A/N: click multimedia to see Hara's Insignias.
Enjoy reading!Knite's POV
Nanginginig ang kamao ko sa sobrang galit.
"Tama ang nakita ko sa Arena" bulong ko
'Yung suot nilang maskara...kagayang kagaya sa suot ng tarantado na 'yun.
Ibig sabihin totoong nakita ko siya. Buhay pa siya at siya ang nasa likod ng mga nangyayari Kay Kea.
Put**g in*.
At mas nakakadagdag sa inis ko ang sitwasyon namin ngayon. Napapalibutan kami ng mga shinobing may kanya kanyang katana at ang masaya wala kaming bitbit na armas ni Kea.
Wala kaming laban.
'Yun ang akala ko dahil...
Bahagyang umabante si Kea at pinatunog ang kamao at leeg.
Teka, wag mo sabihing susugod siya?
"Sumugod nga" mangha kong bulong nang patakbo niyang nilapitan ang pinakamalapit sa kanya. Sunod sunod siyang inaatake ng katana pero mabilis niyang naiiwasan. Itinapat nito sa dibdib niya ang katana pero tumagilid lang si Kea para maiwasan ito at ang mas nakakabilib nahawakan niya ang kamay ng kalaban. After a second nakarinig ako ng pagtunog ng buto.
"Ahhh!!"
Shit, nabasag niya ata ang buto nito sa kamay dahilan para madali niyang naagaw ang katana nito.
Nice, may weapon na siya.
eh ako?
Tsk bahala na.
Susugod sana ako sa pinakamalapit sa akin kaso bigla silang nagsitakbuhan at luminya sa unahan namin.
Nagkatinginan kami ni Kea at gaya ko mukhang naguguluhan rin siya sa nangyayari.
Bumalik ang tingin namin sa harap nang sabay sabay silang yumuko at nagsitakbuhan sa ibat ibang direksyon palayo.
May narinig akong kaluskos sa aking likod.
Napangisi ako nang maramdaman kong may tao sa aking likuran.
Alam ko na kung bakit biglaang umatras ang mga shinobi.
Dahil...
Dahan dahan ko siyang hinarap.
Nandito siya... Nandito ang gagong leader nila.
Keallyn's POV
What
the
hell?
Isang salita lang ang nasa isip ko habang sinusundan ng tingin ang mga shinobing nagaalisan.
Weird.
After nilang pumunta dito na parang nanghahamon ng away bigla bigla silang aalis?
Baliw lang tsk.
Nabitin tuloy ako. Kung kailan nagiinit na ang katawan ko sa laban saka naman sila aalis. Nakakaisa pa lang ako, ni hindi man lang umabot sa kalahati para makabawi ako sa ginawa nila.
Nanahimik kami dito tapos bigla bigla silang maghahagis ng kunai. Kung natamaan lang talaga si Knite kanina, kahit tumatakbo sila palayo sakin hahabulin ko sila isa isa at wala akong ititira. Saktan na nila ako wag lang ang hambog na 'yun.
BINABASA MO ANG
Behind The Past (BTG BOOK 2)
Action"The war beetween Hara and Venom Organization Ends" - - - - - - Yun ang 'AKALA' nila dahil ang totoong laban - - - - - - 'MAGSISIMULA' palang at sa pagsisimula nito, maraming sekreto mula sa nakaraan ang mabubunyag. Mga masasakit na sikretong hindi...