014

178 3 0
                                    



Balisa si Riri simula pa nung isang gabi. Tinanong ko naman kung anong problema pero lagi niyang sagot wala. Bakit kasi ayaw niya pang sabihin sakin?

"Alam mo na kung bakit iba kinikilos niya?" tanong sakin ni Seokjin hyung. Andito kasi sa tambayan namin kaya wala sina noona.

"Di pa nga hyung eh. Tinatanong ko kung ano wala lang daw." nakakabanas naman kasi si Riri.

"Hayaan mo muna. Magsasabi naman yun kapag okay na." sabi ni Hoseok hyung.

"Kelan pa hyung? Okay naman na kami nitong mga nakaraang araw. Tapos nung uumwi siya ng isang araw bigla na lang siyang lumayo."

"Ganyan talaga ang mga babae. They are complicated." explain ni Yoongi hyung.

"Tss. Sasabihin lang naman kasi kung ano bakit kailangang maging complicated pa?"

"Kasi Jungkook minsan may mga bagay na di agad nasasabi. Kaya huwag mong pilitin." bilin ni Taehyung hyung.

"Hay! Ako mismo naguguluhan sa sarili ko. Di naman ako dati ganito pero ng simulang intindihin ko si Riri naging ganito na ko."

"Itigil mo na ang pag-iisip kung bakit." sabat ni Jimin hyung. "Eto kasi yung dahilan kung bakit iniiwasan ka ni Yeri."

Ang sakit lang. Siya at siya lang ang babaeng sineryoso ko pero bakit niya nagawa to. Kaya ba umiiwas siya dahil sa kanya? Pwede naman niya kong sabihan na huwag ko ng ituloy. Pero ano pinamukha niya kong tanga? Sana sinabi niya na lang na wala talaga akong pag-asa. Hindi ganitong umaasa ako sa wala. Sana sinabi niya na lang, tama na kasi meron na kong nagugustuhan. Iintindihin ko naman siya.

"Huwag ka muna mag-conclude. Tanungin mo muna kong totoo." sabi ni Namjoon hyung.

"Totoo? Para saan pa hyung? Sasaktan ko lang sarili ko. Itatanong ko sa kanya kung bakit meron silang picture ni Sehun sunbae na naghahalikan? Sana sinabihan niya na lang ako na wala akong pag-asa kesa naman umasa ako sa wala diba." sigaw ko sa kanila. Nalimutang kong mga hyung sila dahil sa sobrang sakit. "Bakit kasi siya pa minahal ko hyung? Ngayon ko lang naramdaman to pero bakit ganito pa yung nangyari?" at di ko na napigilang umiyak.

"Maknae." yan lang ang nasabi nila sa lahat ng sinabi ko. Never akong umiyak sa harapan nila hyung. Sa mga pagkakataong di ko kaya, hindi ko pinapakita kina hyung ang kalungkutan ko. Si Riri lang pala ang magiging dahilan para makita nila akong umiyak.

"Ang sakit hyung. Pano ba to mawawala?" yan ang tanong ko sa kanila bago ako tuluyang makatulog habang umiiyak.

"Itetext ko lang si Jinah na di muna tayo uuwi. Magkakasama sila ngayon kaya wag na kayong mag-alala. Bantayan niyo muna yan." Lumabas muna si Seokjin upang maka-usap si Jinah at para na rin makapaghanda ng pagkain nila.

"Bakit kasi pinakita mo pa yung picture?" takang tanong ni Taehyung kay Jimin. "Di sana hindi nagkaganyan yang si Jungkook."

"Kasalanan ko pa? May nagpost lang niyan sa school page natin. Ako na nga tong nagmamalasakit para itigil niya yung kahibangan niya ako may kasalanan?" sarcastic na sabi ni Jimin

"Sinabi ko bang kasalanan mo? Tinanong lang naman kita bakit kasi pinakita mo pa."

"Eh sa tono mo parang ako may kasalanan! Di ako ang laman ng picture, kaya huwag ako ang sisihin niyo kung bakit umiiyak yang si Jungkook."

"Tama na yan." pigil ni Hoseok. "Nagkakainitan na kayo. Huwag niyo ng dagdagan ang problema."

"Kasi naman hyung sana hinintay muna natin na magpaliwanang muna si Yeri." sagot ni Taehyung.

"Tama na. Di init ng ulo niyo ang sagot sa problema ni Jungkook." paalala ni Namjoon. "Magapalamig nga muna kayo."

"Sumama ka sakin Jimin. May pag-uusapan tayo." yaya ni Yoongi sa kanya. "Hoseok ikaw muna bahala diyan kay Taehyung, Namjoon bantayan mo si Jungkook. Aakyat kami kapag kakain na."



"Jimin. Ano ba talagang problema mo at pati si Teahyung inaaway mo?" tanong ni Yoongi sa kanya.

"Wala akong problema. Naginit lang ulo ko sa sinabi niya kanina." sagot ni Jimin.

"Alam ko naman kasing ayaw mo ng sitwasyon mo ngayon pero please lang huwag muna ngayon. Itutuloy mo pa ba yung plano mo?"

"Oo hyung. Ayoko ko talaga."

"Di mo ba pagsisisihan yan?"


"Huwag mo na lang pansinin sinabi ni Jimin. Sadyang galit lang sa mundo yun." sabi ni Hoseok kay Taehyung.

"Sumosobra na kasi si Jimin. Ngayon lang naging ganon si Jungkook. Tapos di ko parin malimutan yung plano niya kay Yura. Naawa ako dun." paliwanag ni Taehyung.

"Di lang naman ikaw eh. Lahat tayo kasi ayaw sa balak niya kasi kahit di natin aminin parte na sila ng grupo natin."

"Bakit kasi sa isang tulad pa ni Jimin napunta si Yura?"

"Eh bakit sa isang tulad mo napunta si Eunhyun?"

"Hyung! Meant to be kami! Huwag ka ngang kontra."sigaw niya.

"Binibiro lang kita. Kumalma ka."



"Alam kong gising ka." sabi ni Namjoon. "Nagising ka ng nagsisigawan sina Taehyung at Jiimin." kaya naman tumayo na si Jungkook sa pagkakahiga.

"Ayos ka na ba?

"Medyo hyung. Ayoko munang isipin yun." pakiusap ni Jungkook.

"Hanggang kelan mo iiwasan? Kapag mas malaking issue pa ang dumating? Iiwas ka na lang ng di siya nagpapaliwanag?"

"Hyung-"

"Maknae, picture lang yun. Di lahat ng picture totoo. Bakit di mu muna siya tanungin? Saka ka mag-decide kung anong susunod mong gagawin." payo ni Namjoon sa kanya.



"Naiintindihan ko." sagot ni Seokjin sa phone. "Mabuti muna siguro to para makapag-isip sila. Ingat kayo diyan ah."

"Oo naman. Sana maayos to para wala ng problema."

"Sana nga Jinah, kase sa nakikita hindi lang sila ang may pagdadaanan. Kaya please lang be ready." bilin ni Seokjin kay Jinah. "Sige ibaba ko na tong phone, malapit nang maluto yung pagkain. Bukas na lang tayo magkita. Bye."


Falling for Mrs. Jeon JungkookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon