habang kinakalikot ko yung kahoy na nagsisilbing gate o harang para mailock to, may biglang tumawag sa akin.




"Mother Stefa. Uhm.. N-nandito po pala kayo."



"Lyzia, anong ginagawa mo rito? Hindi mo ba alam na mahigipit na ipinagbabawal ang pag punta sa lugar na iyon." sabay turo niya sa likod ko.



"Paumanhin po, ginang. Hindi ko po alam ang tungkol doon. Pasensya na po, hindi na mauulit." napatungo ako pag katapos kong sabihin yon. Shet napagalitan ako.



"Uh.. Uhm, sige po Mother, pasensya na po ulit. Mauna na po ako."



Ngumiti lang naman siya sakin. Ngiting nakakakilabot. Ngitian ko nalang din siya pabalik. Nang lampasan kp siya, bigla naman siyang nag salita.




"May nakita ka na doon?" biglan niyang tanong. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil may iba sa boses niya.



"W-wala naman po.." Mahina kong sagot.



"Mmm. Sige, mauna ka na."



"S-sige po."




Wth? Ngayon lang ako kinabahan ng ganito. What's with that nun, huh? Psh.




Dumeretso nalang ako palabas ng Annex Palace nang makasalubong ko si Victoria.



"Oh, Lyz. Where have you been? Kanina pa kota hinahanap ah."



"W-wala. Sa l-likod lang ng Annex." nauutal kog sagot.



"Bat pinagpapawisan ka? Tsk. Halika na nga. Kanina ka pa hinahanap ni Mother Lezl. Sus naman, di ka pala nakapag paalam na dito ka matutulog. Yan tuloy, kanina lang niya nalaman na nandito ka lang pala. Akala niya may nangyaring masama sayo." tuloy tuloy na sinabi ni Vics.




Hala. Oo nga no?! Tsk. Lagot ako neto. Napagalitan na nga ko kanina, madadagdagan na naman ulit yun. Tsk.




"Hala! Tsk naman. Sige. Sunod ka nalang ha?" sabi ko at tumango rin naman siya kaya dali-dali akong nag lakad papunta sa builsing ng Main Palace.



Kinakabahan kong pinihit yung door knob at nagbabaka sakali na sana wala si Mother Lezl, pero nagkamali ako.




"Lyzia! Hesusmaryosep! Hindi ka nag paalam sa akin na sa Annex ka pala tutuloy nung isang araw. Sobrang nag-alala ako sayo, hija." nakita ko sa mga maya niya ang pag-aalala. Nagguilty tuloy ako.



"Sorry, Mother. Nakaligtaan ko po kasi mag paalam. Nadala na rin mo siguro sa sobrang excited."



"Excited?" nagtatakang tanong niya kaya tumango naman ako. "Gusto ko po kasi imbestigahan yung namgyari sa kabilang building, baka lang naman po makatulong ako.." akala ko papagalitan niya pa ko ulit, pero nagulat alo nang yakapin niya ko.



"Sa susunod magpapaalam ka ha? Jusko, akala ko pa naman kung ano nang nangyari sayo. Kung hindi ko lang nakita si Mother Stefa at Victoria kanina lang, hindi ko siguro malalaman na nasa kabila ka."




Mother Stefa? Kanina lang? Eh diba mas nauna akong umalis sa kanya? Bumilis naman ang tibok mg puso ko dahil sa nasabi ni Mother Lezl.



"Si.. Mother Stefa po?"



"Oo. Siguro mga 3 minuto bago ka dumating." nakangiti niyang sagot.




Sht. Imposibleng makarating siya kaagad dito kung nauna naman akong umalis. Tsaka walang short cut papunta dito galing sa Annex at isa pa, hindi naman siya.. dumaan kanina sa loob ah. Isa lang ang daanan palabas at papasok kundi yung entrance at exit lang sa Annex building. Imposible.




"May problema ba, hija?" humindi naman ako. "Osige na. Umalkyat ka na muna sa kwarto mo. Mamaya na rin ay kakain na tayo. Mag aalas sais na rin kasi. Mauna na ko hija ha? Sige." at tuluyan nang umalis si Mother Lezl.





Nagdadalawang isip na rin ako ngayon kung sasabihin ko ba kay Vics yung mga nangyari ngayong araw na to simula kanina na pumasok ako sa malagubat na lugar na iyon hanggang sa tungkol kay Mother Stefa?.



Hindi ko alam kung bakit ngayon ay may kakaiba akong nararamdaman. Is there something na malalaman ko o ano ba. Ang weird tsk.

World of Magic: Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon