Habang ngumunguya ako ng loaf bread ay natanaw ko si Jame.
"Jame!" Tawag ko. Mukhang badtrip ang hitsura niya pero nginitian niya 'ko.
"Hi, girl." Bumeso siya sa'kin at naupo sa harapan ko.
"Hi yourself. Kumain ka na?"
She scowls. "Kanina pa nga kita hinahanap. Iniwan ko sa room ang food ko. I thought kasi groupmates tayo." Binalak nga pala namin na salitan sa pagdadala ng food tuwing sa labas ng hotel ang activity. Kawawang Jame.
Ibinigay ko sa kanya ang isang box ng chocolate loaf bread. "Oh, sa'yo na 'yan, hindi naman ako mahilig diyan. Ewan ko ba kay Fritz kung bakit bumili niyan."
Ngumisi naman si Jame habang hawak-hawak ang box ng loaf bread. "Ako kasi ang nagsabi kay Fritz. Ahahaha. Sabi ko kasi share tayo sa food kaya sumabay na rin ako nang mamili siya." Tuwang-tuwa na kwento nito.
Naiiling na lang ako at saka pinaalis na siya. Baka kasi may makakitang prof o officer ng SCA sa kanya. Bawal kasing magpunta sa ibang grupo.
Nang mag-angat ako ng ulo mula sa pagkuha ko ng banana loaf bread ay nahuli kong nakatingin sa'kin si Trinidad na katabi lang ni Alex.
"Why?" Mataray na tanong ko. Napatingin pa sa'kin si Alex pagkatapos ay kay Trinidad naman na tumayo at umalis bigla.
Anong problema no'n?
CHAPTER NINE
"No! I will not cross to that bridge! Not in this lifetime!" I try hard not to sound hysterical.
We're at the last island and unfornately our last activity is to cross in a hanging bridge. Sa fourth island ay nag-zipline kami. Ginawa ko 'yon kahit na feeling ko ay sasabog ang puso ko sa kaba. I was so paranoid that the harness might break anytime while I'm up high. I'm afraid that when it happens my face and body will break into an unimaginable pieces. But still, I did go for it. Hindi ko na kasi ginawa ang pagtalon sa cliff and it's unfair to my groupmates kung hindi ko gagawin ang zipline. It's a game at dahil sa'kin kulilat ang group namin.
"Nagawa mo ngang mag-mountain climbing at zipline 'tapos hindi mo kaya ang tumawid sa isang tulay." Katwiran ng magaling na si Trinidad. Unfornately, siya ang leader.
"Hindi mo kasi naiintindihan." I look away from him. Iba ang mag-mountain climbing at pagkatapos ay sumakay ng cable cart pabalik. Sa cable cart ay mas feel ko na safe ako dahil may mga kasama ako. Isa pa, hindi ako obligadong tingnan ang nasa ibaba dahil I can just look straight at my eye level. Hindi katulad sa zipline na kitang-kita ko ang nasa ibaba at sa hanging bridge na bukod sa nag-si-sway dahil sa hangin ay tila hindi na 'ko mabubuhay once na maputol 'yon at mahulog ako.
Umalis na 'ko pabalik kung saan nakadaong ang mga bangka.
"Hindi ko alam na marunong ka rin pa lang maduwag. Matatalo tayo dahil hindi kami kompletong tatawid." Narinig kong sigaw ni Trinidad. Pero hindi ko pinansin 'yon. Selfish, unfair, coward or whatever he wants to call me I won't give a damn.
Bumalik ako sa bangka namin at nakita ko si Jame sa bangka nila. She's really getting along with her groupmates. Sana katulad na lang niya ako. Sana hindi na lang nangyari ang lahat ng trahedya sa buhay ko. Sana masaya rin ako katulad niya.
I sigh heavily. All those hopes are just simply hopes. I know it won't happen.
*****
Madilim na nang makabalik kami sa hotel. At ang nagbabadyang masamang panahon kaninang hapon ay bumuhos na. Sobrang lakas ng ulan nang dumating kami sa hotel. Kanya-kanya nang takbuhan ang lahat papasok.
BINABASA MO ANG
The Vengeance
RomanceA story that tells how far love will go despite of all the secrets and lies.