chapter: 1 the beginning

26 6 0
                                    

Paano pag nainlove ang espirito sa tao??

Merong tinatawag na kabilang mundo yung life after death.

Kung saan napupunta ang mga kaluluwa ng bawat taong namamatay, but behind that hindi natin alam merong mga kaluluwa na hindi pa nakakarating sa tinatawag nating paraiso.

paraiso kung saan nasan ang mga anghel at si God.

Palakad lakad lang sila at nakiki salamuha sa mundo ng mga buhay na tao.

At may isang multo na ang mission ay ibalik ang ala-ala ng isang lalaki
para maka punta na siya ng langit.

Pero paano niya magagawa yon kung pati siya ay walang maalala at paano kung nainlove siya sa lalaking yon na hindi niya na pwedeng makasama.

Her POV.

The first day.

Bigla kong dinilat yung mata ko.
Naka tayo ako kung saan maraming taong maingay at parang nag kaka gulo sila.

Bigla akong may nakitang duguan na babae wala siyang malay.

Dinadala siya ng mga lalaking naka puti.

Tumakbo ako dahil natakot ako nasa gitna ako ng maraming sasakyan na naka hinto.

Tumatagos ako sa mga sasakyan.

Napatingin ako sa isang imahe at napag tanto ko na ako yung babaeng dinadala nila na duguan.

Hindi ko alam ang ginagawa ko pero nag patuloy lang ako sa pag lalakad tulala at naguguluhan.

Alice In Kevin Life ~ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon