Chapter 41

262 0 0
                                    

Hello! Hello! Sorry naman po at bago lang ako nakapag update naging sobrang sobrang busy lang aketch. Haha. Anyway, don't worry hindi naman ako titigil sa pagsusulat. So heto na!

Enjoy Reading!!

P.S: May bagong story nga po pala akong sinusulat ngayon. Sana suportahan niyo rin po gaya ng pagsuporta niyo sa PLB. Thankiee!

================================

Chapter 41

Stella's POV

Kinagabihan. . . 

" Ma andito napo ako!" kakauwi ko lang nang bahay simula nung magkita kami ni Tristan nung isang araw. Ayoko kasing umuwi muna pagkatapos ng mga nangyari.

Hindi ako natulog buong gabi last night. Nagpakasawa ako sa margarita dun sa bar. Hindi naman ako nalasing medyo lang. Hihi.

Gusto ko muna kasing kalimutan pansamantala ang mga biglaang pangyayari. Yung saamin ni Tristan.

Gaad! I can't believe hinayaan ko ag sarili ko sa kanya. Ni hindi ko pa nga siya napapatawad ng lubusan sa ginawa niya tapos nagpadal na kaagad ako sa emosyon ko. Bwisit talaga na puso to! 

"Arrraaay Ma!" hinampas ako ni Mama sa braso.

"Ikaw bata ka san kaba nagsususuot ha? Talaga bang sa opisina ka nagpalipas ng gabi? Ikaw Stella hindi kana nagkukwento ngayon ha. Nasabi na sakin ng kapatid mo. Totoo ba?"

Huh!?

TT_____TT

Buffering. . .

Nasabi ang alin? Yung nangyari samin ni Tristan? Ganun na ba talaga kabilis ang chismis ngayon? At paano naman nalaman ni Stephanie yun?

"Aaaray! Ma naman nakakadalawa na po kayo ha." hampas ulit si Mama sa braso ko.

"Eh ano nga? So totoo nga? Natigilan kajan eh."

"Ang alin nga Ma? Hindi ko kayo maintindihan." ang denial ko. Palusot ko to eh.

"Na nandito na si Tristan sa Macau..? Oh nandito na nga ba? Nagkita naba kayo? At teka nga pano niya nalamn na andito ka? Nakikipag-usap kapa ba sa kanya over the phone?"

"Ma, chillax naman  po ng konti. Andami niyong tanong eh. Unang una sa lahat hindi po ako nakikipag-usap sa kanya. At opo, totoong andito na po siya sa Macau at nagkita na po kami. Ang problema hindi ko po alam pano niya nalaman na nandito ako.. Teka, pano nga ba niya nalaman?"

Yun! Yun yung nakalimutan kong itanong. Teka nga kanino kaya nalaman ng mokong nayun na andito ako.?

Isa lang ang naiisip ko. Si Julia. Matawagan nga.

Calling Julia. . .

"Hoy Bakla!"

"Stella? Stella sorry talaga, sorry nang napakarami. Eh kasi yang si Sir Tristan nagpupumilit eh kaya sinabi ko nalang atsaka takot akong mawalan ng trabaho noh alam mo yan. Sorry talaga friend. Patawarin mo na ko."

Kitams! So siya nga ang may pakana. Ni hindi pa nga ako nagtatanong nagsosorry na ng bongga. So guilty nga siya!

"Sinasabi ko na nga ba eh. Bakla ka talaga! Oh siya sige na wala nakong magagawa tapos na eh andito na siya."

"Teka. Teka. Uuuy, ikaw ha. Nagkita naba kayo? Soooo?"

"Uuuhhmm, usisera kana naman. Ikaw talaga. Miss na kita bakla, bisita ka naman dito some other time."

PLAYFUL Bedmate (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon