CHAPTER THIRTY-SEVEN
"Anong iniisip mo ?"
Mula sa pagtanaw ko sa pagbaba ng araw sa may bintana sa tabi ko ay nilingon ko si Sebastian. "Wala naman." Matipid na sagot ko.
Nakatutok lang ang tingin niya sa daan at nagko-concentrate sa pagda-drive. "Can I ask you something?"
"Pagkatapos mong malaman ang lahat sa'kin, ngayon mo pa naisip na sabihin 'yan." Biro ko. "Ano bang itatanong mo?"
Sandali siyang lumingon sa'kin at muli ring itinuon sa daan ang tingin.
"Marami, eh."
Bahagya akong tumagilid paharap sa kanya, handa sa anumang gusto niyang malaman. "Then, what's first?"
Hindi siya agad nagsalita, halatang nag-iisip. "Paano ka nagkaroon ng violent tendency?" He asked afterwards.
Yumuko ako at wala sa loob na kinagat ang ibabang labi ko. Kahit na tanggap ko ang sitwasyon ko, kay Silvia---psychiatrist---lang ako komportableng pag-usapan ang tungkol do'n.
"Okay lang kung ayaw mo pag-usapan."
Tiningnan ko si Sebastian. Nakatingin din siya sa'kin. At na-realize kong nasa gitna kami ng traffic.
"He left me for another woman." Usal ko. Hindi ko alam kung bakit pero nagtitiwala ako sa kanya. Nagpatuloy ako. "After my high school graduation, I went to New York as my dad's gift. Two years ko nang boyfriend si Claid no'ng time na 'yon. And one afternoon, he called me that he went to Madrid. Madalas siya magpunta ro'n dahil may business sila ro'n. Hindi ako naghinala kahit isang beses na may babae siya habang nasa New York ako. Naging kaibigan ko muna siya bago naging kami kaya malaki ang tiwala ko sa kanya. But to make my story short, nang magpunta ako sa isang hotel para sunduin ang stepmom ko, I saw him there... with a girl." Nakita kong lumuwag na ang traffic at umuusad na ang kotse ni Sebastian.
"Anong sinabi mo nang makita mo sila?" Hindi nakatinging tanong niya.
"Wala." I shrugged. "Hindi ko na siya nakita matapos ang araw na 'yon. Hindi ko na tinapos ang bakasyon ko no'n at bumalik ako rito na parang walang nangyari. But things started to change since then. Nag-umpisa na 'kong maging parating aburido." I paused. "At first, I thought it's just normal. But I was wrong. Habang tumatagal ay lumalala ako. Limang buwan mula nang makita ko Claid sa New York ay nakita ko sa website niya na kasal na pala siya no'ng araw na makita ko siya ro'n sa hotel. And that day, I almost killed Fritz." Tumingin ako sa dinadaanan namin para iwasan ang nanunuring mga mata ni Sebastian.
"Mahal mo pa rin ba siya?" Sa lahat ng tanong, 'yon ang huling naiisip kong itatanong sa'kin ng kahit sino.
"No." Walang pagdadalawang-isip na sagot ko. "My psychiatrist said that my tendency was probably the result of my not-so-easy childhood but had only been triggered by Claid's deception. And I hated him for doing that to me." I trailed off. "Kung hindi dahil sa kanya, hindi ko sana nararanasan ang guilt tuwing nakakapanakit ako. His deception brought me to this hell." I added softly, almost like a whisper.
Sandali siya uling lumingon sa'kin. "Tama ba 'ko kung sasabihin ko na siya ang dahilan niyang tattoo sa paa mo?"
I frowned. "My tattoo?"
"Yup. The fire." Sagot niya. "O baka naman meron pang iba?"
"To be honest," bahagya kong ibinaba ang kaliwang sleeve ko at ipinakita ang tattoo sa likod ko, sa bandang baba ng balikat. "Ito ang tattoo na dahil sa kanya."
Halos sumubsob ako sa dashboard nang mag-preno si Sebastian.
"Papatayin mo ba 'ko?!" Sigaw ko nang makaayos na ako ng upo.

BINABASA MO ANG
The Vengeance
RomanceA story that tells how far love will go despite of all the secrets and lies.