Entry #5: Asul na Apoy

741 19 30
                                    

ASUL NA APOY
ELEMENTS:
A mirror & A woman who is addicted to plastic surgery

Marahan kong pinadaan ang aking kanang kamay sa aking mukha. Kahit pa nakalipas na ang isang taon, hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko sa salaming nasa aking harapan. Minasdan ko pa ito nang maigi’t tinignan mula sa kanan at kaliwa.

Ang makinis na kutis. Ang matangos na ilong. Ang labing bumabagay sa hugis ng maliit kong mukha. Ang kabuuan nito. Napakaganda! Hindi naman siguro pagmamayabang kung sabihin ko ang totoo.

Idinako ko pa ang aking paningin pababa ng salamin. Mula sa aking mga paa, paakyat sa aking mga binti, papunta sa aking hita at balakang, patungo sa aking baywang at dibdib. Ang masasabi ko lang ay, perpekto! Kung isa lang siguro akong lalaki, malamang ay kanina pa nahulog ang brief ko dahil sa kagandahang nasa aking harapan.

Wala talagang hindi kayang gawin ang pera. Ultimo ang kagandahang ipinagkait sa isang nilalang na katulad ko’y kaya nitong ipagkaloob. Salamat na rin sa siyensya at medisina, heto ako’t maganda na.

“Ay, puking inasinan!” napabulalas kong sabi nang mula sa likuran ko’y may isang pares ng bisig na humapit sa aking baywang. Naramdaman kong namula ako, kaya’t napatukop ako sa aking bibig.Tinignan ko sa salamin kung sino iyon. Si Enrico lang pala. Asawa ko siya, ayon sa kaniya. Mabait siya, maasikaso’t malabing. Lahat na nga lang yata ng gusto ko ay ibinibigay niya sa akin.

“Ano ‘ka mo, Lumina?” Napahalakhak pa siya at bumitaw sa akin.

“Wala!” Inirapan ko siya at lumayo nang kaunti. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maialis ang pagiging mali-mali at magugulatin.

“O siya, titigil na ako. Basta pagakatapos mo rito, bumaba ka na. Let’s have our breakfast. Saka tama na ‘yan, maganda ka naman na,” aniya.

Napangiti ako sa sinabi niya. Alam kong kahit na artipisyal na ganda lang ang mayroon ako, nakatataba pa rin iyon ng puso. Anong ganda nga ba ang maipagmamalaki ng isang babaeng paulit-ulit nang nagparetoke? Huwad na kariktan. Napangiti lalo ako sa kaisipang iyon.

Bumaba na si Enrico. Inayos ko naman ang aking sarili. Nang nasa kalagitnaan na ako ng hagdan pababa, nakaramdam na lamang ako bigla ng pananakit ng ulo. Napahawak ako sa gilid ng hagdanan, at tinantiya ang sarili. May ilang malalabong eksena ang bigla na lang dumaan sa aking isipan. Isang batang babaeng nababalot ng apoy ang katawan sa gitna ng gabi.

Lalong sumakit ang ulo ko nang isipin ang pagbabalik ng alaalang iyon. Madalas ko ring mapanaginipan ang batang iyon na hindi ko mawari ang itsura. Hindi kaya isa siya sa mga taong malapit sa akin noon.

Marami pang bagay ang hindi naikukuwento sa akin ni Enrico tungkol sa nakaraan ko. Patungkol sa kung ano ang totoo kong pagkatao. Basta’t ang alam ko lang, nagising ako nang gabing ‘yon sa ospital. Deformed ang mukha at katawan na tila ba gumaling sa pagkakasunog.

Hindi ko na nakuha pa ang balanse at tuluyang nagpagulong-gulong pababa at kainin ng karimlan.

***

Tumakbo pa ako nang mas mabilis. Hindi ko na alam kung gaano kalayo ang aking tinakbo, basta ang mahalaga ay makatakas ako sa mga lalaking kanina pa humahabol sa akin. Takbo. Lingon. Takbo. Mauubusan na yata ako ng hangin.

Nakakita ako ng isang siga sa gilid ng daan. Pinaliit ko ang aking paningin at pinilit na kontrolin iyon upang magamit laban sa mga humahabol sa akin. Naging matagumpay naman ako at nagawa kong palakihin ang asul na apoy at mapaangat sa ere. Umihip ang hangin at lalong nagngalit iyon. Ngunit bigla na lang sumambulat sa aking tagiliran ang nakasisilaw na liwanag mula sa isang sasakyan, at papabangga ito sa akin!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Final Phase: Of Dreadful BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon