kabanata 1

12 0 0
                                    

2006

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

2006. Pilipinas. Kung saan man sa Los Banos, Laguna.

Dose anyos si Ken noon nung palagian s'yang ginigising ng Ama ng maaga, hindi para sa almusal, kundi para sa kanilang patagong "Chemistry Lessons". Hindi naman nagrereklamo ang binatilyo dahil sa kagustuhan niyang maging "National Chemist". Syempre, hindi yung tipong "National Chemist" na tumutulong sa bayan. Iba. Ibang-iba.

Ang laboratoryo ng Ama niya ay isang malaking pagawaan ng kung ano mang prototype na maimbento nila. Madalas nakakagawa ang binatilyo ng magagandang klase na ini-eksperemento sa makikidnap na mga pagala-galang tao sa Makati at Isabela. Kung makikiusap pa ng panglawang tira ang tao, maganda. Nakagawa si Ken ng isang magandang klase ng Kemikal na pinapatagal pa ang buhay ng tao, nakakapag-wala ng side-effects, at nakapagpatatalino di umano. Bakit? Yun naman talaga ang silbi ng drugs diba? Magpa-feel good? Sa kabilang banda, hindi parin nya matanggal ang long term effects kung saan...

...mawawala ang tao sa katotohanan. Mapupunta sa lugar na sobrang taas,sobrang saya, at sobrang makulay na gugustuhin pa niyang mamalagi at mag-order ng marami. Samakat'wid, nagiging adik.

Dose anyos si Ken noong namulat s'ya sa mundo na akala n'ya ay tama. Akala n'ya nakatutulong s'ya sa kanyang Ama na lagi s'yang tinatapik at pinupuri. Akala n'ya ginagamot n'ya ang mga taong nag-o-order ng mga kemikal n'ya. Akala n'ya ang mga taong nakakulong sa kanilang basement ay mga confined patients na kailangang gamutin. Akala niya alam niya ang ginagawa niya. Nakatira s'ya sa mundong sandamakmak ng akala, hanggang nung isang araw, nawala ang Ama niya. Kasama ang kanyang Ina, nakababatang kapatid, pinsan, tito, Lola at mga tauhan sa laboratoryo.

Pag-gising n'ya, malinis ang laboratoryo. Nakatago ang mga Kemikal. Walang mga tao. Walang gamit ng pamilya niya. Iniwan s'ya, pero ayaw niyang maniwala. Naniwala nalang siya nung may mga pulis na pumasok sa kanilang bahay at nag-tanong kung nasaan ang Drug Lord na si Kikoy Isagani. Hindi makapag-salita ang binatilyo.

"Bakit may mga pulis? Diba sila ang mababait na tao? Hindi naman kami masasama, ah." Isip-isp ni Ken.

Sa takot, nag-sinungaling ang bata.

"Sino ka?" Sabi ng pulis.

"Nakidnap po ako dito." Sagot n'ya.

"Nasan ang mga nag-kidnap sa'yo?"

"Wala na po sila nung pag-gising ko." Sabi ng bata, na medyo may katotohanan naman. "Hindi ko po alam kung na'san ako. Wala na po akong magulang. Iniwan nila ako sa kalsada. Batang kalye lang po ako."

"Bwisit." Napamura ang pulis sa sarili. Humarap s'ya sa kanyang mga tauhan. "Nakaalis na ang mga gago. Batang kalye lang ang nandito."

May lumapit naman na medyo mukhang mas mabait na pulis. "Bata, nakita mo ba ang mukha ng mga nag-kidnap sa'yo?"

Umiling lang si Ken.

"Alam mo ba kung sa'n sila pumunta?"

Umiling s'ya ulit.

"Walang kwenta." Sambit ng pulis na nasa likod.

Umalis din ang mga pulis, kasabay ang pangako na hahanapan sya ng matitirhang bahay na kanya namang tinanggihan. Hindi na nagpumilit ang mga pulis tsaka umalis.

Nang mawala na ang kanilang mga bakas at ingay, lumibot si Ken sa bahay. Hinanap ang mga sulok na palagiang pinagtataguan ng pera ng kanyang Ama. Matapos ang mga ilang oras, nakahanap s'ya ng limang libo, limang galon ng iba't-ibang kemikal at mga numero ng mga contacts ng kanyang ama.

Tinawagan n'ya ang cellphone ng ama. Walang sumagot, kahit man lang voicemail. Walang cellphone ang kanyang Ina, walang sumasagot na tauhan. Walang kahit sino ang sumagot sa kanya, na tila ba'y nawala sila sa kinabihasnan n'yang mundo. Pa'no s'ya mabubuhay? Ilang araw ba ang tinatagal ng limang libo? Anong gagawin n'ya sa mga nakatambak na kemikal sa laboratoryo na hindi man lang naisip i-raid ng mga pulis? Anong gagawin n'ya sa log book ng mga kontak ng kanyang Ama?

May isa lang natatanging kahihitnatnan ang mga bagay na ito. Kailangan n'ya itong gamitin. Kailangan n'yang mabuhay. Kailangan n'yang gumawa at magbenta ng droga. Dahil sa kasawiang-palad, yun at yun lang naman talaga ang kaya n'yang gawin.

Malamang naiisip n'yong dose anyos lang ang ating bida, pero sa mga pagkakataong kailangan mong mabuhay, kailangan mong maging matalino, lalo na kung sa tingin mo ay wala nang babalik para sa'yo.

Una n'yang tinawagan ang mga kontak ng Ama. Sa kanyang pagtatanong, napag-tagpi-tagpi n'yang lumabas sila ng bansa para magtago sa mga parak. Kung baki s'ya iniwan sa 'Pinas, hindi n'ya maintindihan. Ang alam lang n'ya, hindi na n'ya kailangang maghintay sa kanilang pagbabalik.

Ginamit n'ya ang natitirang pera sa pag-puhunan. Dinagdagan nalang ito ng mga "Ninong" n'ya na pinangakuan naman niya ng mga magagandang uri ng droga. Padami din ng padami ang kanyang mga kliyente, at sa isang taon, nasanayan na n'ya ang "negosyo".

Minsan, bago matulog, iniisip ni Ken na baka isang malaking biro lang ang mga ito. Na baka dumating bigla ang kanyang Ama at sabihing binigyan lang s'ya ng pagsubok. Pero sa mga panahon ngayon, kabilang na ang mga pulis na pumapalagi ng tiktik sa kanyang bahay, kailangang matigil na kanyang imahinasyon. Sa murang edad, kailangan n'yang lunukin ang konsyesya, hindi lang para sa kanyang mga nagiging biktima, kundi para narin sa kinabukasang kinagigiliwang isipin no'n.

Pero wala na. Anong magagawa n'ya? Tawagin si Batman at sabihing s'ya na ang bahala?

Ngunit sa kabila ng lahat, sa kabila ng katotohanang trese lang s'ya, sa kabila ng mga kakaibang pagkakataon ng buhay, sa kabila ng nangangamoy kemikal na basement, sa kabila ng mga taong may tabako at malalaking sing-sing na bumibili ng mga produkto n'ya, sa kabila ng Hello Garci scandal, sa kabila ng sandamakmak na pera na hawak n'ya ngayon...

...gusto parin n'yang maging magaling na Nano-chemist.

Parang tanga lang no?

Ito ang buhay ni Ken Isagani. Ang buhay n'yang gusto n'yang takbuhan, pero di kayang iwan.


_______________________________________________

(bakit kaya s'ya iniwan? At bakit s'ya lang?)

Dragista: Ang patagong buhay ni Ken IsaganiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon