Kasama ko ngayon ang dalawa kong alalay, Si Veniece at Sheena.
"Aray!" Batukan daw ba ako nung dalawa!
"Anong alalay ka dyan?!" sigaw nila sakin.
"Joke lang eh!" Sabi ko.
So ayun kasama ko nga ang dalawa kong Magandang Best friend. Tinignan ko sila Sheena at Veniece na nag hawi ng buhok at ngumiti. Yung totoo? Nababasa ba nila nasa isip ko? Psh.
"Oo nga pala, girls. Punta tayo kay Dianna." Sabi ko.
"Who's Dianna?" Tanong ni Sheena.
"Si Mrs. Denoff." Sabay naming sabi ni Veniece.
"Oh, yon pala ang pangalan niya." Sabi ni Sheena.
"May pag lalaruan tayo todaaay!" Masiglang sabi ko.
"Sino?" they asked.
"I don't know her name eh. But nakita ko ang kaniyang ID kahapon, it's green so freshman siya." Sabi ko.
"Tara na at hanapin si Freshman girl!" Sabi ni Sheena at nag marcha na papunta sa office ni Dianna.
Nag punta na kami sa office niya hindi na naman siya nagulat dahil naging tambayan na namin ang GC Office. Pagka-pasok ko ay nag salita agad ako.
"I want the freshman's portfolio, Dianna. Now." I said.
Agad naman niyang kinuha yon at binigay sakin. Akala ng babaeng yon hindi ko siya matatandaan. Kinalat ko ang mga papel sa sahig at inisa-isang tignan yon. Hindi naman ako nahirapang hanapin siya.
Elyza Calatin, Nice name. But she doesn't have a nice attitude nor a nice face. Ew. How unlucky.
"I found her. Tara na sa section Elite." Sabi ko, inayos ko muna ang kinalat ko bago lumabas ng GCO.
Nag tinginan nanaman ang mga tao ng pumunta kami sa Freshman building, I never go here. Mga bata kasi tong mga to. First year college palang pala siya, Kick out ko kaya? Ay, wag na nga.
"Ito Meggy! Section Elite." Sabi ni Sheena.
Ang iba ay nag labas ng kani-kaniyang camera para picturan kami at videohan. Tsk, ang ganda ko — okay fine, Namin!
Walang sabi-sabing pumasok ako ng class room nila, kaka-dismiss lang pala ng isa nilang professor.
Nagulat ang mga nasa section Elite.
"Where's Elyza Calatin?" Tanong ni Veniece.
"N-nasa CR po, Lady Veniece!" Sigaw nung isa.
Aba! Mukang fan ni Veniece to ah. Cool, Lady Veniece. Bagay na bagay sa elegante kong kaibigan. Siniko ko si Veniece.
"Oh ayan, alam mo na tawag sayo ng mga fans mo? Ang royalty natin." Bulong ko sakaniya sabay tawa.
"Natae ba siya sa loob!? Ang tagal niya lumabas ha!?" Sigaw ni Sheena.
"Kakatukin na po namin, Princess Sheena." Sabi naman nung babaeng violet ang hair.
Wait, did I agreed that they can dye their hair with those kind of colors? Hm. Guess I did.
Maya-maya lang lumabas na ang impakta sa banyo. Nagulat siya ng makita kaming naka-tayo malapit sa upuan niya. Hawak hawak ko na ang gamit niya.
"A-anong ginagawa niyo dito?" Tanong niya.
"Ano sa tingin mo?" Inis na tanong ni Sheena. Nababadtrip na si Sheena.
Hindi siya naka pag salita, nang mapansin niyang hawak ko ang bag niya, kukunin niya sana ng ilayo ko yon.
BINABASA MO ANG
Seducing Professor Alistair
Любовные романыMegan Nicholson is known as a Bitch Whore Slut Relationship Wrecker Or whatever they may match to her name. Yes she is a bitch, sometimes she doesn't care about other people's feelings. She make their lives a living hell just for her own benefit - j...