My Kind Of Relationship Goals Part 1
I blinked twice and then blinked again habang naka titig sa dalawang taong nasa kabilang upuan ko na nag lalaswaan. Che! Ang haharot kahit nasa public! Ginawa na talaga nilang liberal ang pilipinas ano? Umiling lang ako sa naiisip and I get my wallet on my shoulder bag para makapag bayad na sa sinakyan kong jeep.
Im heading home now. Excited na akong makita ulit siya.
Ang 'siya' na tinutukoy ko ay yung aking munting isda na nag-iisa lang sa kanyang munting palasyo o aquarium. Di talaga ako masayadong mahilig sa isda pero nang dahil lang dun sa crush-Ay este! kaibigan ko pagkabata simula nang niregaluhan niya ako nang isang maliit na parang kamukha lang ni nemo kaya napalapit na rin ang loob ko sa isda. Siguro gutom na yun pero sana pinakain siya ni mama.
Sumimangot ako dahil naalala ko na naman yung mga kabaliwan ko nung I was still in highschool. Talaga bang ang kabalawian? Or someone? Tch Stupid thoughts.
"Manong para" sabi ko kay manong driver at ipinarada muna niya ang jeep atsaka ako bumaba.
Pero bago ako tumayo para bababa tinignan ko muna yung dalawang naghaharotan parin sa harapan ko. Nahalata naman nung babae kaya napahinto sila at taas kilay syang nakatingin sakin.
"Nasa pilipinas tayo kung naaalala nyo. At liberal ang pilipinas bawal na bawal ang PDA sa public. Hindi ito Amerika paki ayos lang nang ginagawa nyo" sabi ko at mistulang naka nganga lang yung dalawa nang makababa na ako. Tinignan ko ulit silang dalawa at nakayuko na ito. Tch such a stupid bitch
To tell you frankly, strikta ako. Minsan ata? or always hehe kaya walang nag balak na ligawan ako nung highschool days kasi sa bukod sa ka pangitan ko nun ang strikta ko pa. Pero Oo nga meron namang nagka gusto, pero trip2 lang pala yun. Ako namang umaasa? Ito hanggang ngayun ang tanga-tanga! Umaasa parin na sana someday we will meet again na kahit in a coincidence way at yung hindi na plinano. Pero di na parehas nung una. I'll change everything.
Naglakad na ako papunta sa eskinita sa amin. Malayo pa yung bahay namin kapag galing ka nang highway kailangan mo pang magsakay nang motor or tricycle para makarating pero sa dahil na nagtitipid na naman ako, maglalakad nalang ako di naman mainit ee kasi gabi na naman.
Sinalubong ako ni mama at nag mano naman ako sa kanya tas nag hug. Close kami ni mama actually. Aside from being my mother, she is also my dearest bestfriend.
"Kumain kana anak, naghain na ako nandun sa lamesa" anya ni mama na napakunot nang noo ko.
"Ako lang? Tapos ka nang kumain ma?" Sunod-Sunod kong tanong.
"Oo nak, sinabayan ako ni Mathew" Mama said and iniwas ang tingin at dumiretso sa kanyang kwarto. Papasok na sana siya nang nagsalita pa ulit ako.
"He's h-here??"
Di ako makapaniwalang bumisita talaga siya dito matapos nang ginawa niya sakin. Porke't katulong yung mama ko sa kanila noon for almost 20 years.
Yeah simula pagka bata ni Mathew siya na nag-aalaga nito and dahil kasi malapitin si mama sa mga bagay, hayop o tao kaya close narin sila ni mathew pero pagkatapos nang ma dramang nangyari sakin. Sinabi ko naman sa inyo diba nga close kami ni mama.
Kinuwento ko sa kanya na pinagtripan ako ni Mathew at kaya di siya makapaniwala. She decided to resign kahit anong pilit nang pamilya ni mathew nagmatigas si mama. At hanggang ngayon naghahabol parin ang mga pamilya ni mathew kasi si mama ang pinaka matagal na katulong sa kanila.
