BTP 20: No More Secrets

407 9 0
                                    

Keallyn's POV

"Mommy, can we play?" My little self asked my mom.

Well, mom is a busy person, bihira lang itong magka day off kaya kinuha ko na ang pagkakataon na makalaro at makasama siya.

"No baby, finish your homework first"

I pout my lip.  Tumayo ako mula sa study table ko at hinawakan ang malambot niyang kamay. "Please, One subject na lang 'to. Later ko na lang gagawin." Pagmamakaawa ko.

She smile, that is the sweetest smile I've ever seen in my life.

"Fine, but promise me you will finish it later okay?"

"Okay po"

Hinatak ko siya pababa upang mapalapit ang mukha niya sa akin. Then I kissed her.

" I love you po"

"I love you too baby"

Dinala ko siya sa playroom ko. I have lots of toys in this room. From  different size of stuffed toys to arcade machine. Lagi kase akong binibilhan ni mom at dad, lalo na ni dad. Pero ang pinaka favorite ko sa lahat ay ang doctor set na binili sa akin ni mommy. Gusto ko din kase maging doctor kagaya niya. I want to save other's life like what my mom did.

Niready ko na ang doctor set ko at nakipaglaro kay mommy. Today, I will be her doctor.

Everything went smooth. Naging masaya ang ilang oras na paglalaro namin  dahil magaling siyang umacting as patient, sometimes tinuturuan pa niya ako gaya kung paano mag-CPR at magfirst aid pag may injury.

Pero bigla na lang tumahimik ang batang ako. Tahimik na nakatingin kay mommy. Para bang may malalim akong iniisip.

"Mom, do you love dad?" My little self asked.

"Ofcourse, I love him so much. Why?" Pagtataka ni mommy sa biglaan kong pagtanong nito.

"I need to tell you something mom"

"What is it?"

"I don't think dad loves you"

"Why?"

"I saw him yes--"

Natigil ako sa pagsasalita nang may marinig akong maiingay na tunog.  I know that sound. Tunog ito ng sunod sunod na pagputok ng baril.

Mahigpit akong hinawakan ni mommy at dali daling hinatak papunta sa kwarto ko.

Nakaramdam ako ng takot dahil bukod sa putok ng baril ay  rinig na rinig din sa buong mansiyon ang pagsigaw ng mga tauhan at katulong namin.

Behind The Past (BTG BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon