VI.

33 7 3
                                        


Nakita ko siyang tila humihinga na lamang mula sa oxygen tank sa gilid niya. Yung taba niya sa mukha noon ay wala na. Yung kumikinang na mga mata niya noon ay nabalutan na ng pagod.


Parang hindi ko inaasahang makita siya dito. Kaya wala akong ibang nagawa kundi itakip nalang ang isang kamay ko sa bibig ko.


For all the times na sinisita ko siya palagi, hindi ko alam na ganito na pala ang kundisyon ng mama ko ngayon.


Pumasok ako sa ER at eksakto namang pinayagan pa ako ng nurse. Wala akong ginawa kundi titigan lang siya nang buong magdamag.


How dare I?


Paano ko siya napagsalitaan ng masasakit na salita noon?


naramdaman kong sa tagal ng pagkakatitig ko sa kanya ay nawala ang lahat ng galit sa puso ko. Nanlulumo ang buo kong sistema sa kung anong nakikita ko sa harap ko ngayon.


"Danielle? anak...anak ko..." sambit niya agad sakin nung nagkamalay na siya.


"anak ko... matagal kitang hindi nakita. Kahit ang laki-laki mo na, alam kong ikaw pa rin ang anak ko. ang princess ko" sabi niya sakin pagkatapos niya kong kabigin at hagkan.


ang boses niya... hindi na malayo ang boses niya sa mga matatandang ginang nakilala ko sa ciudad.


Naramdaman kong bumababaw nang paunti-unti ang mga luha ko. tsaka naman nang may nahagip ang utak ko.


"why did you block me?" sabi ko pagkatapos akong kumalas


"ahh gutom ka ba Dan? teka ipagbabalat kita ng paborito mong app--"


"YOU'RE NOT ANSWERING! tinatanong kita kung bakit mo ko binlock! alam mo ba kung pano ako kadismaya nung mga panahong yun huh?! it seems like naduduwag ka na eh! ultimo pagsilip lang sa timeline ko at nang sinita kita, nagpadala ka naman! para kang talunan eh! ewan ko kung nanay ba kita! " napahilamos ako ng mukha nung mga sandaling yun.


Tumikhim naman ako agad at nabihag ko ang tingin niya sa akin.


"Hindi kita binlock Dan. I deactivated my account"


napangiwi ako sa sinabi niyang yun.

"then I should have known better! nagparamdam ka nga, deactivate lang pala ang punta! tanga ka ba?"


nakita ko naman siyang ngumiti sa akin. sa ngayon ay di ko maintindihan kung ano yun.


"yes." natauhan naman ako. "yes. tanga ako. kaya ayokong matulad ka sa akin. I left you for a purpose. Nung panahong yun ay alam ko ng may sakit ako. Kaya iniwan nalang kita dun sa mga tita mo nang sa ganun di ka na mahihirapang mag-adjust kapag wala na ako. I work abroad, Danielle."

I Made It This FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon