Chapter Two

1.5K 15 0
                                    

Maagang pumasok si Megan sa kaniyang eskwelahan. Bulungan agad ng mga tao ang bumungad sakaniya. Pathetic people. Walang magawa sa buhay nila.

"Noong isang araw, nakipag break daw siya sa heartthrob ng Franz University na si Carlo Marasigan!" Sabi ng isang babae.

"Talaga?! Tapos ngayon kay Chester naman siya!" Ani naman ng isa pang babae.

"Ang sabi ng iba. Naging sila daw noon. Mukang pineperahan niya si Chester." Sabat naman ng isa pa.

Sa sinabing yon ng babae ay napataas ang isang kilay niya. Siya? Pineperahan ang isang lalaki?! Like, duh!

Ako? Peperahan si Chester?! Bilihin ko kaya kayo dyan! Ani Megan sakaniyang isip.

Sakaniyang pagka inis sa mga inggetera, mas lalo siyang dumikit kay Chester.

"Dear, let's go." Ani Megan.

"Buti naman at pinapansin mo na ulit ako, Meg." Ani Chester at nag lakad sila sa mataong hallway.

Nginitian niya iyo. Chester Reiner is one of her friends, and yes, he likes her like anybody else, just like the guys who chase her and yes again, he became her boyfriend two years ago. But he's too kind for her that's why she broke up with him. He is like a brother to her. Hindi niya kayang makitang masaktan ito ng dahil sakaniya. She knows him since sixth grade. Isa rin si Chester sa kaibigan ni Veniece.

"Ches, you know me. I just gave you time to move on. You're my friend, Ches. I can never hurt you." Aniya at nginitian ito.

"Well, you just did." Anito sa malamig na tono.

Tinignan niya ito ng seryoso. He was looking at her emotionless.

"Chester..." Halos pabulong niyang wika at napabitaw sa braso nito.

"Two years ago!" Anito at tumawa ng malakas.

Hinampas niya ito sa braso.

"Chester!" Inis na wika niya.

"Gotcha! That's a part of the past now. It's been two years. Thanks for the time you gave me. It helped me recover." Ngumiti ito at hinalikan siya sa gilid ng kaniyang labi.

Napa-nguso siya. Sanay na siyang hinahalikan. Minsan nga'y mayroon pang lalaki na bigla na lamang susulpot at bigla siyang hahalikan. Kaya nga lagi na siyang may dalang toothbrush, toothpaste at mouth wash. Halos lahat ng kalalakihan ay nahuhumaling sakaniya. She's one of the most gorgeous models in America for pete's sake!

"PDA!" Untag ng isang boses ng babae.

Sabay silang lumingon.

"Public Display of Affection is not allowed here Ms. Nicholson and Mr. Reiner." Pormal na wika ni Veniece ngunit may bahid ng panunukso ang ngiti.

Tumawa na lamang ang dalawa at hinila si Veniece papunta sa kanilang silid. Nag iba na ng direksyon si Chester dahil iba ang kurso nito.

"Nakita niyo na ba yung bagong Prof?! Grabe sobrang hot!"

"Oo, nakasalubong ko kanina sa hallway! Nginitian pa ako!"

"Makalaglag panty friends!"

"With just his smile I think I'm gonna cum!"

Tumili ang apat na babae na nakaharang sa tapat ng pintuan ng classroom nila.

Tumikhim si Megan at nag salita.

"Excuse me, pwede bang sa banyo niyo na ituloy yang kalandian niyo? Muka kasing malapit na din kayong mag orgasm. Ayokong may kung anong puti ang papatak sa pintuang papasukan ko." Mataray na sabi ni Megan.

Seducing Professor AlistairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon