Dumating na ang araw na hinihintay nina Mathew at Mary. Ang kanilang kasal.
A week before their make love. Napag desisyonan na nilang magpakasal. Masaya ang lahat na dumadalo sa simbahan.
Nandun rin ang mama ni Mary. Sumunod ang kanyang mama sa manila 3days after nung dumating si mary sa manila. Babalik narin sa mansyon ang ina ni mary biological mom. Dahil gusto rin niyang mapalapit pa ang loob nang kanyang ina sa kanyang mother-in-law.
Sa isang taong pag tatrabaho ni mathew sa states. Nakapag-ipon narin siya nang malaki at sikretong nagpatayo nang bahay na malapit lang naman sa kanila para sa kanilang dalawa ni mary.
Masaya ang mga taong dumadalo nang nag umpisa nang mag martsa si mary papunta sa harap nang altar. Ang kanyang escort ay ang kanyang ina na umiyak-iyak na sa saya. Sinaway naman ito ni mary na baka daw pumangit pag iiyak ang kanyang ina.
"Yung binigay ko sayo ha gamitin mo mamaya" at nag wink ang kanyang ina. Di agad na gets ni mary kasi may pagka slow rin minsan to. At napagtanto niya yung binigay sa kanyang ina yung paper bag. Shocks! Yun pala ang laman nun! Sabi ni mary sa kanyang isip.
Sa isipan naman ni mathew. Ang saya-saya niya dahil ang matagal na niyang pangarap na babae ay ngayun pakakasalan na niya. Matagal nang may gusto si mathew kay mary. Nung una palang itong pumunta sa kanilang mansyon. Parang nabubulol siya pag nasa harapan niya ito.
Pag nakasalubong naman niya. Iiwas siya nang tingin. Walang lalabas na kahit isang Hi man lang sa bibig niya kaya pag di na niya nakita si mary sasabunutan niya ang kanyang sarili.
Nung nag highschool na sila graduating na sila nun. Namalayan ni mathew na parang di na niya masyadong nakikita si mary na pumupunta sa kanilang mansyon. Wala man lang kasi siyang lakas na loob na tanungin ang kanyang yaya mel dahil sa hiya.
Kaya hinintay nalang niya ang kanyang birthday. The day on his birthday wala paring mary na pumunta sa kanila kay naglakas na siya nang loob na tanungin ang kanyang yaya mel.
"Yaya nasan po ba si mary?"
Tanong niya sa kanyang yaya mel na naka kunot ang noo. Bahagya namang nagulat ang kanyang yaya mel dahil di naman niya nakitang close sila sa kanyang anak. Ni hindi nga niya nakitang nag-uusap ito. Binago ni mathew ang kanyang reaksyon dahil nahalata niyang parang nagulat sa kanya si yaya mel.
"Ah I mean po di ko na kasi siya nakikita na pumupunta rito ee" napakamot siya sa kanyang ulo na parang nahihiya pa.
Nagsmile lang sa kanya si yaya mel at may kinuha sa kanyang bulsa. Dinial ni yaya mel ang number nang kanyang anak at tinawagan ito. Bahagya namang napangiti si mathew nang may sumagot sa kabilang linya.
"Hello ma?" Kinikilig si mathew nang marinig ang mala anghel na boses ni mary
"Asan ka anak, birthday ni Mathew di mo ba alam?"
Hinintay ni mathew yung sagot ni mary habang nakikinig lang sa kabilang linya dahil ni loud speaker din naman ito ni yaya mel . "Anak?" Pagtawag ni yaya mel sa kanya ulit.
"May ginagawa pa po kasi ako ma next time nalang po ah? Bye~"
"Pero nak-" naputol na ni yaya mel ang sasabihin niya dahil ini-off bigla ni mary ang kanilang tawag.
Lumingon si yaya mel kay mathew at nakita niya itong malungkot ang mukha nang binatilyo nang dahil sa narinig.
"Mathew? Gusto mo ba ang anak ko?" Napa angat nang ulo si mathew nang marinig niya ang tanong ni yaya mel. Namula ang pisngi nito kaya nag smile lang si yaya mel sa kanya.
"Hmm gusto mo nga" nakangiting sabi ni yaya mel sa kanya.
"H-hindi p-po!" Pag rarason ni mathew dahilan na mas namumula ang pisngi nito. Pero di naniwala sa kanya si yaya mel. Tinap nalang nito ang kanyang ulo at sinabihan nang "Happy birthday" atsaka dumiretso na nang kusina.
Bumalik na sa isipan si mathew nang makita niyang papalapit na ang kanyang pinaka mamahal na asawa. Nabighani ito sa ganda ni mary. Lalo lang kasing gumanda ang dalaga nang inayosan ito nang magarang gown at nilagyan nang light make-up. Hindi niya maiwasang ngumiti. Dahil ang swerte-swerte niya kay mary. Dahil ang sarap magmahal.
Nang ibinigay na ni yaya mel ang kamay nang kanyang anak ay inabot naman kaagad ito ni mathew. Excited nga talaga siya.
After their vows and commitment sa isat-isa. And the priest said "You may kiss the bride"
Nagka titigan muna ang dalawang bagong kasal at ngumiti at unti -unting lumapit si mathew kay mary at itinapat niya ang labi nito sa kanyang asawa. It was just a quick kiss. At kinilig na naman si mary dahil sa hiyawan at palakpakan pagkatapos siyang hinalikan ni mathew.
The bride and the groom ay nakangiti na lumabas nang simbahan na parang kinikilig na parang bagong magsyota.
Si joshua? Nagpakamatay na. Di joke. Nagka syota na siya. Wag nyo nang pansinin yun. Hahaha sorna
THE END.
