→Leaving←

23 1 0
                                    

Janella's P.O.V

"May isang oras nalang bago ka umalis, Bebs...any last statements?" Biro ni Chloe sa best friend niyang si Salvie.

"Maka-'LAST STATEMENTS', para naman akong mamamatay, Bebs." Pakikisabay ni Salvie sa best friend niya.

Ito ata yung unang pagkakataon na malalayo sila sa isa't isa simula nung naging best friends sila. Well, except-' wag nalang nating pag-usapan yun.

"Heh!! Yan ka, eh! Hilig mong mang-iwan. Simula grade one nung iniwan mo'ko sa canteen. Grade two nung mas pinili mo yung isang girl kesa sakin. Grade three nung iniwan mo'ko kay crush. Grade four nung lagi kang may kasamang iba tuwing break time. Grade five nung hindi mo'ko pinagtatanggol sa mga kaaway ko. Grade six nung ilang araw kang hindi sumasama samin. Freshman year nung malapit niyo 'kong iwan mall. Sophomore year yung iniwan niyo 'kong kumakain. Junior year nung pinabayaan mo si Patrice na paglaruan ako habang natutulog. Senior year nung may pinagpractisan kayo tsaka ako lang yung wala. Hanggang ngayon ba namang tumigil na tayo ng isang taon sa pag-aaral??" Singhal niya na ikinabigla namin.

Eehh??

"Naaalala mo pa yun?!" Nasorpresang tanong ni Cryz.

"Uh, yeah. Duh!! Brain, where art though??" Pang-iinis ni Cryz.

Wow. It's been years since those memories happened. Grade three kasi nung nabuo ang grupo pero ilang beses din 'tong muntik magkabuwag-buwag. 8 years na simula yung araw na naging magkakaibigan kaming lahat. Pero bago kami nabuo ay may sari-sarili talaga kaming kaibigan.

>Flashback<

"Shut up!!! Ang iingay, eh!!! Kala mo nasa palengke!! This is exactly why most of our teachers walk out on us!!" The girl with straight, long hair screamed at the top of her lungs a few minutes after our teacher walked out from our class.

I don't care who she is. She's annoying. She thinks she's the queen and she can control us by shouting whatsoever.

"Why don't you do that yourself? I hope you realized na walang tulong ang pagsigaw mo and it only makes the room more noisy than it already is." Reklamo ko sa kanya.

Sumusobra na siya, eh. Lagi nalang siyang naglilitanya dito sa room namin. Araw araw pa nga, eh.

"Aba!! Sumasagot ka na ngayon?? Bakit?? Sino ka ba??" She asked me while pinanlalakihan ako ng mata.

"Ikaw?? Sino ka ba?? You're only a grade three student gaya ko, kaya wala kang karapatang sermonan kami. You're not the principal of this school a'right?? Hindi ka nga kaano-ano ng may-ari ng school na 'to, eh." I answered her again.

"Guys stop it. Pinagtitinginan na kayo." Pagpipigil samin ng kaklase naming si Angelica.

"Bakit? Gusto mong makisali??" Pabalang na tanong sa kanya ni Chloe.

Tsk. This girl.

"Chloe, hindi naman ata tama ang sinabi mo." Sita sa kanya ng isa pa naming kaklaseng si Cryz.

"Pabayaan mo sila, Dominic. Away nila 'yan. 'Wag kang papansin." Sabat naman ni Patrice mula sa gilid ni Chloe.

"What's the fuss all about?? Pareho namang may tama ang magkabilang side ng story." Napalingon kami kay Marielle na nagsusulat ng notes.

"Bakit ka rin nakikisali???" Pagtaas ng kilay sa kanya ni Angelica. Our groups, don't really merge well.

Pain In DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon