08

282 8 0
                                    



Umakyat na ko ng kwarto para makapagpahinga na si Yeri. Tsk! Dapat pala dito na lang matulog sa tabi ko si Yeri dahil asawa ko naman yun. Teka! Kaya pala ako umalis kasi bakay may matuloy na hindi dapat matuloy. Kalma lang Jungkook. Naalala ko tuloy yung mg sinabi nila hyung.

"Maknae!" sigaw ni Taehyung hyung paglabas ko ng building. "Bilisan mo at may pupuntahan tayo." ayoko sanang sumunod dahil kakausapin ko pa nga si Yeri pero nagulat ako ng lumapit na sakin si Jimin hyung.

"Jungkook ang bagal mo naman samantalang kanina ag bilis mong gumalaw kapag si Yeri ang pinag-uusapan. Nagugustuhan mo na ba siya?"

"Ewan ko hyung." sagot ko habang nasa loob kami ng sasakyan. "Basta nung nakita ko na magkasama si Yeri at si Sehun sunbae nairita ako."

"Iba na yan maknae." sabi ni Hoseok hyung. "Bukod doon may iba ka pang nararamdaman?"

"Di ako sigurado hyung."

"Maknae," tawag sakin ni Yoongi hyung, "Umamin ka nga. Anong ginawa niyo sa rooftop?"

"Wala hyung." pagdedeny ko. "Bakit?"

"Wala talaga?" paninigurado ni Namjoon hyung. "Eh bakit may ganitong video?" sabay pakita sakin. Laman nung video yung sigawan namin ni Yeri sa corridor. Akala ko ba walang tao bakit may kuhang ganito?

"Ah." sabi ko. "Hinalikan ko si Yeri. Bakit? Di ko rin alam."

"Ikaw lang makakasagot nyan maknae." sabi sakin ni Soekjin hyung. "Pag-isipan mo tong sasabihin ko. Payag ka bang makipaghiwalay kay Yeri? Diba ayaw mo naman talaga ng kasal na to? Kasi kung hinalikan mo lang siya kasi galit ka, please lang Jungkook ngayon pa lang itigil mo na."

"Bakit naman ako makikipaghiwalay kay Yeri?" tanong ko. "Kung hihiwalayan ko siya para lang makasama niya yung si Sehun sunbae huwag na lang."

"Bakit naman napasok si Sehun sunbae?" tanong ni Taehyung hyung. "Ikaw at si Yeri lang pinag-uusapan natin."

"Hay nako hyung, di mo kasi nakita yung kanina sa room eh. May something si Sehun kay Yeri kaya dahil doon nairita ako sa kanya." paliwanang ko. "Di ko gustong makita magkasama yung dalawa." dagdag ko pa.

"Bakit ka naman naiirita? Parehas lang naman tayong ayaw maikasal" sabi ni Jimin hyung. "Ayaw mo nun laya ka na kay Yeri."

"Huwag mo kong itulad sayo hyung. Kung wala kang paki kay Yura noona huwag mo kong idamay." sagot ko sa kanya.

"Edi sinabi mo din yung totoo." biglang sabi ni Namjoon hyung. "Maknae you still don't realize why you are being jealous. You are falling for her. Jungkook is falling for Yeri quickly and hard."

Bwiset tama nga si Namjoon hyung. Bakit kasi ngayon ko lang na-realize to, edi sana matagal ng maayos pagsasama namin. Sino kaya sa kanila ang pwede kong mapagtanungan ng tungkol kay Yeri? Nakakatakot namang magtanong kasi aasarin lang ako nina hyung. Hay Yeri bakit kasi ang lakas ng epekto mo sakin? Matawagan nga si hyung.

"Bakit?" sabi ni Taehyung hyung.

"Uso hi at hello hyung." sabi ko.

"Okay. Hello Jungkook! Bakit ka napatawag?" sabi ni Teahyung hyung. "Ano masaya ka na?"

"Hyung!" sigaw ko sa kanya. "Andyan ba sa Eunhyun noona?"

"At anong kailangan mo sa Eun Eun ko?" biglang tanong niya. "May balak ka bang agawin siya sakin? Kaibigan kita kaya ayaw kong mag-away tayo kapag tinuloy mo yang balak mo."

"Imagination mo hyung. Di ba pwedeng hinanap ko siya kasi may itatanong ako?"

"Anong itatanong mo? Ako na lang magsasabi."

"Di pwede hyung, dapat si noona ang maka-usap ko."

"Eeh!!! Bakit nga kasi."

"Akin na nga yan phone." rinig kong utos ni Eunhyun noona kay hyung. "Kung ibigay mo na kaya para matapos na yung pagtawag niya."

"Eun Eun ko naman." reklamo ni hyung. "Baka ma-inlove ka sa kanya. Di pwede yun kasi akin ka at kay Yeri na siya." Nadamay pa ko sa kalokohan niya.

"Pwede ba di ako pumapatol sa mas bata sakin." sabi ni noona. Medyo masakit, straighforward talaga si noona kahit kelan. "Kanino ba ko kinasal? Di ba sayo? Sino bang nagsabi sakin na sa kanya ako ma-iinlove? Pagkakaalala ko si Kim Taehyung nagsabi noon hindi Jeon Jungkook."

"Huwag kang ganyan Eun Eun ko. Mas lalo akong nahuhulog sayo." kabaliwan ni hyung. "Dahil diyan eto na yung phone ko. Basta promise mo akin ka lang ah."

"Hello Jungkook. Si Eunhyun noona mo na to." bati ni noona sakin. "Pagpasensyahan mo na yung hyung mo, di na naman nakainon ng gamot."

"Okay lang noona, kakalimutan ko na lang yung mga narinig ko. Pinagbitangan pa ko eh."

"Hay! Ewan ko ba dun. Anyways bakit mo ko gustong maka-usap?"

"Noona, tungkol kay Yeri may sasabihin lang ako."

"Tungkol kay Yeri?" pag-uulit niya. "Wait tatawagan ko rin yung iba. Conference call kami at isasama kita. Doon mo sabihin, maknae namin yun kaya dapat lahat kami nakakaalam."

"Okay." binaba ni Eunhyun noona yung tawag ko kay hyung. Kinabahan ako ng makita ko sa screen na si noona na yung tumatawag.

"Jungkook, salita ka lang naririnig ka namin. Sabihin mo na yung gusto mong sabihin."

"Noona." pagsisimula ko. "Wait. Jinah noona, Yoojung noona, Saeron noona, Joohyun noona, Eunhyun noona at Yura noona may ipapaalam lang ako sa inyo. Tungkol to kay Yeri." huwag kayo nagsasalita ako habang papunta sa ulit sa kwarto ni Yeri. Walang sabi-sabi pumasok na lang ako at nakita ko siyang gumagawa ng assignment namin.

"Magpapaalam lang sana ako sa inyo na formally kong liligawan ang maknae niyo. Alam ko kasal na kami pero di naman namin kagustuhan yun. Kaya mga noona I'm telling you this kasi hindi naman patas diba kasi I'm falling for her quickly and deeply. Dapat siya rin." nakita ko ang pagkagulat ni Yeri sa sinabi ko.

"Liligawan mo ang maknae namin?" sabay-sabay nilang tanong.

"Oo noona kayo ang saksi dito kasi di ko pa nasasabi kina hyung." sabay harap sa kanya. "Hi Mrs. Jeon Yeri, I'm Jeon Jungkook you're husband. Starting tomorrow I'll officially court you. I'll make you fall in love with me quickly and deeply like what you did to me. So be aware of it because in the first place Yeri, you are the reason why I am falling for Mrs. Jeon. Goodnight and dream of me." sabay end call at alis sa kwarto niya. Nawiwili na ata akong mag walk-out kapag nakikita ko siya.

/DspCLrv@>}.-

Falling for Mrs. Jeon JungkookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon