This chapter is dedicated to MaevelAnne . You're such a great author! :*
Mikaza's POV
Maaga kaming pumasok ni Yhiane. Malamang first day eh pero sigurado ako after a week or two puro late na yan. Naglakad lakad muna ako sa campus namin para icheck ang mga rooms at makabisado agad ito. Inabot din ako ng 1 hour from 4th floor to 2nd floor ang laki kasi ng campus namin. Ang daming rooms, yung iba chineck ko pa yung loob. Habang naglalakad ako sa first floor ay may napansin akong nakaupo sa hallway, mukang tulog. Nilapitan ko ito at tinignan kung makikita ko ang ID nya.
"Zeke Lewis... Ang ganda ng name ah." Bulong ko habang tinititigan ang ID nya. Nagulat naman ako nang biglang may magsalita.
"What are you doing and what are you looking at?" Tanong nito. Nanglaki ang mata ko kasi pag angat ng ulo ko ay halos 2 inches nalang magdidikit na muka namin, agad akong tumayo sa nagsorry.
"Ayy sorry sorry! Akala ko kasi tulog ka kaya tinignan ko lang yung ID mo." Kabado kong sagot.
"It's fine. Pero bakit kailangan tignan mo pa ang ID ko? Don't you have something else better to do?" Tanong nito. Ano ba yan bakit ang mga Pilipino ngayon kailangan mag english?
"Um... Wala gusto ko lang malaman kung sino ka kasi di naman kita muka mo dahil nakayuko ka diba? It just piqued my interest. Sorry, maghahanap nalang ako ng pwedeng gawin. Bye." Sagot ko pa at yumuko paalis nang bigla nya ulit akong tawagin.
"Wait, are you perhaps the one who created some noise the day before yesterday? Or am I just mistaken?" Tanong nito. Created some noise? The day before yesterday? O.O omoooo ganun ba ako nag ingay nung isang araw sa orientation? Myghad. Hindi ko ito nilingon o sinagot at napapikit nalang sa hiya. Di ko narealize na ang ingay ko pala. "Anong pangalan mo?" Dagdag pa nito.
"M-Mikaza F-Ferrer." Nahihiya kong sagot.
"Ano? Mimikaza Feferrer? Pwede bang paki lakasan ang boses mo?" Sabi naman nito. Aish ano ba naman yan, may nageexist ba na Mimikasa na pangaln at apilido na Feferrer? Aish common snese naman -.-
"Ang sabi ko MIKAZA JURIS FERRER!" Pagalit ko namang sagot at tumakbo paalis. Bat ako G na G? Aish ang oa ko nanaman.
Pinagpatuloy ko nalang ang pagiikot sa first floor para maalis sa utak ko yung kahiya hiyang sinabi nya na nagingay daw ako sa orientation. Habang nagiikot ay may tumawag sa akin na lalake.
"Jeje girl!" Jeje girl? Sino sinasabihan nun wala namang jeje dito. "Aish bingi. Babaeng kulot!" Napagtanto ko naman na ako pala ang tinatawag nya pero dahil ma pride ako, di ko ito pinansin na kunwari hindi ko alam na ako yun. Inisip ko nalang na hindi ako yun at maganda ako ngayon. (Tss apaka GGSS mo Mikaza :3)
Hindi nagtagal, naramdaman kong may tumapik sa balikat ko. "Bastusan ba ha? Tinatawag kita tapos ayaw mo lumingon. Alam ko na alam mo namang ikaw yung tinatawag kong kulot na jeje." Masungit na sabi nito with matching "aura" look.
Nakakaloka na talaga ang panahon ngayon, kahit normal na usapan lang nag a-aura parin ang mga lalake. Sana lang hindi ganito ang magiging asawa ko pag dating ng panahon -__-
"Aba. Ako pa ang bastos sa lagay na to ha? Eh kung ikaw kaya ang tawagin kong jeje BOY at LALAKING kulot? At sabihin ko sayong ang bastos mo kasi hindi ka nalingon?! Ano, DIBA MABABASTOS KA?!" Nagtinginan naman ang mga dumadaan nang sumigaw ako, aish ano ba naman nakakahiya ako bakit ba kasi kailangan pang sumigaw -.- "Tss nakakasira ng araw mga lalake sa campus na to." Irap ko naman at nag walk out. Konti nalang talaga masisira na araw ko eh.
BINABASA MO ANG
1v1 on ME?!
Teen FictionPaano kung ang dalawang magkaibigan na playboy ay magkagusto sayo at pagagawan ka? Paano kung maraming mainggit sayo dahil sa pagbabago mo? Paano kung madami ang galit sayo? Paano kung lahat ng tao ay pinagkakaisahan ka na? Makakaya mo pa ba? Paano...