Chapter One: This Is The Day

33 5 0
                                    

Mikaza's POV

Prince Charming...

Beautiful Princess...

King...

Queen...

Fairy Tale...

Happy Ending...

Lahat nyan meron sa story ko na to. I am a beautiful princess, soon to be a Queen. I have a Prince Charming soon to be a King. My life is as good as if it was a Fairy Tale. At ang story ko ay may napaka gandang Happy Ending. And I—

"WHAT THE F MIKAZA! Wake up!" Nagising ako nang marinig ko ang ingay na yun. Pagkamulat ko ay laking gulat ko nang makita si Yhiane na bubuhusan na ako ng tubig, tatayo na sana ako nang naramdaman kong basang basa na ako. Sht. Binuhus nya na nga.

"AISH! Ano ba Yhiane?! Ang ganda na ng panaginip ko eh ha?! Bastusan?!" Sigaw ko naman at bumangon. Ano bang meron ngayong araw at— O. M. G. Yung Orientation sa school namin ngayon nga pala! O.O

"Oh. My. Gosh! Yung orientation hala anong oras na?!" Nataranta ako at kung saan saan lumingon para lang makita kung anong oras na. Myghad 10:45 eh 11am yung simula ng orientation.

Agad akong kumuha ng tuwalya at toothbrush at pumasok sa cr. Argh bat ba kasi ako nagbasa pa ng pocket book hanggang 3am tsk.

After 5 minutes...

Nagaabang na kami ng jeep. Tsk traffic pa ata pano na to?

"Yhiane! Sabay ka na sakin!" Agad kaming lumingon sa kanan kung saan namin narinig ang boses na iyon. Si Xyron pala, boyfriend ng pinsan kong si Yhiane. Tinignan ko naman ang pinsan ko at tinignan nya rin ako. Ngumiti sya. At alam ko na ang ibig sabihin nun kaya kumunot ang noo ko.

"Sorry Mikaza sasabay na ako kay Xyron ah? Kasalanan mo naman eh labyu!" Sabi naman nito at sumakay sa kotse ni Xyron. Tsk di bale sanay na akong mag isa. Charot. Nagintay nalang ulit ako ng jeep pero wala talaga.

Urghhh~

>\\\< Nakakahiya ano ba yan. Di pa ako nakain ng almusal. Pero kailangan kong tiisin para may maabutan akong jeep. Aish ang gaga mo kasi Mikaza eh -__-

Tinignan ko naman ang cellphone ko para magcheck ng oras. 10:53 na myhgad pano na to???

"Mikaza?" Lumingon naman ako sa pinanggakingan ng boses na tumatawag sa maganda kong pangalan.

"Baron?" Pamilyar sakin ang lalakeng to. At bigla kong naalala, sya nga si Baron yung kaibigan kong chubby nung bata pa kami. Napangiti ako. Ang pogi nya na ngayon.

"Uy Mikaza! Long time no see! Saan ka pupunta?" Nakangiti nitong sabi at nakipag apir sa akin.

"Uyy! Papunta ako sa orientation ngayon eh ang tagal nga makahanap ng jeep. 11am pa naman yung simula nun." Sagot ko naman.

"Gusto mo sumabay ka nalang sa akin?" Tanong nito. Hayy salamat may masasakyan rin, kaso naalala ko yung pangttrip ko sa kanya dati kaya tinablahan ako ng hiya.

"Ah hindi na Baron nakakahiya eh" pero sana pilitin mo ko!

"Hahaha bat ka naman mahihiya? Ok lang yan sumabay ka na!" Sige ipilit mo pa magpapakipot pa ako.

"Hindi talaga ok lang" pagpapakipot ko naman. Isang pilit mo nalang talaga sasabay na ako.

"Osige ikaw bahala. Una na ako ah may pupuntahan pa ako eh. Bye!" O.O bye lang? Di manlang ako pinilit pa? Aish ang pabebe mo kasi Mikaza eh ARGHHHH ano nang gagawin ko 2minutes nalang? Maglakad nalang kaya ako?

1v1 on ME?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon