017

178 8 0
                                    



"Gusto mong pumasok ngayon?" tanong ni Sese sakin.

"Saka na. Mainit pa yung issue eh."

"Alam mo walang mangyayari kung tatakas ka lang sa problema." pangaral niya sa akin. "Sinasabi ko to sayo kasi ako mismo naranasan ko yan. Ganyan din ginawa ko ng naramdaman kong mahal kita bilang babae."

"Tungkol dyan, Sese, -"

"Alam ko. Hindi mo ko mahal." malungkot niyang sabi. "Matagal ko ng alam simula ng magkita ulit tayo sa school. Alam kong si Jungkook ang mahal mo. Masakit pero kailangan kong tanggapin."

"Ganito ba talaga pag nagmamahal? Kailngan masaktan?" tanong ko sa kanya.

"Eri, kapag nagmahal ka hindi puro saya. Yung pain, yung dahilan para maging matatag ka. You can never call it love if you don't experience the pain."

"Then I don't want to experience love if its painful."arte ko kay Sese.

"Eri hindi lahat ng panahon masaya ka. Tulad sa panahon, di laging maaraw. May panahon talagang uulan. Pero sa kabila nun alam mong darating din yung araw pagkatapos. Ganoon ang pag-ibig Eri. Alam mo pagkatapos ng sakit, dadating yung araw na mawawala yun at sasaya ka ulit"

"I'm pathetic now. Nagdadrama ako tungkol dito at nalimutan ko pang ako ang dahilan kung bakit na-experience mo ang pain ng love."

"Don't be hard on yourself. I choose to confess so its also my choice to accept the pain. I'm your childhood friend before I fall in love with you. Give me time after this we can continue being friends again." sabi niya sakin para di ako ma-guilty.

"Pero-"

"Don't think about it. You need me as s friend. Just focus on how will you explain to him about the picture."

"Gusto ko naman talaga I-explain pero ito kasing si Kookie ayaw makinig. Nag-inarte pa kasi."

"Nasakatan nga kasi. Ang sweet kasi ng kuha natin sa picture." asar sakin.

"Sese!"

"Eri!" gaya niya sakin. Dahil doon napangiti ako. Di man full smile at least medyo nakangiti na ko.

"Salamat." medyo magaan ang pakiramdam ko bago ako matulog.





"Hoy! Gising na may klase ka pa. Nawiwili kang umabsent ah." panggigising sakin ni Sese.

"Inaantok pa ko." sabay talukbong.

"Hindi pwede yan. Nag-cutting ka na nga. Dadamihan mo pa yung absent mo. Masisira yung record mo as a Top student."

"Tinatamad ako." pagdadahilan ko.

"Di pwede. Nahahawa ka na sa katamaran ko kaya ngayon pa lang itigil mo na."

Wala na kong nagawa ng hinatid niya ko sa school.

"Ilang araw ka ding absent. Anong idadahilan mo bakit ka wala sa school?"

"Sasabihin ko kinidnap mo ko."

"Masamang magsinugaling." sabi niya. "Handa ka na bang makita siya?"

"Ewan." sagot ko.

"Napakatino talaga ng mga sagot mo." reklamo niya sakin.


Late na ko. Kasi naman to naisipan pang mag-drive thru. At di lang yun bumalik pa kami dun sa isang branch ng fast food chain na sobrang layo. Ang dahilan niya, mas gusto niya daw sa branch na yun. Di niya daw feel yung sa ibang branch.

"Kelan ka pa natutong mag-inarte?" tanong ko.

"Galit ka na niyan? Eh sa gusto ko dun sa branch na yun." explain niya.

"Sese naman kasi parehas lang yung tinda ng lahat ng branch."

"Basta." sabi niya to end the topic. "Andito na tayo."

"Di ko naman na kasi kailangan ihatid." paliwanag ko. Lagi na lang kasi ako hinahatid papuntang room.

"Basta. Huwag ka na nga lang makulit."

"Kasi naman malaki na ko."

"Sinabi ko bang hindi?" tignan mo to nam-bully na naman.

"Sumbong kita kina oppa."

"Samahan pati kina hyung eh."



"Teka lang di diyan daan papuntang classroom ko. Sa kabila dapat."

"Samahan mo muna ako sa auditorium."

"Ano ba?! Late na nga ako."

"Minsan na nga lang ako bumisita dito di mo pa ko pagbibigyan."

"Sese!"sigaw ko sa kanya. Nahihighblood ako dito.

"Siga na Eri." pilit niya. No choice ako kasi late na rin naman ako sa second subject ko.

"Wait may something ata. Huwag na tayong tumuloy." pagpigil ko sa kanya.

"Tignan natin. Naeexcite akong makita."

"Di tayo pwede dyan. Baka mapagalitan tayo." pero ayaw magpapigil at talagang hinatak ako sa loob.

"Look Eri, there's no one here." sabay turo sa paligid.

"Baka mamaya pa yung event. Alis na tayo." yaya ko.

"No you stay here." sabi niya. "You will thank me after this."

"Huh?"

"Riri." isa lang tumatawag sakin ng ganyan. Paglingon ko andun siya.

"Kookie." pagtawag ko sa kanya ngumiti siya.

"Ibabalik ko na ulit siya. Walang kulang diyan. Sa susunod na saktan at paiyakin mo pa yan, di ko na siya ibabalik." matapang na sabi ni Sese kay Kookie.

"Salamat. Saka sinong may sabing sasaktan at paiiyakin ko yan." matapang din nitong sagot.

"Siguraduhin mo lang. Di mo na talaga makikita yan kapag nagkataon."

"Di nga. Ang kulit nito. Pwede ka ng umalis." aba maka-utos to eh mas matanda kaya si Sese sa kanya.

"Tsk. Exctited much?!" angal ni Sese sa tabi ko. "Eri call me if he hurt you again and I'll hide you away from him." sabay kiss sa noo ko.

"Kelangan may halik?" angal naman ni Kookie.

"Tama na reklamo mo. Aalis na ko, gawin mo na yung plano mo." at tuluyan na niya kong iniwan kasama si Kookie.

Falling for Mrs. Jeon JungkookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon