10/2

4 1 1
                                    

Alice's P.O.V

Dumaan muna kami sa bahay ni kevin para kunin yung phone.

Pababa na sana kami nung kotse nung bigla nakita naman si patricia napapalapit sa amin.

Ikaw na naman?!!! Sabi niya sakin sabay sambunot.

Ahh aray ko!! Baka matanggal buhok kooo!!! Sigaw ko.

I don't care kahit makalbo ka! Mas maganda yon! Para di ka na lumandii!! Ano?! After ni kevin?? Si jake naman?!!!!mag kano ba gusto mo? Ako na mag bibigay sayo! Huh ! Sigaw niya.

Inawat naman ni Jake si patricia inalayo sakin.

Hindi ako iiyak T T okay lang akooo..

Kukunin lang naman namin yung phone ko na naiwan T T

Pinapasok muna ako ni jake sa kotse tapos kinausap niya si patricia.

Na aawa ako kay patricia :(

Ako may kasalanan kung bakit siya nag kaka ganyan.

jake's P.O.V

Patricia walang kasalanan si Alice. Sabi ko.

Alam mo isa ka pa jake noh? Parang wala rin tayong pinag samahan mas pinipili mo pa yan pag takpan yang flirt na yan?   kung di naman dahil sa kanya hindi makikipag break sakin si kevin tapos ngayon pag tatanggol mo siya sa harapan ko,Sige mag sama-sama sa kayo  Sabi niya.

Nakipag break sayo si kevin?!! Gulat kong sabi.

Yes! right! Tapos ako pa yung nag mumukhang masama dito? Jake lahat naman ginawa ko? Ano pa bang kulang?! Ginawa ko ang lahat para mahalin niya rin akoo! Ako naman!! Mahalin niya rin akooo!! Gaya ng pag mamahal ko sa kanya! Sabi niya.

Patricia are you drunk? Sabi ko.

Tapos humagulgol siya sa iyak.

Hindi ko kayang mawala si kevin sakin. Huhuhu iyak niya.

Kevin's P.O.V

Umuwi muna ko samin para kamustahin yung parents ko at kumuha ng allowance.

Hindi ko na alam gagawin ko.

Para maiwasan yung pag iisip ko kay alice.

Nilibang ko muna yung sarili kakalaro ng computer games.

Nag palipas ako ng oras sa dati kong kwarto.

Sa kwarto na wala akong ala-ala sa bahay na kung saan ako lumaki simula pag ka bata.

Pero paano nga ba maging bata? Ano nga ba ako nung bata?

Sino nga ba ako dati.

Ilang taon na wala akong matandaan.

Ilang taon na pakiramdam ko na kulang ako .

Mga taong na naka kulong ako sa kulungan na walang sino man ang kayang maka pag bigay sakin  ng tamang susi.

Sino nga ba si kevin noon? anong meron siya noon na dapat kong matandaan ngayon.

Simula nung dumating si Alice unti unti na kong may nakikita sa mga nakaraan ko.

Sino ka ba talaga Alice? at Saan ka ba talaga ng galing?

Alice's P.O.V

Pinahatid na ni jake si Patricia doon sa kuya(driver) sa sasakyan niya.

Kumain muna kami sa joliibiii ! Bago umuwi yung kainan na may ari yung matabang malaki na pwet na pulang bubuyog na di gumagalaw.

Ako na mag babayad! Sabi ko.

Hahaha wag na alice pang bayad mo yan kay kevin di ba? Baka mabawasan. Sabi niya

Hayaan mo Kevin! Ayy este jake... Ahh ah basta! pag nabayaran ko na siya ikaw naman babayaran kooo! Sabi ko.

Hahha ikaw bahala pero kahit wag na haha sabi niya.

Eh? :/ sabi ko.

Tapos umuwi na kami.

Naabutan namin na kumakain mag isa sa kusina yung kapatid niya.

Bakit mag isa lang siya kumakain. :/

Dapat pala dito na kami kumain para nasabayan namin siya.

Umupo ako medyo tabi nung kapatid ni jake.

Helloo ^^ kamusta?? Ako pala si alice! Sabi ko

Tapos tinignan niya lang ako.

Sumubo pa siya ng isa.

Tapos tumayo at umalis.

Hmmm...... :/ ayaw niya ba sakin jake? Sabi ko.

Ahh hindi baka nahihiya lang siguro.

Actually hindi talaga kami madalas sabay kumain bihira lang kapag may family business dinner lang sa labas. Hindi talaga kami nag uusap bihira lang din. malungkot na sabi ni jake.

eh bakit di mo siya pansinin? At sabayan kumain? Sabi ko.

bukod sa minsan walang time nahihiya din ako baka di niya rin ako pansinin. Sabi niya.

Day 20

8:30 A.M

Nag-luto ako ng umagahan kinulit ko yung mga katulong nila na ako muna mag luto hihi.

Nag luto ako ng  Garlic buttered shrimp.

Paano ko nalaman? Meron silang libro dito may naka sulat na kung paano gawin yung pag kain.

Tinulungan naman ako nung maid nila mag hain may kasama ding tinatawag na hotdog at itlogg!!

Maaga umalis si jake kaya di siya makaka kain sa bahay.

Tumulong din ako sa pag handa.

Tapos tinawag ko na yung kapatid niya.

Jaydon pangalan pag kaka rinig ko kay jake.

Jaydooon!! Kakaiiiinn naa!! sigaw ko sabay tok tok tok tok.

Jaydon?? Knock knock! Tao poooo multo poo!! Taoo pooo!! sabi ko.

Yoohooo kakain naaaa!! Sabi ko

Tapos bigla naman niya binuksan yung pinto at bumaba.

Di man lang niya ko kinausap o ngiti man lang? Huhu

Umupo na kami.

Tara upoo na kayo?? Kain  na tayoo ^^ Sabi ko doon sa mga maid nila.

Nakoo okay lang po  mam mauna na kayo  ^^ sabi nung isang maid.

Hello? Kamusta? Sabi ko kay jaydon.

Pero di pa din siya umiimik.

Nakita kita na nasa pinto ng kuya mo? Bat di ka pumasok? Sabi ko.

Nagulat naman siya sa sinabi ko

wag mong sasabihin kay Kuya jake yon. Sabi niya.

Binilisan niya ng kumain at agad pumunta sa kwarto niya.

Maya-maya

papunta na sana ako kay cindy sa palengke para tulungan mama niya kasi nasa work pa siya

Ng may bigla akong narinig na kalabog mula ss kwarto ni jaydon.

May parang bumagsak

Agad akong tumakbo sa kwarto niya at nakita ko siya na naka higa sa sahig.

Alice In Kevin Life ~ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon