Part 1

54 0 0
                                    




Dear Mariah and Ariana,

Alam nyo naman para ko na kayong mga anak. Alagaam nyo mga sarili nyo aah, wag puro luho sa mga boylets nyo. Di ako habang buhay nasa tabi nyo. Tanging itong parlor nalang natin yung maipapapana ko sa inyo. Pakabait kayo at wag kayo mag iiwanan. Mag mahalan kayo kasi mahal na mahal ko kayo mga anak ko.

Love,
Mamu

Tok tok tok!!!

"Mamu, gising na po naka handa na kami ni Ariana ng agahan natin"  ang pang gising sakin ni Mariah.

"Pababa na ako beh, uhuhh uhuuhh"  sagot ko naman habang inuubo. Tinupi ko na ang liham na aking sinulat kanina, tinago ko sa aking damitan at saka bumaba.

Ako nga pala Benedicto Asuncion, pero mas kilala ako sa tawag na Mamu Beyonce. 57 years old na ako, may asim pa naman. May sarili akong parlor na syang pinagkakakitaan ko sa pang araw araw.

Kasama ko sa bahay/parlor ang dalawa kong anak anakan si Marlon or mas kilala bilang Mariah at si Adrian o Ariana sa gabi. Mula ng nag dalaga tong mga to ay kinupkop ko na, si Mariah nag layas sa kanila at si Ariana naman ipinaubaya ng kanyang ina sakin na dati kong matalik na kaibigan.

Sa hirap ng buhay ay di sapat ang kinikita ko sa parlor para mapag aral sila kaya't sa kasamaang palad heto at nag ttrabaho na din sila sa parlor ko. Masaya naman ang buhay naming tatlo, puno ng tawanan, pagmamahalan, at pagdadamayan.

Masasabi kong naging makulay ang mundo ko dahil sa kung ano ang meron ako.


Sa hapag kainan

"Mga bakla, dapat hataw tayo ngayon kasi June na. Buwan ng kasalan ngayon. Uhuuuhhh uhuuhh, Yung mga connections nyo dapat sure client yan. Dapat madami tayo makuha na clients. Uhuuhh uhuuuhh" Panimulang bati ko sa kanila.

"Kadire ka Mamu, inuubo ka padin ba?" Tanong ni Ariana

"Ayyy hinde!! Bahing to.. Wala lang to, trinangkaso lang ako kagabi. Naka inom na ako ng gamot." paliwanag ko naman.

"Ay speaking of client Mamu, yung friend ko dati si Jessica, ikakasal daw ung pinsan nya. Nag hahanap daw sila handler at make up artist para sa bride at sa mga bridemaids kaya agad agad binigay ko contact number natin." Masayang pag babalita ni Ariana.

"Maganda yan, sana mapili tayo malaki laki talaga kita pag kasalan, oh sya bilisan nyo na kumain dyan ng makapagsimula na tayo." Saad ko naman.

Sa parlor
>>insert sing and dance while nag gugupit ng buhok, nag pplantsa, nag mmake up.

My mama told me when I was young, "We are all born superstars"
She rolled my hair and put my lipstick on in the glass of her boudoir
"There's nothing wrong with loving who you are"
She said, "'Cause He made you perfect, babe
So hold your head up, girl, and you'll go far"
Listen to me when I say
I'm beautiful in my way 'cause God makes no mistakes
I'm on the right track, baby, I was born this way
Don't hide yourself in regret, just love yourself, and you're set
I'm on the right track, baby, I was born this way (born this way)


Biglang mapuputol ang kantahan dahil sa isang katok

Tok tok tok!!

To be continued......

KALEIDOSCOPE WORLDWhere stories live. Discover now