Chapter 5

7.3K 51 12
                                    

(Nakaraan)

"Its just that, we don't love each other. We even barely know each other. How come na naisip mo na this marriage is a life-long commitment?"

"Let's not talk about this now. It's already late. Isa pa, ikaw ang may dahilan kung bakit hindi ako makatulog." Humiga na ito.

HAAAAAAAAY! Grabe rin to. Sasabihing pag-usapan na tapos sya naman pala ang aayaw. Humiga na rin ako ng biglang nagsalita ulit si Kent. "But I assure you. As long as I am married to you, wala kang magiging problema sa akin pagdating sa mga babae. Hindi ako mangangaliwa. At yung babae kanina, she is my friend."

Whatever. Magrereact pa sana ako sa sinabi nya pero unti unti nang pumikit ang mata ko.

Chapter 5

Tara's POV

Saturday ngayon at hanggang sa ngayon, di pa rin mawala sa isip ko yung pag-uusap namin ni Kent kagabi. 

"Tara, I agreed in this marriage because I believe in a life-long commitment."

Nagulat ako. "What?!"

"Bakit gulat na gulat ka?"

"Its just that, we don't love each other. We even barely know each other. How come na naisip mo na this marriage is a life-long commitment?"

"Let's not talk about this now. It's already late. Isa pa, ikaw ang may dahilan kung bakit hindi ako makatulog." Humiga na ito.

"But I assure you. As long as I am married to you, wala kang magiging problema sa akin pagdating sa mga babae. Hindi ako mangangaliwa. At yung babae kanina, she is my friend."

Life-long commitment. So what does that mean? Wala na talaga akong pag-asa na magkaroon ng pamilya? Napabuntong hininga na lang ako. 

Since it's saturday, nasa bahay lang ako. It is my rest day. Free from work and stress.Kung sa ibang babae, sa malls nakikita yung relaxation nila, ako sa bahay. I stay sa bahay just to experiment and cook recipes from cookbooks, swim sa pool dito sa backyard namin and read novels. Hindi ko alam pero I really find it relaxing. Si Kent, I also think na mas narerelax siya sa bahay than going sa mga bars o kung san man. Kasi kapag saturday, he also stays at home.

Nagpunta ako sa kusina dahil nasa mood ako na magluto. "Manang, ako nalang muna po ang magluluto."

"Ah, o sige iha. Maglilinis muna ako sa taas." Akmang aalis na si Manang pero nagsalita pa ulit ito. "Iha, lutuin ulit yung adobo mo. Sarap na sarap dun si Kent. Hinahanap nga nya yun nung isang araw."

"Ganun po ba? Sige po." Ngumiti ako sa kanya.

Si Manang Lourdes ay yaya ni Kent simula pa pagkabata. Malapit talaga ang loob nito kay Kent kaya nung naging mag-asawa na kami, si Manang na din ang kinuha ni Kent na maging kasama namin sa bahay. Sya rin ang nakakaalam ng tunay naming sitwasyon, kasi nga kasama namin sya dito sa bahay.

Oo, natuwa ako. Natuwa ako na naappreciate pala ni Kent yung mga luto ko. Honestly, yung adobo na sinasabi ni Manang kanina ay turo pa ng lola ko. Never kong naisip na magugustuhan niya yun. I smiled with the thought. 

Umaamoy na yung adobo na ginagawa ko. Nag-iintay nalang ako na maluto pa ito.

"So ikaw pala yung nagluto nun."

Napalingon ako sa likod ko at nakita kong nakasandal si Kent sa doorway ng kusina. "Naamoy mo ba kaya ka napapunta dito?" Ngumiti ako.

Lumapit ito at sinilip ang niluluto ko. "Oo e. Pinapaluto ko kay yaya yang adobo nung isang araw. Kaso hindi naman niya niluto. Kaya pala hindi nya niluto kasi hindi naman sya ang nagluto nung adobo na kinain ko in the first place."

"Haha. Hindi mo naman sinabi. Di sana, napagluto kita."

Tumingin at ngumiti ito sa akin. Kitang kita yung tuwa sa mata niya. "Talaga? Ipagluluto mo ko kung sinabi ko sayo?"

Napatawa naman ako sa sinabi nya sa akin. "Hahahaha."

"Hm? May nakakatawa ba?"

"E kasi, para kang bata na nasabihan na ibibili ng laruan."

Nag-iwas ito ng tingin na para bang nahiya. Cute. "Hindi naman sa ganun."

"Hahahahahaha." Mas lalo akong natawa sa reaksyon niya.

Nangunot ang noo nito. "Pwede bang wag mo akong tawanan?"

"Haha. Pasensya na. Haha. Ganun mo talaga kagusto ng adobo Mr. Montenegro? Hahaha."

"Hindi. I don't like adobo lang. Ang gusto ko, adobo mo, adobong niluto mo Mrs. Montenegro. Kasi nung natikman ko yung adobo mo, bigla ko ng ginustong kumain ng adobo."

What a compliment. Sweet. May ganito pala tong side. I smiled. "Talaga lang ha. Pero It would be better kung maghain ka na para makakain na tayo."

"Okay." He smiled. Kumuha ito ng pinggan at lumabas ng kusina.

Pinatay ko na yung kalan at inilagay na sa lalagyan ang adobo. First genuine smile, first talk about something na hindi related sa work, first compliment dahil lang sa adobo. Ngumiti ako. Then, totoo nga yung quote na.. A way to a man's heart is through his stomach. 

MABUHAY ANG ADOBO! Hahaha. 

Please, Vote, Comment, Become a fan and Recommend! :D

EVERYTHING ARRANGED [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon