Chapter 2

1.1K 3 0
                                    

Hindi gaanong maganda mood ko ngayon pero magsusulat parin ako.

Sana magustuhan niyo *_*

=============================

Chapter 2

Diego's POV

"san naba kasi yun? Stella talaga kahit kailan. Aish! Di manlang nilalagay sa isip na may taong nag aalala sa kanya rito. Di naman nagrereply at cannot be reach pa phone niya. talaga naman!"

Ah ako nga pala si Diego Montefrio magkababata kami ni Stella. Kasalukuyan akong naghahanap sa kanya ngayon. Naghiwalay kasi kami kanina dahil kinailangan kong bumili ng regalo para sa kanya, birthday kasi ni ganda bukas. Pero eto at naghahanap ako sa kanya ngayon. Ewan ko ba dun di naman nagrereply di pa ma contact.

Tinawagan ko si Stephanie kapatid ni Stella.

Calling | Stephanie :

"oh kuya Diego? napatawag ka?" mabuti nalang at sinagot kaagad ni Steph ang phone niya.

"nakauwi naba ate mo?"

"di po ba magkasama kayo?"

"yun nga eh, naghiwalay kasi kmi tapos di ko siya ma contact. sige pagna contact mo siya o nakauwi na jan tawagan moko kaagad ha? salamat!.."

Wala rin sa bahay nila si Stella. Asan naman kaya yun? Di kaya pinagtataguan rin ako? Gutom nako eh. Makakain na nga muna.

Pagkatapos kong kumain naglakad lakad muna ako baka sakaling makita ko si Stella. Napadaan ako sa isang botique ng mga damit at nakita ko si Abby classmate ko nung high school.

"hi :D" pumasok ako at tinabihan ko siya at binati. Ngunit di niya siguro ako nakilala kasi nga matagal na kaming di nagkita.

"do i know you?" ang suplada talaga nito kahit kailan.

"ako to si Diego. high school classmate remember?" ayan umaliwalas na mukha niya siguro alala na niya ko.

"Diego Montefrio? Ikaw na nga ba yan? Oi Diego!! Tagal nating di nagkita ah." ayan ngumiti narin sa wakas.

"oo nga, ang balita ko kakuwi mo lang galing France ah? Kamusta kana?"

"eto mabuti naman.. medyo magtatagal ako rito kasi nga may inaasikaso sila mama rito.. pasensya kana ha di kita nakilala."

"ah okay lg yun. ikaw lg ba mag isa rito ngayon?"

"ah oo, namimili ako ng damit kasi nga konti lg nadala ko rito pauwi. kumain kana ba? tara kain tayo.. gutom narin kasi ako.."

'naku, kakatapos ko lg eh, pero okay lg sige samahan nalang kita. tara!'

Lumabas na kami ng botique ni Abby. Actually di naman talaga kami close nung high school, ngayon lg naman.

=====================

Stella's POV

Dahil nga nawala phone ko di ko na ma contact si Diego. Uuwi nalang nga ako, wala naman akong mapapala rito. Tatawagan ko nalang siya pagkarating sa bahay.

Pagkarating ko sa subdivision bumati ako kay manong guard.

"hello manong, nag lunch napo ba kayo?'

"oo Stella tapos nako. Oh bat ikaw lang mag isa umuwi? San si Diego?"

"ayun na nga po manong, nawala po kasi phone ko at nagkahiwalay kami. okay lg po marunong naman yun ng daan pauwi.  sige manong una nako. "

"sige iha."

PLAYFUL Bedmate (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon