Chapter Four: LOCKED.

28 2 0
                                    

Mikaza's POV

she! She! Eh!
She!sheshesheshe! Ri she she
Eh!
She! She! She! She!
Shere—

Agad ko namang pintay ang alarm clock ng cellphone ko. Oo, weird na kung weird ang ringtone pero yun yung nagpapagising sakin eh T^T

Bumangon na ako at naalala ang nangyari kahapon.

Flashback...

"So, it's nice to be yur acquaintance Ms..." -Zeke
"Mikaza Ferrer" -ako
"Miss Mikaza Ferrer, and I'm Zeke Lewis. Is it nice that I'm your new acquaintance?" -Zeke
"It is NICE to be an acquaintance of your Mr." -ako
"So, shall we enter the room?" Inabot nya ang kanyang kamay na parang gusto pa nyang holding hands kami sahanggsng pagpasok. Ilang segundo kong tinignan ang kamay nya ng pinilit nyang hablutin ang kamay ko papasok.

Pagpasok namin ay nagtinginan ang lahat, sobrang tahimik at gulat na gulat ang iba nang makita na magka hawak kami ni Zeke ng kamay omooo nakakahiya.

>\\\<

Nagsabay na kami maglakad papuntang dulo kung saan ang upuan namin tutal ay magkatabi naman kami. Si Shawn ay gulat na gulat sa nakita nya.

|end of flashback|

"AARGHHH!" Sinabunutan ko naman ang sarili ko at napahiga muli sa kama at nagpagulong gulong. Nakakahiya talaga >\\\<

"Hoy, Mikaza ano?! Enjoy na enjoy sa holding hands nyo kahapon? Aba bangon na 30 minutes nalang!" Nagulat naman akonang may biglang pumasok ng padabog at pasigaw sa kwarto ko. Ano daw? 30 minutes?!

"30 minutes?!" Agad akong napaupo sa gulat "hala?" Nagsimula akong kumilos ng mabilis.

Later on...

Nasa school na kami, buti nakahabol pa kami. 5 minutes nalang ay magsisimula na ang klase. Nakaupo lang kami ni Yhiane sa kanya kanya naming upuan dahil sa pagod kakamadali. Maya maya ay dumating na si Shawn at Zeke. Pinagkakaguluhan nanaman sila ng girls like yesterday. Pero tuloy tuloy lang sila sa pag lalakad, si Shawn ay agad na umupo at nag cellphone at si Zeke naman ay nginitian ako bago umupo kaya wala akong nagawa at ngitian sya. Kanya kanya na ulit kami.

"Mikaza" kulbit sakin ni Yhiane at pinalapit pa ako para bumulong, "Ang tamis ng ngiti ah, anong meron?" Ngiti nito at siniko ako.

Sinamaan ko nalang sya ng tingin at nagbasa ng pocket book. Maya maya ay tinawag ako ni Zeke.

"Mikaza"

"Hmm?" Matipid kong sagot at patuloy parin sa pagbabasa.

"Wala nevermind," bigla nitong bawi nang pumasok ang prof namin sa room, ano ba yan pabitin -.-

"Okay everyone, Goodmorning. Pupunta tayo ngayon sa kabilang room natin. Please follow me." Agad kaming tumayo at kinuha ang gamit namin para lumabas. Nang makalabas ay napansin kong nasa likod sina Zeke. Pero hindi ko ito pinansin.

Maya maya ay kinausap ako ni Jella, "Mikaza, favor. Pwede pakikuha ng naiwan kong camera sa Music Room? Eto yung susi. Salamat" hindi na ako hinayaan sumagot pa at inabot ang susi. Wala na akong ibang choice kaya sinunod ko nalang sya.

Pagkabukas ko ay naalala ko na hindi ko pala alam kung nasaan kaya napa buntong hininga nalang ako kasi kailangan ko pa yun hanapin. Habang naghahanap ay may pumasok sa Music Room at sinara ang pinto.

"Anong hinahanap mo?" Nilingon ko ito at nakita si Zeke.

"Ah, inutusan kasi ako ni Jella na kuhanin yung camera nya dito kaya hinahanap ko hindi kasi sinabi kung nasaan." Sagot ko naman at nagpatuloy sa paghahanap.

1v1 on ME?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon