Mikaza's POV
Nasa mall ako ngayon at tumingin tingin ng mga Camera na maganda at discounted. Di ko kasi afford mamahalin bes. Dapat kasi tinanggihan ko yung bakla na yun.
Napaupo ako sa bench sa isang side ng mall. Jusme pagod na ako wala parin akong mahanap na camera. Ilang sandali lang at naisipan kong bumili ng shirt sa Rawbensauce Department Store kaya agad akong dumeretso sa loob at nagtingin tingin.
Nang makalabas ay agad na umungol ang tyan ko na nagmamakaawa nang pakainin. Jusme sana afford ko pa yung camera na makikita ko sa ganitong lagay.
Nang maka order na ako ay sinimulan ko nang magdasal at kumain. Ang sarap.
Dumiretso na ako sa pagahhanap ng camera. May nakita naman akong magandang camera na sakto para sa hinihilinh ni bakla. Nang akmang kukunin ko na ito ay naagawan agad ako. Napakunot ang noo ko dahil parang sadya pa ang pag kuha nya. Nagulat naman ako nang makita kong si EK pala [short for Epal Kupal], oo binigyan ko sya ng nickname dahil nangdidiri akong bigkasin ang pangalan nya.
"Woah. Hindi ko akalaing may dukha palang tumitingin ng pang professional na camera." Pang aasar nito bago ako tignan. Napangisi ito at inilapag ang camera. Tinitignan ko lang sya sa mata. Kung makapagsalita talaga tong lalakeng ito ay parang akala mo naman mas mataas pa sya sa normal na taong tulad ko.
"May sasabihin ka pa? Kung wala na, umalis ka na lang. Wala akong oras makipag usap sayo." Pagsusungit ko dito at nilagpasan sya na dahilan para magkabangga ang braso namin.
"Actually," pag sunod nito sa akin sa pag ikot ko habang tumitingin ng iba pang camera. "May magandang camera akong ipapakita sayo." Napatingin naman ako sa sinabi nya, parang hindi kapani paniwala ang sinabi nya dahil nakangisi sya na parang may masamang plano. Kumunot ang noo ko nang mapansin yun.
"Come on, believe me." Pagtawa nito.
"Asaan?" Blanko ang muka ko nang harapin sya. Ngumisi ito at ipinakita ang isang camera na mukang mamahalin at maganda. Pero bago ko pa to kunin ay binagsak nya ito. Kumunot ang noo ko at tinignan sya. I knew it. Tch. Bakit pa kasi ako bumigay.
"Hala anong nangyari?!" Gulat naman ng isang sales lady sa nangyari. "Sir ba—" bago pa nito matapos ang sasabihin nya. Dinuro ako nung kupal na to at inakusahan ako.
"She pushed the camera while I'm checking on it." Hindi ko ipinapakita ang ekspresyon ko pero bakas sa mga mata ko ang inis at galit. Naka ngisi ang kupal na to ngayon. Nanggagalaiti ako ngayon. May sapak ata to eh, konting pagsagot ko lang sa kanya ganito na agad ang ginagawa nya.
"Miss, bakit nyo yun ginawa? Kailangan nyo po yan bayaran." Hindi ko ito nilingon dahil sa inis ko sa kupal na to. Sumosobra na sya.
"Miss—" bago pa nito matuloy ang sasabihin nya ay nilingon ko ito at sumagot.
"Sige, magkano?" Tanong ko, gagantihan ko tong lalakeng ito. Maghintay lang sya. Umalis na si kupal, pero bago yun at may ibinulong sya sa akin.
"Sabi ko naman sayo eh, pagsisihan mo rin na ginanon mo lang ang nagiisang Shawn Hale. Strike Three." Hindi ko nakuha ang tungkol sa trike three na sinasabi nya, pero hindi ko na ito pinansin. Naubos ang pera ko pambili at pamasahe. Sakto lang ang bayad.
"Miss" pagtawag ko sa sales lady pagkatapos ko bayaran yung nasirang camera. Lumingon ito na may halong pagtataka. "Ibigay nyo nalang sakin yung camera. Isipin nyo na binili ko iyon." Blanko ang ekspresyon ko. Nagtinginan naman sila ng cashier.
Agad kong hinanap si EK. At nasaktuhan na andun sya sa may parking lot. Jackpot. Sabi na nga ba dito yun dederetso. Sumigaw ako para lumingon sya.
"EPAL!" Lumingon naman ito. Ha! Tanggap naman pala nya eh. Agad kong ibinato ang camera sa pagmumuka nya nang lumingon ito.
"Agh!" Pag sigaw nito sa gulat at sakit. Nakahawak ito sa noo nya na nagdudugo. Tumingin ito ng punong puno ng galit.
Napa ngisi ako. "Hindi ko alam kung anong ginawa ko sayo eh pero kung gusto mo ng war, sige simulan natin ngayong araw!"
Nilapitan ko ito dahil hindi pa nya maalis ang kamay sa noo dahil sa sakit. Pero nang makalapit ako ay sinandal nya ako sa isang pintuan ng kotse. Magkasalubong ang mga mata namin na parehong mukang handa sa gulo. Kitang kita ko ang dugo na tumutulo sa noo nya.
"Sige, pero..." Pag bitin nito sa kanyang sasabihin "Kung sino ang unang sumuko, kailangang umalis sa University."
Mukang may matindi syang binabalak at nakakatakot ialay ang pag aaral ko para lang sa ganitong klaseng bagay pero umiral ang pride ko dahil ako naman ang nagsabing simulang namin ang gulo ngayong araw kaya pumayag ako.
•••
Sorry sa late update ^^
BINABASA MO ANG
1v1 on ME?!
Teen FictionPaano kung ang dalawang magkaibigan na playboy ay magkagusto sayo at pagagawan ka? Paano kung maraming mainggit sayo dahil sa pagbabago mo? Paano kung madami ang galit sayo? Paano kung lahat ng tao ay pinagkakaisahan ka na? Makakaya mo pa ba? Paano...