BTP 16: A man in a Hoody

343 8 0
                                    


Knite's POV

"Anong hindi sasabihin sa'kin?"
Pareho kaming natigilan nang marinig si Kea. Dahan dahan ko siyang nilingon sa likod ko. Naka serious mode at taas kilay na nakatingin samin, lalo na sa akin.

Napalunok na lang ako sa kaba.

"Kanina ka pa?" Yan agad ang tanong na nasabi ko. Shit lang talaga kung kanina pa siya nandito, masisira ang plano ko at malalaman niyang buhay pa ang demonyo kong pinsan!

"Tatanungin pa ba kita kung kanina pa ako nandito?" Sarkastiko nitong sagot kaya nakahinga ako ng maluwag. "So ano nga 'yung hindi niyo sasabihin sa akin?" Nagpalipat lipat ang tingin niya sa amin ni Cas.

Nilingon ko si Cas, sign ng paghingi ko ng tulong para makalusot sa sitwasyon namin ngayon. Pero nagkibit balikat at nginisian lang ako nito.

"Ano eh ..." Umaabante ng lakad si Kea na siya naman inaatras ko. Pilit kong iniiwasan ang titig niya upang hindi kabahan. Pano ako makakalusot nito? Alam na alam pa naman ni Kea pag nagsisinungaling ako.

"Tanga lang?" Singit ni Cas na ikinagulat namin pareho, nakakaloko ang ngiti niya kay Kea animoy nangaasar.

"What?!"  Mukhang hindi makapaniwala si Kea sa nasabi ni Cas, lalong nagsalubong ang kilay niya. In that Case, alam kong anytime soon may labanan nanaman na magsisimula.

" Hindi nga namen sasabihin 'di ba? Bakit tinatanong mo pa? Tingin mo ba sasabihin namin pag tinanong mo? Tsk  Saka secret namin ni Knite iyon, secret! bakit namen sasabihin sa'yo?" Matapang nitong sagot sa nanggagalaiting si Kea.

"How dare you" Bago pa man makabwelo si Kea ay humarang na ako sa Gitna nila. Hinawakan ko si Kea sa Braso bago pa man ito gumawa ng kung anong move.

"Huh! How dare me talaga"  dahil sa sinabi ni Cas nagpumiglas sa akin si Kea.

Ibang iba ang reaksyon nilang dalawa, halata ang pagkainis sa mukha ni Kea samantalang si Cas tuwang tuwa sa pagkainis nito.

"Go saktan mo ako, diyan ka naman magaling 'diba?"

Biglang nag iba ang reaksyon ni Kea. Kumalma ito at marahas na Tinanggal ang pagkakahawak ko?

There is something beetween the line sa sinabi ni Cas.

"Oh bat nanahimik ka? Diba duon ka magaling? Saktan ako pag nasasaktan ka? Pag feeling mo kinukuha ko yung mga importanteng tao sayo?" Pabiro ang tono ni Cas pero mababakas ang galit.

Saglit na naghari ang katahimikan bago muling nagsalita si Kea.

"Fine, bahala na kayo sa secrets niyo.  " Malamig nitong sabi bago kami talikuran at umakyat.

What  the hell is that?

Mukhang nabasa ni Cas na nagtatanong ako.

"Atleast hindi niya nalaman ang pinaguusapan natin" aniya bago umalis.

--

" Kasama sa training niyo ang proper diet. Para makatapat kayo sa bilis at liksi ng mga shinobi , kailangan niyo magbawas ng timbang at kumain ng magpapalakas  ng muscles ninyo"  tinignan ko si Cas na malayo sa usual na ugali niya, wala na ang palabiro  niyang side. Napakaseryoso niya ngayon.

Kasalukuyan kaming nandito sa conference room ng mansyon at pinagpaplanuhan ang magiging training namin.

"Okay, Knite pakitawagan ang nutritionist ng Organization, mag appoint ka ng meeting natin para makausap siya" utos ni Kea, I mean malady.

Tumango lamang ako at Nagtipa ng ilang note sa Cellphone  para di makalimutan ang ilang details.

"Kelangan din natin ng mga weapon na ginagamit ng Shinobi, mas better din na alam ninyo paano gamitin ang weapon. Para malaman niyo mismo sa sariling expirience kung ano ang advantages at disadvantages nito" Dagdag ni Cas

Behind The Past (BTG BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon