CHAPTER THIRTY-TWO
Trixy's POV
Panay ang punas ko sa luha ko na umaagos sa pisngi ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pag-iyak habang naririnig sa background ang instrumental na 'My Heart Will Go On'. I can feel how hurt Rose is as she let go of Jack's hand.
"Punasan mo nga 'yang luha mo. Para kang tanga."
Tinanggap ko ang panyo na binibigay sa'kin. "Hindi mo ako masisisi, 'no." Suminga ako ro'n sa panyo. "I know how it hurts to let go of someone you love. Hindi mo man gusto na bitawan siya pero gagawin mo pa rin dahil 'yon ang tama." Nakatutok pa rin sa tv ang mga mata ko at marahang suminga ulit.
"Kaya ba tinakbuhan mo 'ko? 'Yon ba ang tama?"
Pakiramdam ko ay nanigas ako sa kinauupuan ko. Nagsimulang mag-process sa utak ko ang mga narinig ko na tila nag-echo sa pandinig ko.
"Kaya ba tinakbuhan mo 'ko? 'Yon ba ang tama?"
Parang may kaboses. Parang si... Lumingon ako.
Crap! "Kanina ka pa diyan?" Tanong ko kay Sebastian.
"Hindi naman." Seryoso ang mukha niya pero may kislap ang mga mata.
Biglang nag-flashback sa isip ko ang nangyari kagabi sa Hera's Garden at bigla akong nakaramdam ng pagkailang. Tumayo ako at nagpunta sa may ref. Nasaan ba si Fritz? Kanina lang nandito 'yon, ah.
"Paano ka nakaakyat dito? Saka bakit nandito ka?" Naglabas ako ng juice decanter mula sa ref. "Nagugutom ka ba? May cake rito sa ref, okay lang ba sa'yo ang black forest?" Binuksan ko ulit ang ref para kuhanin ang box ng cake nang magsalita siya.
"No, I'm not hungry."
"Ah, juice. Uminom ka muna."
"Relax."
Halata bang natataranta ako? Hindi naman masyado, 'di ba? Naupo na lang ako sa malapit na dining chair. Nanahimik lang ako at hinintay na magsalita siya. Pero imbis na magsalita ay lumakad siya palapit sa'kin at huminto rin agad.
"I'm sorry." Tiningnan ko lang siya. "Tinawagan ko si Fritz para makapasok dito. At nandito ako para linawin---"
"Look," I cut him off. "Kung 'yong nangyari kagabi ang ipinunta mo rito, 'wag mo nang isipin 'yon. Alam ko namang wala lang 'yon. Natural lang naman sa mga tulad natin 'yon. You as a playboy and me," I shrug. "As a player, too." Hypocrite ba 'ko? SIGURO! I manage to look at his eyes with my blank expression.
Hindi sumagot si Sebastian. Hindi ko rin mabasa sa mga mata niya kung ano ang posibleng iniisip niya. Hindi ko masiguro kung halata ba niya na hindi ako komportable sa distansya namin ngayon. Na pakiramdam ko ay sumisikip ang unit namin ni Fritz dahil parang ang lapit-lapit niya.
"I hope we are still friends after that." Finally, nagsalita rin siya.
Bahagya akong ngumiti at nag-aalangan na sumagot. "Oo naman." Sana lang ay kaya kong panindigan ang isinagot ko. Sana ay tama ako na 'yon ang pinili kong sabihin. Haay... sana. Puro sana.
Tumango-tango siya. "G-good." Alanganin siyang ngumiti. "Mabuti na 'yong alam natin ang kinatatayuan nating dalawa."
Kung alam lang sana niya. 'Di bale, alam ko naman kung saan ako nakatayo. Malapit na nga akong mahulog sa sobrang lapit ko sa bangin, eh. "Yeah. Friends?" Inilahad ko ang kamay ko at hindi inaalis ang titig ko sa mga mata niya. Hindi man 'to kasing dali nang iniisip ko pero kailangan ko 'tong gawin. Hindi ko kailangan ng panibagong tao na idadamay sa magulong buhay ko. May kirot man sa puso ko nang tanggapin niya ang pakikipagkaibigan ko, mas mabuti na rin 'yon. All casual and no complication.
BINABASA MO ANG
The Vengeance
RomanceA story that tells how far love will go despite of all the secrets and lies.