CH. 6

18 3 0
                                    

Umalis ako ng maaga.

Hindi para hanapin yung totoo kong pamilya.

Sa haba ng panahon na espirito ako siguradong patay na rin yung mga magulang ko.

Kaya hindi ko na sila hahanapin.

Hmm..nag lakad lakad lang ako

Kasi naabala ko lang si kevin.

Ayaw niya na tumira talaga ako sa condo niya.

kaya dito muna ko hanggang sa mag gabi para di niya ma feel na nandoon ako at di ko siya maiistorbo.

Gusto ko rin mag hanap ng pera para mabayaran si Kevin.

Di ko muna iisipin yung mission ko.

Gusto ko mabayaran ko muna siya bago ako umalis ng mundong to.

Sa pag lalakad lakad ko.

May nakita akong familiar na tao

Ah siya yung angel!! Yung sa pizza shop.

Tumakbo ako papunta sa kanya.

Nag bibigay siya ng mga papel.

Sa labas ng pizza shop.

Anong ginagawa mo? Sabi ko.

Ikaw na naman ? Di mo ba nakikita nag bibigay ako ng flyers . nag tratrabaho ako. Sabi niya sabay bigay sakin ng papel.

Nakakagutom naman tong mga larawan kaso wala akong pera. :/ sabi ko.

Na naman? Sabi niya.

Oo eh haha! Ikaw ba may pera ka ba? Sabi ko.

Malamang meron. Sabi niya.

Paano ka nag karoon ng pera? Sabi ko.

Kasi may trabaho ako. Sabi niya.

Alice In Kevin Life ~ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon