V.

29 7 2
                                    


Ang crowded ng ospital na ito. Malayo sa ospital na kinagisnan ko na. Sa isang room, maraming nakaconfine.


More over, nagpunta na akong second floor. Noon ay hinahanap ko palang kung saan ang room 54. Hayun at nahanap ko naman na. Nakaligtaan kong itanong kay auntie kung anong pangalan ba nung kaibigan niyang bibisitahin namin.


pagpasok ko palang ng room, agad naman akong nagulantang sa dami ng mga pasyenteng kalbo at nakaprotective mask doon. Nakakaawa yung mga bata at pati na rin yung matatanda na halos di na talaga nila kaya.


Napag-isipan kong antayin nalang si auntie pero masyado siyang matagal kaya naisipan kong kausapin nalang yung ibang nandun.


Journalist ako sa school paper ng school namin noon. Baka naman uubra tong pakikipag-usap ko na to dito. Since wala namang school paper regarding sa ginagawa kong to, at least, siguro, may makukuha naman akong importanteng bagay dito na hindi ko pa alam.


Agad ay may bata sa gawing kanan ko na walang kasama.


"Hi", bati ko sa kanya at binigyan siya ng apple na dala-dala ko. Baun ko to sa barko. Di ko naman naubos eh.


"Hello rin po, ate" bati rin sakin ng bata. Ewan ko ba, nanlulumo ang puso ko sa sitwasyon ng batang babae na nasa harapan ko ngayon. Nawawalan na siya ng buhok. But inspite of, nakangiti pa rin siya.


nagsmile naman din ako sa kanya. "Hi, ako nga pala si ate Danielle. Ano name mo?"


"Danielle rin po! Kaso lang Princess Danielle Shine De los Reyes ang complete name ko po! hihi! ang cute po! same yung name natin dalawa ate Danielle!" sabay smile niya sakin kahit wala ng ipin


nawiglat naman ako. "Wow! Danielle, ang galing naman! apir!" tsaka nag-apir siya sakin.


nakakatuwa naman itong batang to! parang wala lang para sa kanya yung sakit na nararamdaman niya. "ano nga pala sakit mo, Danielle?"


Nagsmile siya ulit sa akin habang yakap-yakap yung teddy bear niya. "Brain Tumor po ate Danielle! hihi!"


"Brain Tumor? di ba nakakatakot yun? bakit ka parang masaya?"


"hmmm, sabi po kasi sa akin ni papa, wag daw akong matakot dahil gagaling po daw ako pilit ko po iyong paniwalaan pero alam kong hindi na"


napaayos ako ng pagkakaupo at hinawakan ang bata sa kamay niya.


"Bakit naman, Danielle?"

"Hindi po ako natatakot mamatay kasi sabi nga po sakin ni papa, makikita ko rin si papa Jesus at Mama Mary pati na rin si nanay" humina ang boses nung bata nung binanggit niya ang nanay niya.


"bakit ka malungkot?"


nakita ko kung pano niya hinigpitan ng pagkakahawak ang teddy bear niya at namalayan kong nababasa na pala iyun ng luha niya.


"baby pa lang po kasi ako nung *sob*... nagpunta na ng heaven si nanay pagkatapos akong ipanganak *sob*"


Naaawa ako sa bata. Parang naiiyak na rin ako. "mahal na mahal mo talaga ang mama mo no"


"opo ate Danielle. Naiinggit ako sa ibang mga bata na merong nanay na nagluluto para sa kanila. Hindi naman sa nagrereklamo ako dahil si tatay nalang ang kasama ko, kaso... palagi naman siyang wala para magtrabaho sa construction! tapos wala po akong nanay para ipagtanggol ako sa tuwing may nang-aaway sa akin. Walang nag-aasikaso kay tatay sa tuwing pagod siya dahil di ko pa kaya magluto kaya tubig nalang naiibibigay ko sa kanya. Lalo na po ngayon, ate Danielle. Nasa trabaho siya para may pambili ng gamot ko po at tsaka pagkain. Minsan po sasabihin niyang busog siya pero alam kong wala pa siyang kinakain para lang may ipakain sa akin dahil mahirap lang po kami"


sa di ko mapigilan, napayakap ako ng mahigpit sa bata. Tumulo naman ang luha ko. "Magiging okay lang ang lahat, Danielle. Pray lang kay Papa Jesus okay?"


"Dan-dan...anak?"


"Tay!!"


Kumalas na ako sa pagkakayakap. Hay! anu ba yan! nangyayakap ako ng ibang tao! hahaha! naaawa lang ako sa bata


"ano pong kailangan niyo?" tanong sakin ng tatay ng bata


"ahhh hoo--"


"tay! siya po si ate Danielle! pareho po kami ng name hihi!" biglang sabat ng bata


"ahh haha! opo, kinakausap ko lang po si Danielle. Bilib po ako sa inyo bilang isang ama. Wag po kayong mawalan ng pag-asa. Segi po, mauuna na po ako"


Tumalikod ako na may ngiti sa aking labi.


Nang eksakto namang may isang patient bed ng isang pamilyar na ginang ang isinugod sa ER.


Sinundan ko naman iyun. At hindi ko na alam kung gano ba ko kawiglat nung panahong iyun.

I Made It This FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon