Prologue

2.6K 67 32
                                    

'Let us  all welcome the two owner of this Arena and still the undefeated champion for partner Editiooooooooon!... none other than...Mr and Ms.Veeeeeeenooooooooom!!"
Sigaw ng Announcer gamit ang malalim at baritonong boses.

Sinundan ito ng malakas at cool na beat galing sa DJ na nagsisilbing hudyat nila Knite at Kea para lumabas.

Sari saring ingay ang sumalubong sa kanila.

Hiyawan.

Tunog ng bakal na animoy hinahampas ng kung anu ano ng mga nagwawalang manonood.

Palakpakan ng mga taong  walang sawang sumusuporta sa kanila.

"Team Venom! Team Venom! Team Venom! Team Venom! Team Venom! Team Venom! Team Venom! Team Venom!
Team Venom! Team Venom! Team Venom! Team Venom!
Team Venom! Team Venom! Team Venom! Team Venom!"

Halos yumanig ang buong Arena sa lakas ng sigawan.

Isang matamis na ngiti at masayang pagkaway ang isinukli ni Knite sa mga ito habang si Kea ay nanatiling nakapokerface at dirediretso lang maglakad na para bang hila hila siya.

"hey! nagmamadali ka ba malady?" sigaw ni Knite sabay pigil dito "Smiiiiiile po baka mawalan ka ng fans nyan" nakangisi nitong usal.

Huminto si Kea at humarap dito "tsk smile? matapos mong makipaglandian sa babae dun paano ako makakangiti?!. bwisit ka!..." bulyaw nito.

Wala siya sa mood. Ganun na lang kase ang selos niya nang makipagusap si Knite sa Organizer ng Event. Maganda ito, morena at di hamak na matangkad. Pang model ang datingan. Ang mas nakakainis pa, HINALIKAN NITO SI KNITE SA PISNGE AT SA MISMONG HARAP PA NIYA! at ang loko loko tuwang tuwa naman.

Sa halip na matakot, tinawanan lang ito ni Knite at inakbayan siya. "Cute mo magselos malady Bakit girlfriend ba kita?"

That line totaly hit her.

Saglit siyang natigilan "Ewan ko sayo" galit ngunit mababakas ang pagkahiya sa tono niya.

'Yeah right Hindi nga pala ako girlfriend. So Why the hell i care?' sa isip isip niya

Tinanggal niya ang pagkakaakbay nito at dali daling naglakad papuntang battlefield.

Pero...

"SAGUTIN MO NA KASE AKO MALADY!"

Sa isang sigaw ni Knite parang tumigil ang ingay sa Arena at tanging boses lang nito ang naririnig niya. Literal na tumahimik ang lahat. Tumigil siya sa paglalakad at humarap dito. Nakangiti nitong itinuro ang mga manonood.

Napahawak siya sa bibig sa nakita.

Gulat.

kaba.

Saya.

Halo halong emosyon ang naramdaman niya.

Mayroong 28 na malalaking tarpaulin ang nakapaikot sa buong arena na hawak ng iilang audience at bawat isa nito ay may letra.

Umikot siya para mabasa ang kabuuan.

W I L L Y O U B E M Y G I R L F R I E N D M A L A D Y ?

"Shit" bulalas niya sabay tingin kay Knite na unti unting lumalapit sa kanya, may hawak din itong mic.

" 4 years ago" huminga ito ng malalim sabay hawak sa kamay niya "I promised to be a keeper of your stupid wounded heart Kea. As I said, I keep it at  hindi ko hinayaang muling masaktan 'yan pero nangako ka rin saking 'AKIN' lang ang puso mo Kea. Akin lang." Bigla itong lumuhod "Kaya ikaw naman sana ang tumupad ng pangako mo malady. From keeper, now I want to be the owner of your unwounded heart." may kinuha ito sa bulsa ng hoodie jacket niya. A box with a gold bracelet "Will you be my girlfriend Keallyn Wibbleton  a.k.a ms. Venom?"

Ang kaninang tahimik na Audience ay nagingay muli. At mas dumoble pa kaysa kanina.

Ngunit sa kabila nito. Rinig na rinig pa rin ni Kea ang malakas na tibok ng puso niya. Ilang beses siyang napalunok sa pagkagulat sa nangyayari. Di pa rin siya makapaniwala

"Psst nakakangalay pong lumuhod" biglang sabi ni Knite. Pinilit niyang ngumiti pero sa  totoo lang kinakabahan na siya. Nagaalangan siyang baka di siya sagutin ng dalaga.

"Ang ganda ng timing eh" sarkastiko panimula Kea. "Nag propose ka sakin nang nakaganito ako? nice"

Nakasuot lang kase ito ng sports bra at skinny short for sport. Ganito ang normal na suot niya tuwing maylaban.

"Pinili ko ngayon dahil mas marami ang makakanood malady. Gusto kong maraming makakita pag sinagot mo n-"

"Eh pano kung di kita sagutin ngayon? Mas marami ding makakakita? baka mapahiya ka" Nakangising saad ni Kea habang nakaekis ang mga braso sa dibdib.

Bakas ang pagkagulat at kaba ni Knite sa sinabi nito. Bigla siyang pinagpawisan ng malamig "B...bakit malady ayaw-"

Yaaaaaahhhhhhhhhh

Yieeeeeeeeee! ang sweeeeet nila!

kinikiliiiiiiiig ako.

Tangna pre ang swerte nung lalake!

Hindi natapos si Knite sa pagsasalita nang biglang yumuko si Kea at hinalikan siya nito. Sa LABI!

" Just kidding kinabahan ka naman." Biro nito sabay kindat "YES Knite from now on, I am your girlfriend"

Gulat na napakurap si Knite.

YES Knite from now on, I am your girlfriend

YES Knite from now on, I am your girlfriend

YES Knite from now on, I am your girlfriend

"Yeeeeeeeessssssss!" sigaw niya sabay talon nang marealize kung ano ang sinabi nito.

Nanginginig niyang isinuot ang bracelet kay Kea sabay yakap ng sooooobrang higpit "I love you malady. I am damn Happy!" bulong niya dito sabay bitaw sa yakap.

"Officially boyfriend na kita Knite kaya may karapatan na akong magselos aright?. Subukan mong lumandi makakatikim ka sakin"

Nagsalute siya dito "Yess boss, I love you"

Keallyn bite her lip halatang pinipigilan ang kilig na nararamdaman niya. Napatingin si Knite dito kaya di niya mapigilan ang sariling halikan ito.

Isang mahabang halik ang namagitan sa kanilang dalawa.

Kaya lalong nagingay ang mga Audience.
.
.
.
.
.
.
.
.

Maliban sa isang tao na masamang nakatingin sa kanila at tahimik na nagmamasid.

Kinakain siya ng matinding inggit, galit at puot sa dalawa.

"Sulitin nyo na ang araw na masaya kayo. Dahil sa pagbabalik ko, ipapatikim ko sa inyo ang kahulugan ng impyerno." bulong nito sa sarili at naglakad papalayo.

Nakangiting animoy demonyo habang iniisip ang masasamang niyang plano para  sa dalawa

Behind The Past (BTG BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon