Kabanata 2

17 0 0
                                    

(simula ngayon, hindi na ako mag-i-italize ng foreign words

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(simula ngayon, hindi na ako mag-i-italize ng foreign words. Nakakapagod din.)




"Boss, gising na. Mukhang wala nanaman kayong suspension ngayon." Sambit ni Berto, isang lalaking may malaking katawan, malalim na boses, at nakakatakot na skin-head na ulo. Kabila ng hitsurang Mexican wrestler, malumanay ang kanyang pagtapik sa 17 anyos na binatilyong mahimbing na natutulog sa kanyang Queen-sized bed.

"Hmmm..mmwam...ya." Sabi ng binatilyo.

"Boss, sabi mo may quiz kayo sa PreCalc ngayon. Dali, mukhang wala nang bagyo. Malamang hindi ito ipasu-suspend ng U.P."

"Pero sabi ng PAGASA..." dumilat ang binatilyo, napagod sa paghahanap ng rason kung bakit mag-papasuspend ang eskwela ngayon. Malamang, tulad ng dati, kailangan n'yang pumasok sa school, mabasa, at dumating sa klase para pauwiin lang din dahil suspended daw ang putcha. Pero marami din namang pagkakataon na meron talagang pasok kahit tumutuklap na ang bubong ng classroom nila. Well, anong masasabi n'ya, dedicated ang mga taga-U.P. sa edukasyon, kahit mukhang hunted building na ang pinaka-sikat na unibersidad ng bansa. Sumuko din s'ya at bumangon, tsaka naghanda para sa eskwelahan. "Susunod ako." Sabi n'ya, sabay tingin sa puting kisame upang mag-isip ng wala.

Madalas n'ya itong gawin sa umaga. Well, mas mabuti nang mag-isip ng wala kaysa mag-isip ng masama. Bakit hindi nalang s'ya mag-isip ng maganda kamo? Dahil malamang maliligaw din ang pag-iisip n'ya sa masama. Mabuti na'to. Umaga pa naman.

Bumangon narin ang binatilyo. Naligo, tumae, kumindat sa salamin, at lumabas papuntang Dinning Area para kumain. Pagdating n'ya handa na ang simpleng almusal na hinanda ni Berto.

"Boss, dumating na po yung bayad ni Kalbo. Nilagay ko na po sa Cabinet n'yo." Singit ni Berto ka kalagitnaan ng kanilang pag-kain.

"Binilang mo ba?"

"Opo. Kulang ng sampung libo, boss."

Napapikit nalang ang binatilyo at nagbuntong hininga. Meron talagang mga pagkakataon na kinukurakot ng mga cliente n'ya ang bayad. Nung 2013, may nagsabing hindi daw s'ya magbabayad dahil mahinang klase daw ang droga. Sinabi n'ya yun nung sobrang high s'ya. Ang resulta, bali sa braso, bali sa kaliwang binti, paso sa mata, at doble ng retail price. Kapag may nagkukulang ng bayad, madalas n'yang ipabugbog o i-frame sa pulisya ang tao. Hindi naman ito madalas. Sa totoo lang, panghuli na yung 2013. Hindi na natuto ang mga tao.

"Ano pong gagawin natin, Boss?" Tanong ni Berto.

"Kausapin mo muna si Kalbo. Baka nakalimot lang yung tao. At sabihin mo..." nagsimulang tumayo ang binatilyo at inabot ang kanyang school bag "... wag na wag na s'yang makakalimot ulit. Maliwanag?"

"Opo boss Ken."

- Sa Eskwelahan

Dumating si Ken sa eskwelahan gamit ang tricycle. Isa 'to sa kanyang mga low-profile techniques. Pinapakita n'ya sa school na isa lang s'yang mahirap na estudyanteng nagmula sa *"relatively poor" na pamilya sa slum area ng Los Banos. Irrational din naman kase kung iisipin na mayaman s'ya pero isa s'yang ulila. Kasama din sa script n'ya ang pakikitira sa Tyuhin n'yang si Tito Berto. Malamang, tinitimbrehan ng mga pulis ang mga sobrang yaman na mga tao pero wala pa sa 10,000 Php ang income tax. Kailangan n'yang mag-ingat.

Dragista: Ang patagong buhay ni Ken IsaganiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon