05

291 8 0
                                    



"So kasal ka na pala." sabi ni Sehun sunbae habang naglalakad kami papuntang library. "Akala ko kapangalan mo lang, ikaw na pala yun."

"Sunbae." tawag ko sa kanya. "Kasal kami kaya di na ko Kim."

"Sunbae?" tanong ni Sehun sunbae. "Nawala lang ako tapos bumalik naging sunbae na tawag mo sakin?"

"Kasi ano diba ano-"

"Ano?"

"Ano nga. Yun na yun." sagot ko kaya naman tumawa siya. Ngayon ko na lang nakita yung tawa niyang yun. Yung talagang tawa niya na wala siyang pakielam sa mga nakakakita sa kanya to the point na ma-emphasize yung eye smile niya.

"Its been long since I laugh like that." sabi niya ng kumalma na siya. "So ano nga yun."

"Sunbae!" sigaw ko sa kanya ng makarating na kami sa library.

"So a hoobae have the guts to shout to her sunbae. What a bad hoobae." asar niya sakin.

"Sunbae naman kasi."

"Drop off the sunbae thing." Sabi niya ng maka-upo na kami "Kahit sunbae mo ko, ako pa rin si Sehun na nakilala mo noon. So call me Sese again Eri."

"Ang awkward naman kasi niyan." bulong ko. "Ang weird na tawagin kitang Sese."

"Please Eri." pa-cute niyang sabi. "Na-miss ko yun. Nawala lang talaga ako naging ganyan ka na."

"Sese." tawag ko sa kanya. "Ayan ginawa ko na. Itigil mo na yan di na sakin tatalab yang aegyo mo, di na tayo bata."

"Ayan" sigaw niya. "Ang lakas parin talaga ni Sese pagdating kay Eri." kaya naman napatingin samin sina Yixing at Jongin sunbae.

"Umayos ka nga. Tinitignan tayo nina Yixing at Jongin sunbae."

"Hyung!" tawag niya sa kanila. "Huwag kayong tumingin nahihiya yung kasama ko."

"Sehun-ah!" sigaw ni Jongin sunbae. "Mahiya ka nasa library tayo."

"Ikaw din naman nasigaw ah!"

"Jongin, Sehun, bawal sumigaw sa library." saway sa kanila ni Yixing sunbae at lumapit siya sa akin at bumulong. "Kung ano man ginawa mo sa Sehun namin, thank you. It's been a long time since I saw his carefree attitude. Andito lang pala yun magpapasaya sa kanya."

"Hyung! Ano yan? Huwag kang bumulong, gusto ko marinig."

"Samin na lang yun. Sige alis na ko at kailangan ko pang tulungan yung napili ko."

"Sese." pagsisimula ko. "Ano nang gagawin ko sa research paper ko?"

"Eri." panggagaya niya. "Huwag muna yan. Kwentuhan muna tayo."

"Ng alin?"

"Kahit ano."

"Ikaw muna."

"Okay. Katulad nga ng alam mo pagka-graduate pinahandle na sakin yung business namin. Katulad nila hyung yung kapalaran ko. Pero after two years nagtayo kami ng sarili naming business name. Kami kami ang magpapartners. Sina Joonmyun hyung at Yifan Hyung ang CEO namin, isang Local at isang International. Sina Luhan hyung at Jongin Hyung ang CSO. Sina Yixing hyung at Kyungsoo hyung naman ang mga EVP. Sina Baekhyun hyung, Chanyeol hyung at Zitao hyung ang mga CFO. Si Minseok hyung ang COO, si Jongdae hyung at ako ang mga CIO. Bukod doon sina Minseok hyung, Jongdae hyung at Kyungsoo hyung ang mga lawyers namin local at international yan. Lumawak yung business namin mula South Korea to Mainland China. Tapos kakabukas lang namin sa Canada. Kung papalarin ieexpand pa namin sa US at Europe." paliwanag sakin ni Sese. Grabe lahat pala sila successful na kaya sikat na sikat sila sa business world. Ultimo ang grupo ang laging nasa frontpage ng mga business magazines. Last time nga isa-isa silang fineature noong isang taon. Kada isang buwan isa sa kanila kaya naman ang taas taas ng sales ng magazine company na yon. "Eh ikaw Eri anong meron sayo?"

"Yung pagkagradaute mo, sinabihan na ko nina mama na ikakasal ako. Sabi ko okay lang nasa isip ko kasi baka pagkatapos ko pa ng college. Laking gulat ko nun, kasi bago pala ako maging college student. Parehas kami ni Jungkook ng reaction. Maaga pa. Bata pa kami. Bakit ngayon agad? Pinilit ko sina na mama na patapusin muna ako ero di sila pumayag. Di ko lang alam sa kanya. Kumalat yung balita sa engagement namin tapos kasal na. Wala kaming tinulong doon. Mga magulang namin lahat nag-aasikaso. Ang ginawa lang namin sumipot sa kasal namin."

"Eh bakit parang gulat na gulat yung mga classmates mo kanina nung nagsalita yung asawa mo?"

"Kasi Sese, di nila kami nakikitang nag-uusap sa school. Oo magkakasama kami pumasok, sa lunch break at uwian pero never kaming nagsalita. Iniisip nila na di kami nagpapansinan kasi nahihiya daw kami sa kanila."

"Nahihiya ba talaga kayo Eri?"

"Nahihiya? Siguro hindi. Walang mapag-usapan? Siguro oo. Saka umiiwas din kami sa issue."

"Inaaway ka ba dito?" Tanong sakin ni Sese. "Naging sikat din kami dito. At alam ko ang ginagawa ng mga fans kapag may kinakausap o nalilink saming babae."

"Di na uso yung ganito dito Sese. Kalat kasi dito yung galit niyo ng inaway nila yung kapatid ni Minseok sunbae."

"So wala pala akong poproblemahin. Akala ko kasi di ka napagtatanggol ng asawa mo eh."

"Jungkook pangalan niya Sese. Kaya nga di kami nag-uusap para iwas issue."

Madami pa kaming nagkwentuhan ni Sese. Buong oras puro kami biruan kaya di maiwasag tumingin dito si Jongin sunbae.

"Sehun-ah. Lika na mag-lulunch break na rin." tawag samin ni Yixing sunbae. "Ischedule niyo na lang yung mga next meeting niyo."

"Pa-save ng number mo. Itetext na lang kita." sabi ni Sese. "Malapit na tayo."



"Excuse me." sabi niya. "Jeon Jungkook, ibabalik ko na pala si Jeon Yeri." Anong kalokohan ito Sese?

"Salamat." sagot ni Jungkook. "Papakainin ko muna siya at mamaya ko na titignan kung buo pa rin siya."

"Huwag kang mag-alala wala akong ginawang masama sa Jeon Yeri mo." sabi niya bago umalis.

"Kumain ka na baka abutan ka pa ng bell." hila niya sakin pauupo. "Bilisan mo may gagawin pa tayo."

"Anong gagawin mo maknae?/Anong gagawin mo sa maknae namin saeng?" tanong nilang lahat.

"Titignan kung buo pa rin siya."




"Siya ba yun?" tanong sakin ni Yixing hyung. "Oo pero malabo na eh. Kasal na sila kaya di ko na guguluhin si Eri." sagot ko.

"Mahal ba nila ang isa't isa?" tanong ni Jongin hyung. "Papunta na sila dun."


Falling for Mrs. Jeon JungkookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon