The Vengeance (part 4)

365 2 0
                                    

CHAPTER TWENTY-FOUR

"Thank you sa paghatid at sa libre." Lingon ko kay Sebastian nang i-park niya sa tabi ng kotse ko ang sasakyan niya.

"Wala 'yon. Ikaw naman ang nag-insist na ilibre kita, eh." He grinned. "Biro lang."

Nangingiting niyuko ko ang bulaklak na hawak ko. "Salamat din dito sa peace offering mo. Nag-abala ka pa talaga bumili."

"Hindi naman masyado. Nagkataon lang na may nakita akong nagtitinda niyan habang sinusundan ko 'yong bus na sinakyan mo."

Hindi ko maintindihan pero bigla ay naramdaman ko na naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Pero hindi 'yon dahil sa nerbiyos. Sa totoo lang, naramdaman ko na noon 'yon---no'ng nasa unit niya ako at biniro niya ako na para bang hahalikan o yayakapin ako. Napatingin ako sa bintana sa tabi ko at halos pabulong na nagsalita. "Ah, salamat ulit. Baka hinihintay na 'ko ni Fritz." Alam kong hindi ako hinihintay ni Fritz ngayon, baka nga mahimbing na natutulog ngayon 'yon, pero wala na kasi akong maisip na palusot.

"Sige. Tatawagan na lang ulit kita kung ma-late ka ng gising bukas." His tone sounds so friendly and teasing.

"Hehe. Okay, bye." Nangingiwing binuksan ko na ang pinto sa gilid ko at lumabas na.

Nang maisara ko na ang pinto ay nagmamadaling naglakad na 'ko papalayo sa kotse. Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko at lalo pa 'yong bumilis nang marinig kong tinawag niya 'ko.

"Trixy, wait!" Nag-echo sa parking area ang boses ni Sebastian at labag man sa loob ko ay huminto ako sa paglalakad.

"May nakalimutan ka ba?" Tanong ko nang hindi lumilingon.

"Oo, eh." Narinig kong humakbang siya pero agad ding huminto. "I just want to ask if... if... ah, if we can go out on a date next week?" He paused. "Just a friendly date." I heard him heaved out a hesitant sigh.

Hindi agad nag-sink in sa isip ko ang sinabi niya kaya hinayaan ko na lang na kusang lumabas ang salita sa bibig ko nang hindi nag-iisip. "Okay," at saka ako naglakad ulit.

Nang pagdating ko sa entrance na nasa parking area ay dire-diretso lang ako dahil kilala naman ako ng guards do'n.

"Good afternoon, Ma'am. May package pong dumating para sa inyo." Bungad sa'kin ni Dane, isa ring FD personnel.

Lumapit ako sa kanya at pinakita niya sa'kin ang isang gift box.

"Kanino raw galing?" Tanong ko pero hindi kinuha, ni hinawakan ang gift box.

"Wala pong sinabi 'yong nag-deliver bukod sa kakilala niyo raw po ang nagpadala niyan. Baka po ang daddy niyo."

Kunot-noong tiningnan ko si Dane. "Imposibleng kay dad 'yan galing. Tumatawag siya para sabihan ako kung may ipinadala siya."

"Sabagay po. Gusto niyo po bang pabuksan na lang?"

"Yeah."

Tumawag si Dane ng isang guard para buksan ang box. At laking pagtataka ko nang makita ang laman no'n. 'Yong sapatos na isinukat ko sa mall!

"Ma'am, may note po." Iniabot sa'kin no'ng guard ang note.

"Salamat. Pwede ka nang bumalik sa pwesto mo." Magalang na tumango lang ang guard.

"Mukhang sa admirer niyo po 'ata galing, ma'am." Komento ni Dane.

Bahagyang akong ngumiti at kinuha ang box. "Salamat sa pag-receive nito."

"Wala po 'yon."

Tinalikuran ko na si Dane at tinungo ang elevator dala-dala ang box at binasa ang nakalagay sa note.

The VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon