My Kind Of Relationship -Part 5
This is it. This is really it. Ba't parang excited na akong bumalik nang manila? 1 day lang naman ako dun atsaka wala akong balak magtagal run kasi ew its so gross. Makikita ko ang pagmumukha nang dalawa.
"Ma, are you sure you won't come?" I asked mama nang makababa na ako dala ang maliit na aking maleta.
"Oo naman anak. Tsaka di ka naman magtatagal dun diba?" Mama ask with a worried face
"Oo naman mama nu! Pagkatapos ko silang sabunutan at ipakain sa leon! Uuwi na ako rito!" Galit kong sabi habang naka cross arms.
Pero bigla lang nag smile si mama. Yung smile na parang sinusuyo niya ako.
"Mag-ingat ka anak. Baka sarili mo ang masabunutan mo" Mama said at tumawa pa habang pumunta nang kwarto niya at naiwan naman ako dun with a big question mark on my face! What was that for???
Bumalik si mama nang may dala-dalang paper bag. Tinignan ko lang siya nang naka kunot ang noo ko.
"Mag promise ka sakin na di mo bubuksan ito hangga't walang go signal. Okay?" Tumango tango lang ako na walang alam sa sinasabi ni mama at inabot ko naman kaagad ito.
"Ma, I have to go" I kissed her in her cheek ang give her a tight hug. "Wag ka masyadong mamiss sakin kasi babalik agad ako" hinimas-himas ko yung likod niya at ganun rin siya sa akin.
"Oo sige anak gora na at my show pa mamaya!" Sabi ni mama nang humiwalay sya sa pagkakayakap sakin at parang masaya pa na may show mamaya.
Oo nga pala sinabi ko na kay mama ang lahat. And Im very thankful na sa kabila nang problema binibigyan parin niya ako nang mga positive things o advice.
After Mary's flight
I decided to go to restaurant muna. Nagugutom na kasi ako. 9am ang call time nang pagkikita namin pero dahil ako ang main villain nila I want to be late arriver. Gusto ko nandun na sila lahat at pag dating ko bonggang-bonggang expression ang makikita ko.
I'm just wearing a simple black halter dress. Sinadya ko talagang mag black kasi kunwari lamay ang pupuntahan ko. Tch Im so bad na talaga ha-ha-ha
Nagpara na ako nang taxi at sinabi ang lugar nang restaurant kung san ako kakain. Dun nalang sa mas malapit kina mathew para di na ako matagalan pa.
Nang makarating ako nang restaurant. Someone lead me the way. Clerk ata to and pinaupo na niya ako sa isang bakanteng lamesa.
"May kasama ka po ba mam?" She asked
"No, I'm single" I said trying to smile at her sweetly
"Ah okay sige po. Here's the menu mam" Inabot niya sakin ang menu at nag order na ako.
Dumating naman kaagad ang ino-order ko and this is a good view. Nasa kabila ko lang ang bahay nila mathew. Makikita ko kahit ang malawak na park nila na nasa loob lang nang gate. But wala akong nakita kahit isa sa mga kaibigan ko. Kaibigan nga ba talaga???
I finished my food. And check the time. It's almost 11am na. 8am kasi ang flight ko and I think I should better go now.
Kampante akong naglakad papunta kina mathew habang dala-dala ang maliit kong maleta. Nang nasa tapat na ako nang gate nila. Mag do-doorbell na sana ako pero mas mabuting pumasok nalang ako.
Naglakad nalang ako papasok sa kanila. Huminga muna ako nang malalim nang nasa tapat na ako nang pintuan. Ipipihit ko na sana ang door knob when I heard a familiar voice at my back. At nagsitayuan naman ang balahibo ko.
