Chapter 44

236 0 1
                                    

Chapter 44

Stella’s POV

“Tumigil ka nga Steph, isa kapa eh.” Sabi ko. Nasa bahay na kami ngayon. Nandito kami sa living room. Ako  si Tristan, Steph, Brent at si Mama.

“Eh totoo naman eh, sabihin mo na kasi kuya Tristan. Diba totoo naman ang sinasabi ko may girlfriend kana diba? Diba?” pangungulit ni Stephanie kay Tristan.

Kanina pa kasi pinagpipilitan ni Steph na nakita niya yung babae sa horpital room ni Tristan nung mga araw na naaksidente kami. Nakita niya raw na inaalagaan nung babae si Tristan at masay paraw silang nagkukwentuhan.

“Wag ka ngang bastos kang bata ka. Manahimik ka nalang jan at pakinggan natin ang paliwanag ng kuya Tristan mo.” Sabi ni Mama. Stephanie just smirk.

Sabay sabay kaming lahat na tumingin kay Tristan.

Si Tristan cool na cool lang habang nagsasalita. Hindi siya kinakabahan oh di kayay natataranta sa mga sasabihin niya. Kaya alam kong wala siyang tinatago. Alam kong nagsasabi siya ng totoo.

“Eh yun naman pala eh. Kaibigan niya lang daw yung Abby nayun kaya wala kang dapat ipangamba ate Stella.” Sabi ni Brent.

Pero naisip ko lang, yung Abby din nayun yung babaeng buntot ng buntot kay Tristan dati, hanggang sa trabaho hindi niya nilulubayan si Tristan.

“Totoo ba yan Tristan? Alam mo ina ako ang tanging hangad ko lang ay kung ano ang makakapagpasaya sa aking mga anak. Kaya hindi ako hahadlang kung talagang nagmamahalan kayong dalawa, ang sa akin lang wag na wag mong sasaktan ang panganay ko kung hindi mananagot ka sakin.”

Hahahaha.. Nagtawanan sina Brent at Steph.

“Alam mo kuya Tristan boto naman talaga ako sayo eh, kaso nga lang nagduda ako dun sa nakita ko sa ospital. Sorry kuya ha. Pero alam ko naming nagsasabi ka ng totoo.” Si Steph.

“Oh siya sige na tama natong kwentuhan, at dahil sa officially together na kayong dalawa kakain tayong lahat sa labas ngayon.” Sabi ni Mama.

“Yehey!!” sabay na sabi ng kapatid ko at ni Brent.

“Oh sige po saakin nalang po kayo sumakay dala ko naman po kotse ko.” Tristan said.

“Yes!!” sabay ulit na sabi nung dalawa. Masayang Masaya lang sila eh.

“Oh ate tumayo kana jan. Wag mong sabihing gusto mo pang buhatin ka ni kuya Tristan. Uuuuy! Kuya Tristan buhati..”

“Ano ba Steph tumahimik ka nga para kang sira.” Tinakpan ko kaagad ang bunganga ng madaldal kong kapatid.

“Halika na nga babe una na tayo sa labas. Mag momoment paying dalawang yan.” Sabi ni Brent.

Nasa labas na ang lahat naiwan kami ni Tristan dito sa loob ng bahay. Pumunta siya sa kitchen para uminom muna ng tubig. Ako naman papunta sa room ko gusto ko kasing magbihis muna.

At dahil malamig ngayon I decided to wear leggings with matching boots and coat for the cold weather. Nagbibihis nako ng biglang magbukas ang pinto.

“Ay palaka!” nayakap ko tuloy sarili ko naka bra nalang kasi ako ngayon at pumasok si Tristan sa room ko ng hindi manlang kumakatok.

“Ano ba hindi kaba marunong kumatok ha? Labas nagbibihis ako.” At sa halip na lumabas ay nilapitan pako lalo.

“Honey wala kang dapat itago. Nakita ko nang lahat ng yan. At alam mo bas a ayos mo ngayon bigla akong nagiinit kahit na malamig ang panahon.”

He kissed me torridly. At ano pa nga bang magagawa ko edi magpaubaya nalang. Kapag hinahalikan ako ni Tristan wala talaga akong magawa, nanlalambot ako eh.

PLAYFUL Bedmate (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon