Keallyn's POVMahigpit kong hinawakan ang kunai na nasa kanang kamay ko. This is the only weapon that I have, I should use it wisely.
Huminga ako nang malalim at pinakiramdaman ang tatlong shinobi na patakbo patungo sa akin. Galing sila sa ibat- ibang direksyon, mayroon sa harap, sa likod at sa bandang kaliwa ko.
Mula sa peripheral vision ay nakita 'kong naghagis ang nasa kaliwa ko ng shuriken. Bahagya akong lumiyad upang maiwasan ito. Mabilis akong humarap sa kaniya at ibinato ang kunai na tumama sa binti nito.
Napaluhod ito sa sakit.Bumalik ang atensiyon ko sa natitirang shinobi. Naunang nakalapit sa akin ang nasa harapan ko, sinalubong ako nito ng dalawa niyang kunai. Tumalon ito at aakmang ibabaon sa ulo ko ang mga ito, agad ko siyang sinipa pagilid sakto sa bewang niya. Mula sa ere ay bumagsak ito dahilan para mabitawan niya ang kunai na hawak.
Mabilis akong humarap sa likuran ko at agad na sinangga ang pagatake ng pangatlong shinobi. Sa bawat pagatake nito pahiwa, sinasalag ko nang braso ko ang mga braso niya upang hindi tumama sa akin ang kunai nito. Binalak ko itong sipain sa sikmura gamit ang kaliwa kong paa ngunit nasalo niya lamang ito. Malakas akong bumwelo at gamit ang isang paa ko, malakas ko siyang sinipa sa pisnge dahilan para manatili akong nakaangat sa ere ng ilang segundo. Una kong ibinagsak ang kanang kamay ko at nag cartwheel upang bumagsak ng maayos. Napangisi na lamang ako sa pagbasak niya.
Nakita kong nakarecover na ang pangalawang shinobi na napatumba ko kanina, sabay kaming napatingin sa dalawang kunai na nabitawan nito . Nag-unahan kaming kunin ito, luckily naunang lumanding ang sapak ko sa mukha niya kaya naunahan ko itong kumuha.
Hindi na akong nagdalawang isip na isaksak ito sa pangalawa at pangalong shinobi.
Lima na ang total ng napabagsak ko.
May lima pang natitira.
Ilang segundong naging tahimik ang lugar. Walang gumagalaw sa amin, maaring nakikiramdam sila sa susunod na pagkilos na gagawin ko.
Kung sila ay handa na sugurin ako, wala naman akong oras makipaglaro sa mga inutil na kagaya nila.
Itinaas ko ang kanang kamay ko at sumenyas gamit ang hintuturo.
Hindi na ako nagulat sa sunod sunod na pagtumba ng mga shinobi.
Hindi ako tanga para hindi paghandaan ang pagkikita namin ni Aki. Umpisa pa lang alam ko nang may posibilidad na ganito ang mangyayari kaya nagdala ako ng iilan sa mga tauhan ko. Isinama ko ang dalawa sa pinakamahuhusay kong sniper.
Simula pa lamang sa Cafe ay kasama ko na ang mga ito. Hindi ko alam kung saan sila nakapwesto ngayon, may iilan din kaseng nagtataasang bahay at building ang nakapaligid dito. Ang tanging alam ko lang ay magagaling sila na kahit saan o kahit malayo ay hundred percent accurate ang tira ng mga ito.
May isa pang shinobi ang sumugod sa akin, iika ika itong tumatakbo. Siya 'yung binato ko ng kunai sa binti kanina.
Hindi pa man siya nakakailang hakbang ay tumumba na ito, nayari ata ng sniper ko.
Tinitigan ko ang mga shinobing napatumba ko kanina.
Mukhang nakikipaglaro lamang sa akin si Aki.
BINABASA MO ANG
Behind The Past (BTG BOOK 2)
Acción"The war beetween Hara and Venom Organization Ends" - - - - - - Yun ang 'AKALA' nila dahil ang totoong laban - - - - - - 'MAGSISIMULA' palang at sa pagsisimula nito, maraming sekreto mula sa nakaraan ang mabubunyag. Mga masasakit na sikretong hindi...