02

559 15 0
                                    



"Maknae! Uwian na." paalala sakin ni Namjoon hyung. "Masyado kang nawiwiling tumambay dito sa lugar natin. May inuuwian ka sa bahay mo."

"Makapagsabi ng ganyan. Ikaw rin naman may inuuwian ah." sigaw ni Hosoek hyung sa kabilang side ng tambayan namin.

"Sasabat ka pa eh!" saway ni Seokjin hyung. "Lahat tayo may inuuwian. Tandaaan mo lahat tayo pinakasal ng mga magulang natin."

"Ikaw lang naman ang bukal ang loob ng nangyari yun." pagdadahilan ni Jimin hyung. "Hayaan mo kung ayaw niya umuwi. Huwag mo kaming itulad sayo."

"Yah! Tumigil na kayo." pag-aawat ni Yoongi hyung. "Taehyung, pakitulungan na yan at ng makuwi na tayo."

"Jungkook, bilis gusto ko ng magpahinga." pagmamadali sakin ni Taehyung hyung. "Saka aasarin ko pa yung asawa ko sa bahay."

"Lumabas din yung gusto mo hyung." sabi ko. "Bakit kasi naisipan pa tong kasal na to eh. Imbis na wala akong iniisip na may naghihintay sakin."

"Maknae, awat na." pagtitigil sakin ni Namjoon hyung. "Andyan na yung mga sundo natin. Tandaan niyo maaga pa tayo bukas."





"Andito na ko." sabi ko ng maka-uwi na ko sa bahay. Sa iisang village lang kami nakatira nila hyung. "Jungkook." Paakyat na ko sa taas ng tinawag ako ng asawa ko.

"Bakit?" sagot ko.

"Nakahanda na yung pagkain." sabi niya. "Kumain ka muna bago ka umakyat."

"Kung luto mo lang din huwag na, Yeri."

"Di ako nagluto niyan, yung mama mo." sabi niya sabay pasok sa kwarto niya.

Sa babang kwarto nalalagi si Yeri at sa taas naman ako. Simula pa lang na sinabi sa iisang bahay kami magsasama, sinabihan ko na siya na di siya pwede sa kwarto ko. Kaya laking gulat ko na lang after one-week yung bodega sa baba, naging kwarto na niya. Kumakain na ko ng biglang tumawag sakin si mama.

"Hello ma. Bakit ka napatawag?"

"Itatanong ko lang kung naka-uwi ka na. Kasi ng bumisita ako diyan ay wala ka pa. Nasabi sakin ni Yeri na may ginagawa ka pa school."

"Oo ma. Nagpatulong pa ko kina hyung kasi sila lang nakaka-alam nun kaya kakauwi ko lang."

"O sige kumain ka na diyan. Saka nga pala anak, di pa rin ba kayo nagpapansinan ng maayos ni Yeri?"

"Ma, pag-uusapan pa ba natin ulit to?"

"Kasi anak naman-"

"Ma kasal na ko sa kanya kasi sinunod ko kayo. Huwag na kayong mag-expect ng iba. Malabong mangyari yun. Bye na." Nawalan na ko ng gana.


"Yeri!" sigaw sa labas ng pintuan niya. "Yeri, labas ka muna. May sasabihin lang ako."

"Bakit?"

"Ano na naman sinabi mo kay mama?"

"Wala. Sinabi ko lang na sa papel lang tayo kasal at di tayo magkakasundo kahit anong gawin niyang pagpipilit."

Aba at talagang sinarhan pa ko ng pintuan. Bakit ba kasi si Yeri pa napili nilang ikasal sakit. Dapat yung katulad ni Seo Eun noona para naman kahit papaano friends kami. Makagawa na nga lang ng assignment kasi panigurado mamaya mangungulit na naman sa conference call ang mga hyung ko.




Maaga akong nagising kaya naman pinili ko na lang na pumunta na sa school. "Yeri! Mauuna na ko. Paki-lock ang bahay." bilin ko bago ako umalis. Nagulat nga ako kasi di siya sumagot. Dati rati kasi makaririnig ka ng oo kapag aalis na ko. Laging ganyan ang usapan sa loob ng bahay. "Buti naman maaga kayo hyung."

"Paano may nangulit kasi samin na gumising na." sagot ni Taehyung hyung. "Nahiya naman kasi kami at tunog ng tunog yung cellphone namin. Nahiya tuloy ako kay Hyun kasi di kami sabay. Panira ka talaga ng diskarte maknae."

"As if naman kasing papansinin ka ng asawa mo Taehyung." sabat ni Hoseok hyung. "Di nga tinatablan yung ng mga panlaladi mo."

"Kapag na-inlove sakin yun, di ka invited sa kasal namin."

"Kasal na nga, magpapatali ka ulit?" sabi ni Jimin hyung. "Di ka nagsasawa sa kanya."

"Bakit di mo kasing subukan kaibiganin yung asawa mo Jimin?" tanong ni Jin hyung. "At di ka nagagalit kapag ang usapan ay tungkol sa kasal at asawa."

"Milagro yan hyung!" natatawang sagot ni Namjoon hyung sa kanya. "Kapag nangyari yun para mo na rin sinabing tumangkad siya."

"Bakit kasi di mo subukan?" tanong ni yoongi hyung. "Malay mo maging masaya ka."

"Di naman kasi lahat nadadaan sa init ng ulo." paalala ni Seokjin hyung. "Asawa mo siya kahit anong mangyari."

Nakabusangot buong byahe si Jimin hyung. Napa-isip di ako. Bakit nga di ko subukan yung mga sinabi nila hyung. Pero kasi friends? Eh wala nga kong kinakausap ng maayos dito maliban kina hyung at mga professors ko. Ilag kasi ako sa mga tao. Ay mero pala, yung mga asawa nina hyung.

"Ikaw maknae. Bakit di mo subukan? Alam namin di ka sanay makihalubilo sa iba pero asawa mo siya. Nakakasama natin siya kapag break at lagi naming napapansin na di kayo nagkikibuan. Bakit hindi ikaw ang gumawa ng paraan para maging friends kayo at ng di kayo pinipilit ng mama mo."

Huwag kayong mag-alala. Pinag-iisipan ko pa.

Mahirap.

Mag-asawa nga kami.

Sa papel nga lang.

Falling for Mrs. Jeon JungkookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon