Kabanata 3

22 1 0
                                    



Natapos ang araw sa eskwela at kanya-kanyang labas ang mga estudyante sa gate ng school para umangkas sa kani-kanilang jeep. Sa mga nangyari nitong araw, hindi mawari ni ken kung s'ya ba ay pagod dahil sa Pre-Calculus quiz na 100 items, o sa kakaisip sa bagong estudyante. Hindi lang mapakali ang binata sa bagong babae. Ito talaga madalas ang nararamdaman n'ya tuwing may bagong salpak sa U.P. campus. Pakiramdam n'ya, isa sila sa mga spy na ko-korner sa kanya.

Kinakabahan s'ya kapag hindi si Mang Toni ang Janitor sa Hallway nila. Kinakabahan s'ya kapag hindi si Aling Pacita ang tindera ng kakanin sa gilid. Kinakabahan s'ya kapag hindi si Noel ang tricycle driver n'ya. Kinakabahan s'ya kapag may bagong kostumer na gusto s'yang makausap. Kinakabahan s'ya kapag may substitute teacher. At ngayon, kinakabahan s'ya dahil may bagong estudyante sa kalagitnaan ng semester.

Paranoid s'ya. Isa ito sa mga drawbacks ng pagiging drug-pusher, drug-maker, drug-dealer... in-short, drug-lord. Ilang beses na n'yang gustong lumabas, pero napaparanoid din ang binata na kapag biglang s'yang umatras sa mga regular deals, baka magalit ang mga kliyente at ilaglag pa siya.

Hindi pa nakatutulong na may all-out drug war ngayon sa Pilipinas. What if isang araw, makita nalang s'yang bulagta sa daan?

Dyus ko, napaka-bata ko pa.

Naghintay s'ya sa tapat ng school gate para sa tricycle, pero makalipas ang sampung minuto, walang tricycle ang dumating. Hinding-hindi s'ya binibigo ni Noel dahil una sa lahat, drayber n'ya talaga ang tao hanggang sa kanyang BMW. Pero ngayon, walang dumating.

"Uy, Ken, bakit nandito ka pa?" Sabi ng energetic na boses ni Cindy. Sa tuwa, lumingon si Ken paharap sa dalagita, pero laking lundag ng puso n'ya nung makitang kasama pala ni Cindy ang bagong estudyante. "Ken, magkaibigan na kami Danny. Gusto daw n'yang umikot dito sa Los Banos."

"Gusto kong pumunta sa bahay n'yo... as a celebration to our new friendship." Dagdag ni Danny.

Napangiwi nalang si Ken. "We're not friends."

"Ken." saway ni Cindy. "Wag ka ngang mataray. Sa babae pa man din." sabay irap nito.

"Bakit, porket ba babae s'ya hindi ko na tatarayan. Where is the gender equality there?"

Umirap ulit si Cindy at tumalikod nalang si Ken. Madalas ang kanilang awayan na ganito, sanay na si Ken, si Cindy, at si Franco. Actually, sanay na ang buo nilang klase sa bangayan nila. Natural na maldito kase si Ken.

"Look guys." tawag pansin ni Danny. "I don't know about you, but Cindy, I want to visit your houses. Saan ba 'yon dito?"

"And look, Miss Conyo, bumalik ka nalang sa condominium mo sa Alabang kase wala kong pake sa'yo. Tara na Cindy." Sabay walk-out palayo kay Danny.

"Ken, ano ba. Bibisita lang naman sa bahay n'yo eh. Ano bang masama don?" Pilit tinigil ni Cindy ang paghila sa kanya ni Ken. Dahil sa munti nilang komosyon, may mga ilang estudyante na napatingin. Isa sa mga estudyanteng ito ay si Franco na s'ya namang lumapit at inakbayan agad si Ken.

"Oy, pre. Anong meron, nag-aaway kayo ng girlfriend mo?" Singit ni Franco.

"Hindi ko s'ya girlfriend."

"Hindi ko s'ya boyfriend."

sabay nilang sambit.

"Hay nako, ang sweet n'yo talaga. Para kayong mag-asawa." Lumingon naman si Franco kay Danny. "Hello, Miss beautiful. I'm Franco. Legal lawyer ng mag-asawa. It seems kase na palagi silang nag-fi-file ng divorce."

"Franco!" Sabay ulit nilang sigaw.

Napatala si Danny. "I like you, you're funny. Unlike this Ken person. You know mas mataray pa s'ya sa babae."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 06, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dragista: Ang patagong buhay ni Ken IsaganiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon